Boomerang Surprise

1.3K 32 0
                                    


            "HALA grabe na ang persistency ni Steve sa iyo Ate Swan. Dapat sabihin mo na kay Kyle ang lahat, bago pa siya ang makatuklas nito," nababahalang bigkas ni Rose. "Satan never likes a happy marriage kaya gagawin niya ang lahat mabuwag lang kayo muli ni Kyle."

"I really need your prayers, Rose. Ngayong gabi ko ipagtatapat ang lahat kay Kyle, pagbalik niya mula sa klase. Sasabihin ko ang lahat ng namagitan sa amin ni Steve. Hindi naman ako natatakot. Panay conversations lang naman ang ginawa namin." Natigilan siyang bigla.

"O bakit?" ani Rose.

"Kailangan kong maitapon na ang sulat na ibinigay ni Steve!" Naiabot na iyon ni Kyle sa kanya. Inilagay niya ang sulat at cellphone sa may ibaba ng wardrobe niya. Mahilig kasing mag-recycle si Steve kaya hindi niya maitapon agad sa basura. Baka makita pa nito. "Rose, may picture kaming dalawa ni Steve sa sulat. Hindi ko na nasabi sa iyo dahil ayokong sermunan mo ako! Kailangan kong itapon iyon bago pa niya makita!" Kumaripas siya ng takbo habang sukdulang nananalangin.


ABOT-LANGIT ang tuwa ni Kyle dahil na-cancel ang klase nila. Puwede na niyang gawin ang huling assignment nila, "Do something special to surprise her."

"Masyado ka nang busy nitong mga nakaraang araw Swan. Sigurado akong matutuwa ka dito," tuwang-tuwa na wika niya habang pinagmamasdan ang dalawang tiket na hawak. Reservations iyon para sa isang mamahaling hotel na may magandang beach scenery. Binuksan niya ang stereo upang pakinggan na naman ang walang kamatayang "Photograph" song habang iniisip kung saan itatago ang mga tickets. Naging paborito na rin kasi niya ang awit.

Habang nagsi-set up siya ng magiging trail ni Swan sumagi sa isipan niya ang mga pinag-usapan nila kagabi.

"Bakit ba lagi mong pinag-aaralan pa rin yang kanta na "Photograph. Maayos na tayo di ba?" anito habang nakalagay ang ulunan sa kanyang kandungan.

"Kasi nga pabago-bago kayo ng isip. Gusto ko lang maging handa kung saka-sakali. Besides, nagugustuhan ko na rin kasi ang kanta," natatawa niyang bigkas habang hinahaplos ang buhok nito.

"Kyle honey, paano mo malalaman na talagang iniibig ng lalaki ang isang babae?" tanong naman nitong muli. Nag-iba na ito ng ayos. Nakasandal na sa mabalahibo niyang dibdib.

"Una, kahit iniwan na siya ng babae, hahabul-habulin pa rin niya ito."

"Katulad ng ginawa mo?"

Nakita niya ang contentment at peace na bumakas sa maliit nitong mukha. Hinaplos niya at minasahe ng marahan ang tenga nitong maliit. "Oo...at kapag willing siyang gawin ang anumang katakot-takot na bagay, kahit na mapahiya pa siya, alang-alang sa babaeng pinakamamahal."

Hindi niya alam kung bakit ganoong ang mga tanong ni Swan sa kanya. Madalas kasi nitong mai-brought up iyon. Minsan tuloy nagdududa na siya kung gaano kalalim ang pagtitiwala nito sa kanya.

"Focus on your mission, Kyle," sita niya sa sarili. Nagtungo siya ng kusina upang kunin sa ilalim ng kitchen cabinet ang itinago niyang coral pink roses. Pinitas niya ang mga petal nito at nilagyan ng trail ang pinto ng kuwarto nila hanggang sa makarating iyon sa may wardrobe ni Swan. Sinabayan naman niya sa pag-awit ng chorus ang stereo habang ginagawa iyon.

Bumirit pa nga!

"So you can keep me, inside the pocket of your rip jeans...holding me closer till our eyes meet, you will never let me go, wait for me to come home..."

Siyempre sa lyrics na iyon ay naka-relate siyang masyado. Hindi na nga siya makapag-antay na dumating ito. He wanted to see the look on her face. He enjoyed gazing at her warm smile and staring at the twinkle of merriment in her eyes when she was delighted.

Ngayon binuksan naman niya ang wardrobe nito upang ilagay sa ibaba ang mga tikets pero mayroon siyang nakapa. Nakita niya ang isang sulat at cellphone ni Swan na nakatanggal ang battery.

"Bakit kaya bumili ng bagong cellphone ang darling ko?" pagtataka niya habang inilalagay ang battery. Gumana iyon at may pumasok na text. Binasa niya.

Swan, Kyle is not worthy of you. Babalik din siya sa dati para lang ma-please ang kanyang Tiya. Come with me. Let's leave the Philippines and make a family in Canada.

Para siyang tinarak ng kutsilyo sa dibdib habang paulit-ulit na nire-replay sa isipan ang text message. Hindi na niya nakuhang basahin pa ang sulat na naka-address sa pangalan ni Steve. Sapat na ang picture na nahulog mula doon. Nakangiti si Swan sa camera habang nakaakmang halikan ito ni Steve.

Akma lang ba iyon o talagang tinuluyan? Nang mga oras na iyon, mas gugustuhin na lang niyang mamatay kaysa mabuhay.

"S-swan, you lied to me...you cheated on me..." Nanginginig ang mga labi niya sa pagbigkas. Her betrayal was like poison to his body.

Umulit ang awit na kanyang pinakikinggan.

"Loving can hurt, loving can hurt sometimes..."

My Sweet KyleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon