Ang Dragon Beauty Queen

2.6K 72 0
                                    


5PM, sa isang magandang resort malapit sa Sta. Veda.

Merienda time nang mga oras na iyon. Ang tiyuhin at tiyahin ni Kyle ay nakaupo sa isang long table, kasama ang mga bisita nito. Despidida ng mga ito. Everyone was having a great time.

Pero siya malalim ang iniisip.

Paano ko ba susurpresahin si Swan? Three days na lang birthday na niya. Bumuga siya ng mabigat. Galit pa rin kasi ito dahil ayaw maniwala nitong wala siyang naging karelasyon noong maghiwalay sila. Ngumingiti na nga lang siya upang pakalmahin ito kaysa sa magsalpukan sila ng galit. Tao pa rin naman kasi siya, marunong magalit, nasasaktan. But for the sake of their marriage, he will try his best to have self-control.

Niyaya niya itong sumama pero ayaw naman. Malaking factor din kasi ang Tiyahin niya kung bakit nahirapan si Swan sa relasyon nilang dalawa. Nahihirapan naman siyang mag-speak out rito dahil utang na loob na niya ang sariling buhay dito. Magmula noong maulila siya sa magulang noong 4 years old, ito na an kumupkop sa kanya, nagpalaki at naging mentor niya pagdating sa business world.

She did a good job at it!

Lately nangungulit na itong tumira siya kasama nito sa States. Upang hawakan ang iba pang business nito. Nahihirapan na kasi ito dahil medyo may katandaan na. Madalas pa nga raw itong magkasakit ngayon. Kahit gusto niya hindi naman niya maiwanan si Swan. Salamat sa kaibigan niyang si Fred, ang naging gabay upang makapasok siya sa isang Marriage Stability Class. Dahil dito malaki na ang pagpapahalaga na niya ngayon sa asawa kaysa sa kung anupaman.

"Kyle, here have some watermelons," masiglang alok ni Natania, anak ng client ng Tiya niya. Nang-aakit ang tono nito dahil sa mala-beauty queen nitong itsura.

He was not impressed at all, mas maganda kasi ang beauty ni Swan kahit petite. Kumuha siya ng isang pakwan upang hindi ito mapahiya. Pero hindi siya nito nilubayan kaya napabusangot tuloy siya.

Alam niyang ang nakakaakit niyang katawan ang dahilan kung bakit umaaligid-aligid ito. Lumipat siya ng lugar. Sumunod naman ito na tulad ng isang tutu na naka-discover ng isang dog bone.

"Haaay!" bulong niya. Naihilamos niya ang sariling mukha gamit ang palad. Gusto kong mag-solo!

"Gusto mo pa?"

Napanganga siya sa malambing nitong boses. Napipikon na rin siya dahil panay ang pabalik-balik na tingin nito sa pakwan nitong hawak at sa sariling dibdib.

Suddenly his face lit up.

"Sure," aniya sabay kuha ng isa.

Tumabi ito ng upo. "So favorite mo pala ang watermelons?"

Naawa tuloy siya. Sa ganda niyang iyan, bakit napaka-desperado niya? "Yeah, I like them very much," aniya sabay lamon ng prutas.

"Really?" naaaliw nitong bigkas habang ine-enjoy pagmasdan ang pagtulo ng juice ng prutas sa mga labi niya.

"Alam mo ba kung bakit?" Pilyo ang kanyang mga ngiti.

"Why?" nag-batting of the lashes pa nga.

"'Coz my wife loves them very much."

Nabura ang mga ngiti sa mga labi nito sa pag-stress niya ng salitang "wife".

"When I see them, it feels like my wife is just here by my side."

Okay na sana, aalis na ito pero dahil sa kanyang itinugon naging kampante tuloy itong manatili.

"So..." anito sabay hawak sa kanyang strong arms. "She's not here you mean..."

Uh-oh! Mabilis siyang nag-isip. "Actually tumatawag na siya sa akin. I can hear my cellphone ring. Bye!" Inalis niya ang pagkakalinta nito sa kanyang braso saka kumaripas ng takbo.

"Ano? Paano mo maririnig iyon eh nasa third floor ang mga kuwarto natin? We're at the pool area," angil nito. Instant naging dragon ang beauty queen.  

My Sweet KyleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon