The Birthday

1.8K 36 0
                                    


"HAPPY BIRTHDAY TO YOU!" Matapos ang malakas na awit na iyon ay nagpalakpakan ng lahat ng mga workers ni Swan. Nasa loob silang lahat ng opisina niya dahil lunch break. Sobrang busy ng araw na iyon dahil Mother's Day. Pinahipan sa kanya ni Kyle ang kandila sa binili nitong cake. Ilang saglit ay hiniwa na iyon at ipinamigay.

"Baka magkaroon tayo ng diabetes sa lunch natin ngayon!" nangingiti niyang bigkas sabay subo ng cake.

"Papayag ba naman ako na ito lang ang magiging handa ng aking asawa?" wika naman ni Kyle Umalis itong saglit pagbalik dala na rin nito ang pinalutong spaghetti at lumpia rolls. "Surprise!" Proud nitong bigkas habang naka-arms wide open.

"Isarado na lang kaya natin ang shop, para di mapanis ang mga ito," natatawang suhestiyon ni Rose.

"Sabi ko na nga ba, kaya hindi puwedeng ikaw ang iiwan ko sa shop. Tapatan ka lang ng pagkain, hahayaan mo nang malugi ang business natin!" biro niya rito.

Panginoon salamat sa lahat! tahimik niyang pasasalamat. Napaka-espesyal ang kaarawan niyang iyon lalo pa't kasama niya ang kanyang asawa.

"Pssst, kanina ka pa nakikipagholding hands. Hindi naman ako lobo na lilipad bigla," bulong niya rito nang magbigay na ang mga kasama ng mga birthday wishes.

"Wala lang, gusto ko lang. I've missed your other birthdays kasi," bulong naman nito. His eyes were penetrating. His voice, sincere.

"'Wag kang mag-alala, marami pa akong mga birthdays na darating hanggang sa magsawa ka."

"Mabuti dahil nangako akong hinding-hinding magsasawa na idaos ang birthday mo." Nag-rosy cheeks siyang bigla.

"Alam mo, very curious talaga ako sa marriage class na pinupuntahan mo. Mag-enroll din kaya ako?"

"Ayos, parang nasa college lang tayo, mag-classmates."

"Excuse me, ika-cut off ko lang ang sweet talk ninyong dalawa ha, ako na kasi ang magbibigay ng birthday wish," singit ni Rose.

"My birthday wish for you is for you to encounter God in a very special way this year. May you have perfect peace and good health. Tsaka, maging mas lalong espesyal rin ang pagtitinginan niyong dalawa ni Kyle."

Si Kyle ang huling nagbigay ng birthday wish.

"Swan, darling..."

Nagtiliin ang mga kasamahan niyang bigla dahil gagap nito ang dalawa niyang kamay at kung makatingin sa kanya ay tila ba magpo-propose ito.

"...My birthday wish for you is that next year, makaka-relate ka na sa occasion na kasabay ng iyong birthday." Kitang-kita niya ang intense desire sa mga dark brown nitong mga mata. Siguro napapanahon na nga na seryosohin nila ang desire na maging mga magulang na, para magkaroon na sila ng baby. Para next year double celebration, Mother's Day and birthday.

"Second the motion kaming lahat!" sigaw naman ni Rose.

"May pahabol pa ako!" singit ni Kyle. "Wish ko lang na hindi mo na paabutin ng three months ang panunuyo ko sa iyo. That you would accept me fully and forgive me of my shortcomings."

Parang siya lang ang tao roon nung sinabi nito iyon. Na-sense rin niya na ito ay nahihirapan.

Lagi na tayong magkasama at sa bahay ka na rin natutulog. Ano pa bang gust mo? alam niya ang sagot. He wanted full closure.

"Madaya ka! Para sa iyo naman ang birthday wish na iyon. Pero sige pagbibigyan kita. Naka-survive ka rin naman ng one month and a half. Lets close the deal."

"T-talaga?" Nagmistulang tood ang guwapong asawa. Mas lalo siyang kinilig sa pagiging OA nito. Yayakapin sana siya nito nang biglang tumunog ang cellphone niya.

"Guys, tara na back to work," anunsyo naman ni Rose. "At 'wag na ninyo munang palapitin ang mga bata sa mga hamsters ko. Nangangayayat na sila sa kabubuhat."

Masaya ang mukha ng lahat pero sa oras na iyon tinakasan siya ng lakas. Si Steve kasi ang tumawag. Nasa labas raw ito at gustong makita siya upang batiin.

Agad siyang lumabas ng opisina. Nakahinga siya ng maluwag dahil nakalayo na siya sa presensiya ng asawa.

"Rose I need your help! Nasa labas si Steve," bulong niya sa kaibigan. "'Wag na 'wag mong palalabasin si Kyle! Please pray hard...Ayokong mawala muli ang aking asawa..." nagpa-panic niyang utos. Lumabas siya ng shop at pinuntahan ang kotse ni Steve.

"Hey, muntik ka nang masagasaan. Don't tell me you want to die on your birthday?" nababahalang wika ni Steve habang hinahagod ang kanyang likuran. Ang dating attractive nitong boses ngayon ay wala nang dating.

"A-alam mo na b-birthday ko ngayon?" Di maipinta sa nerbiyos ang kanyang mukha. "Oo, did you forget? Hiningi ko ang birthday mo bago ako umalis. Sabi ko babalik ako upang i-celebrate iyan pagbalik ko mula sa business meeting namin. I told you I was serious about you."

Gusto na niyang paandarin na nito ang kotse baka mahuli pa sila ni Kyle. Malaman pa nitong pang-billboard material ang lalaki at hindi bakla.

Ano ang lamang ba ni Kyle kay Steve? Well, mataas iyon ng two inches kaysa kay Steve, mas mapagmahal na ngayon at caring pero higit sa lahat ito ang asawa niya at si Steve ay manliligaw lamang niya.

Sapat na iyon para lubayan na niya si Steve. Nagkamali na siya noon na iwanan ang kanyang asawa. Pero dahil sa masaganang biyaya ng Diyos nahanap siya nitong muli. Kaya hindi niya alam kung paano ito magre-react kung malaman nitong dumating siya sa punto na nag-entertain pa siya ng iba.

God forgive me, hindi pa ako masyadong malalim sa mga Salita Mo noon. At ngayong nauunawaan ko na ang kahalagahan ng pagsasamamng mag-asawa, tulungan mo akong makalaya sa sitwasyon na ito! nagpapanic niyang usal.

"S-saan tayo pupunta Steve?" Pinaandar na kasi nito ang kotse.

"Where else kundi sa pinakapaborito mong lugar, sa Grande Falls."


My Sweet KyleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon