Intense Pain

1.6K 35 0
                                    


DALAWANG LINGGO na ang lumipas magmula noong pag-uusap nilang iyon ni Kyle. Hindi na niya muling nai-brought up ang topic na iyon dahil ayaw niyang magkaroon sila ng matinding conflict. Pero tinawagan niya si Rose upang magpa-counsel dito. Madalas na kasi siyang nananamlay at nag-aabsent sa shop. Dala sigurado iyon ng sobrang kaiisip.

"Ate, wala naman sigurong masama kung maging client ni Kyle and dati niyang nobya. You have to give him the benefit of the doubt. Tsaka ang nakikita ko, ikaw talaga ang may issue. Your mistakes from the past are haunting you. Nagi-guilty ka sa naging relasyon ninyo ni Steve," wika ni Rose. Nasa may kuwarto sila ng araw na iyon. Wala si Kyle, gabi pa uuwi dahil nagbiyahe pa ito pauwi ng bahay dahil malapit doon ang program na pinupuntahan nito.

"Anong relasyon? It was a friendly date!" react niya.

"Friendly dates you mean," pagtatama nito.

"O sige na, tama ka na," napasimangot na siya ng todo. "Pero hindi nga si Steve ang mahal ko 'di ba kaya binitiwan ko na siya. Inamin ko nung huling labas namin na may asawa na ako at nagkabalikan na kami. Na mali yung pag-entertain ko sa kanya." Napaluha na siya ngayon.

Totoo naman iyon. Sa katunayan, nag-away sila ni Steve noong kaarawan niya at nag-walk-out pa nga siya sa kotse nito upang maglakad pabalik ng bahay. Kaso masyadong persistent talaga ang binata. Heto at kinukulit pa rin siya nito sa text. Balak na nga niyang magpalit ng number.

"Calm down Ate. Kausapin mo si Kyle. Iyan lang ang tanging solusyon. And I will be here praying for you," anito saka pinisil ang kanyang kamay to give encouragement. "Siguro tama ka nga Rose, natatakot ako dahil sa sarili kong multo. Alam kong faithful husband si Kyle. I just have to set things straight and be honest with him."

Nagpaalam na si Rose. Nung maalala niyang wala silang bigas sa bahay naisipan niyang bumili. Alam niyang magugutom ang kanyang mister pagbalik sa mahabang biyahe. Bago tuluyang umuwi dumaan muna siya sa ice cream shop upang bilhin ang paboritong ice cream ng asawa. Nakita niya sa may glass window si Kyle.

"A-akala ko nasa program siya ngayon?" Halos mabingi siya sa kabog ng puso niya. Nakita niya na may kasama ito. Si Vera Calleon. Her heart almost stopped.

Magkapatong kasi ang mga kamay ng dalawa!

Binitiwan na niya ang hawak at umuwing durog-durog ang puso. 

My Sweet KyleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon