Ba't kaya ang sama ng tingin niya sa bulaklak, e magaganda naman ito, isip niya habang tinitingnan ang kanyang bedside table. Nalaman din niya ang sagot. May note sa may gilid ng vase, galing pala iyon kay Steve.
Bumukas ang pinto.
"Heto na yung mga pinapabili mo," bungad nito.
"Kyle, napansin mo bang magkaiba ang sapatos na suot mo?" 'Di na niya alam kasi kung anong sasabihin dito dahil baka umalis agad.She wanted him to stay a little longer...just in case magbago ito ng pakikitungo sa kanya somehow.
"Ok lang...I had to be here." Napaka-distant ng pagtugon nito. "Pinasadya kong haluin ang buko at pakwan para makabili ng inumin mo. Ganoon din yung paksiw na prito. Nagbayad na lang ako ng extra."
"Ano?" Nag-effort siya para lang sa akin..? Nagsalubong sila ng tingin. Walang apoy ng pagmamahal ang nakita niya sa mga mata nito. Pero bago ito tumingin sa ibang direksyon parang may nakita siya... Saglit lang iyon, pero parang nakita niya ang dating maalab nitong pagtingin sa kanya. And then it disappeared...
Ilang araw din siyang nagtagal sa ospital. Binantayan siya nito hanggang sa tuluyang makauwi ng bahay. Pero hindi na bumalik sa dati ang kanilang relasyon. Hanggang sa nagdesisyon na lang itong bigla.
"Pupunta ako ng States three days from now. Alam mo naman ang number ko at ni Tiya Lenny. Tawagan mo na lang ako just in case magbago ka ng isip."
Umalis ito ng bahay niya na hindi man lang siya nagsasalita. Ano pa bang sasabihin niya? Nakapagdesisyon na ito. He didn't want her in his life ever again! At siya na naman ang may kasalanan. Tuluyan na siyang sumuko.
Sige Kyle, pagbibigyan na lang kita sa gusto mo... She strongly felt that a piece of her heart was removed.
"Ano ka ba Ate Swan? Ba't ayaw mong magparamdam kay Kyle. Three days lang ang palugit niya sa iyo 'di ba? Paano kung tuluyan ka na niyang iwanan?" sunod-sunod nitong sermon.
Nasa loob sila ng bahay niya nang mga oras na iyon. Tatlong araw na siyang absent sa shop niya. Gulong-gulo na kasi ang utak niya. Mamaya na ang alis ni Kyle kasi.
"Nagpapalipas ka ng gutom, mamaya mahimatay ka na naman at ma-admit sa ospital!" nababahala nitong wika.
"Rose...paano kung...paano kung si Vera na talaga ang gusto niyang balikan. Ang alam ko sa States din ang punta ni Vera..."
"Hanggang ngayon si Vera pa rin ang iniisip mo?!" singhal na nito. "Paano kung ako ang magbakasyon sa States, ibig bang sabihin ba nu'n, magiging kabit din ako ni Kyle?"
"'Please don't mention that word again. Ang sakit kaya sa tenga." Bumigat ang damdamin niya.
"Eh di ba 'yan ang ipinaratang mo kay Vera tapos ngayon naiirita ka 'pag ginagamit ko."
"Rose, pumunta kaba rito para i-comfort ako o sermunan?" nanghihina niyang wika.
Huminahon ito. "Gusto ko lang makita mo yung part mo sa pagsalba sa inyong marriage Swan."
"Pero nag-iba kasi si Kyle...mula noong away namin," alanganin niyang wika. Naalala pa niya ang mabigat nitong pagyugyog sa kanya.
"Well Ate, kung ako rin pararatangan mo na isang cheater kahit hindi totoo, baka hindi lang yugyog ang natanggap mo sa akin. Sasamahan ko pa iyon ng sipa, kurot at..."
"Rose gusto mo ba talaga akong i-discourage?" Muntik na siyang maiyak dahil sa matinding guilt.
"Hindi Ate, pero alam ko rin na kailangan nating mamuhay sa realidad. Wala pa tayo sa langit. Until then, we must always remember, bawat isa ay nagkakasala. Kaya kailangan nating humingi ng tawad sa Diyos pati na sa mga taong nasaktan natin," may diing paliwanag nito. "Hindi perfect ang asawa mo. Nasasaktan din siya. Oo may mga naging pagkukulang siya sa marriage ninyo pero agad niyang na-realize iyon, kaya ka nga hinanap." Malumanay na ang boses nito. "After you disappeared from his life for two years, hinanap ka pa rin niya. He pursued you Ate. Puwede naman siyang maghanap, mag-entertain ng iba, pero di niya ginawa. Ate 'wag kang bulag, hindi siya tulad ng mga lalaki sa pocketbook, na kailangan perfect, kailangan laging understanding. May panahon din na mapipigtal siya." Pinisil nito ang kamay niya. "Sana Ate 'wag mong antayin na umabot siya sa ganoong sitwasyon," pakiusap nito.
Parang bombang maliliit ang mga salitang binitiwan ng kaibigan. Iba-iba ang epekto ng mga iyon sa kanyang isipan at emosyon.
Gusto naman niyang gawin ang tama pero nahihirapan talaga siya!
In the end, she made the worse decision of her entire life. She let go of the man who had loved her unconditionally.
![](https://img.wattpad.com/cover/80489076-288-k985005.jpg)
BINABASA MO ANG
My Sweet Kyle
RomansMatagal nang nakapag-move on si Swan kay Kyle. Two years na nga, in fact! Kaya kahit na mas lalo itong gumuwapong tingnan ngayon dahil sa suot nitong tuxedo, wala siyang pakialam! Oo, kahit nagkikiligan pa ang mga babae sa paligid niya. Ooows? Eh...