Reminiscence

1.8K 41 1
                                        

 This is the New Majorly Edited ending....

2 months later...

Nasa isang victory party si Kyle kasama ang Tiya David at Tiya Lenny niya. Naging isang huge success ang bagong bukas na tile company ng mag-asawa sa States. Lahat ng mga invited friends nila ay masayang nagkukuwentuhan kasama ng mga employees nito.

It was also a victory party para sa kalusugan nito. Her chemotheraphy was a huge success. Siyempre dahil iyon sa dakilang kamay ng Diyos. Dininig Nito ang kanyang panalangin na makasama pa ng mahabang panahon ang sariling tiyahin. Kung sana lang ay gayon din ang tugon Nito sa nawasak niyang marriage kay Swan.

Kaya hayun siya sa may sulok, ang layo ng tingin, parang naglalamay.

Naalala niya tuloy yung pangalawang pagkikita nila ni Swan, sa isang party din kasi iyon. He remembered every detail of that unforgettable party. Ang maamo nitong mukha na nagmukhang tigre bigla nang mapagsino kung sino ang ipapakilala ng tiyuhin niya. And how his heart beated uncontrollably dahil sa wakas pinagtagpo sila ng Diyos.

Akalain mo, sa isang alaala, bigla siyang napangiti ng bahagya.

He also remembered her small lovely figure and the elegant way she fashioned that cute black cocktail dress she was wearing. And the moment he almost kissed her, while driving her home.

Remembering those sweet lips made his heart ache all the more!

Kailan ko kaya muling mahahalikan ang aking asawa? Ang tanong na iyon ay hindi na para sa sarili niya kundi sa Diyos, dahil Siya lang ang makakagawa ng mga bagay na impossible, mga bagay na 'di kaya ng tao kahit anong talino pa nito at yaman.

Two months na ang nakakalipas magmula noong huling makita niya ito sa airport. Two months na ang sugat sa puso niya, pero hanggang ngayon wala pa ring lunas. Much more sad to say, parang nagnanaknak lang ang sugat ng puso niya sa paglipas ng panahon.

Tandang-tanda pa rin niya ang mga pangyayari. His deep brown eyes become so gloomy.

Mabigat ang kanyang paglakad habang patungo sa kanyang destination. He was hoping for a miracle to happen. Na makikita si Swan bigla, naghahabol upang pigilin siya sa pag-alis. Hindi siya magdadalawang-isip na gawin iyon. Sa sobrang tindi ng pagnanais naglaro ang kanyang imagination. Kaya hayun, hindi niya niya mawari kung ba't kung saan-saan pa siya napalingon. Hayan tuloy nakita niyang magkayakap si Swan at si Steve sa may pilahan ng check-in counter para sa flight papuntang Canada. Ang nakakabanas pa ay abot-langit ang ngiti ni Swan habang nakayakap sa guwapong karibal.

Hindi niya alam kung paano magre-react.

Kaya pala hindi nagpaparamdam si Swan sa kanya dahil nagkamabutihan na pala ang dalawa. All his efforts were in vain.

Sa unang pagkakataon, nadurog ang lahat ng pangarap niya na magkakabalikan pa silang muli ng kaisa-isang babaeng minahal ng tapat. "Goodbye my sweet Azalea, my sweet flower..." he murmured with a very heavy heart.

Dahil tinanggap na niya ng buong-buo ang kanyang pagkatalo hindi na niya ito nilingon pa. Pagod na siyang umasa at pagod na siyang lumuha. Kaya ngayon, kahit man lang sa oras na ito, bago lumipad ang kanyang eroplano, hindi na niya hahayaang bumagsak ang kanyang mga luha. Maski iyon ay nabigo siyang gawin.

Namalayan na lang niyang lumuluha na siya. Parties are places for joy, not of misery. Sa naisip wala siyang mas mabuti pang gawin kundi ang umuwi ng bahay. At least yung katahimikan doon ay parang nakikiramay na rin sa kabigatan ng kanyang damdamin.


My Sweet KyleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon