Sweaty Palms

2.7K 73 0
                                    




Nasa loob ng opisina si Swan. Malalim ang kanyang iniisip.

Effective ang mga hamsters ni Rose. At least wala nang mga bulaklak na napipitas ngayon. Plus tumaas din ang sales namin dahil kay Kyle. Bahagya siyang sumimangot. Sabi nito wala itong naging karelasyon, pero ngumingiti-ngiti kaya 'di niya rin alam kung totoo. Ang masama nagpunta iyon sa despidida ng Tiya at Tiyo nito sa may resort. Sigurado kung anu-ano na naman ang isasaksak ng kanyang Tiya sa isipan niya. Inisip na lang niya ang pagpupursige ni Kyle na kuhain muli ang kalooban niya kaya napanatag na rin siya.

Sa katunayan, she was missing him dearly.

Kinailangan ba talagang maghiwalay muna kami bago niya ma-realize ang kahalagahan ko? malalim niyang isip. Bumalik siya sa nakaraan.

"Kyle, maganda raw itong romantic movie! Panoorin naman natin this week!" yaya niya sa asawang papunta sa isang business meeting.

"Sige," anito. Pero natapos ang linggong iyon na walang nangyari.

Sa ibang pagkakataon naman...

"Wifey, come here saglit," masuyong lambing ni Kyle habang nagluluto siya sa may kusina.

"Puwede ba, "Darling" na lang itawag mo sa akin, mas may tenderness kasi."

"Ayoko. Ang OA ng "Darling," lukot ang mukha nitong wika.

"Mas OA ang "Wifey", parang code name for a mistress!" inis niyang tugon.

At sa isa pang pagkakataon...

"Kyle honey, surpresahin mo naman ako sa birthday ko!" paglalambing niya sa asawang nakatapat sa computer nito. "It's three days from now."

"Ganoon ba?" 'Di man lang siya nito nilingon. "Sorry but I will be out of town. Iiwanan na lang kita ng pera, para ikaw na lang ang bumili ng regalong gusto mo."

"A-ah ok, honey. Ingat ka sa biyahe mo mamaya ha." Lumabas na siya ng kuwarto para hindi nito makita siyang lumuluha.

There was no exciting moment in their relationship.

Natauhan siya nang biglang nag-ring ang cellphone niya. Bumilis ang tibok ng puso niya sa pangalan na nasa screen.

"Hi," bati niya.

"Hello, I'm back!" malambing at excited na bigkas ng kausap na lalaki. "Free kaba ngayong gabi?"

"A-ah...I'm sorry pero hindi."

"Okay, how about tomorrow, then?"

"Nope. Busy din ako."

"Mukhang gumaganda yata ang takbo ng business, ah," bilib nitong wika. "Okay, how about next week? Huwag mo naman sana akong tanggihan. We haven's seen each other since I left for my business trip."

"Check ko muna yung schedule ko, saka kita ite-text."

"Ganito na lang, susulpot na lang ako sa shop mo next week, para wala ka nang choice kundi pagbigyan ako," ganado nitong wika. Alam niyang nagti-twinkle ang mga mata nito nang mga oras na iyon.

Pero sa halip na matuwa, siya'y nabalisa. Magsasalita pa sana siya pero pinutol na nito ang tawag. Nagpawis siyang bigla. She stared at the name on her screen.

Steve...

My Sweet KyleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon