SA huling gabi nagkausap sila personally ng kanyang Tiyahin.
Kung noon pa sana ako nagsalita, hindi kami magkakaganito ni Swan. Tama nga ang napag-aralan ko sa marriage class. Husbands need to speak up to protect their wives. Inilabas na niya ang saloobin ng kanyang puso.
"Tiya Lenny, I'm sorry pero I need to explain," pasimula niya. "Azalea is not another woman in my life. She and Swan are one."
Nanlaki ang mga mata ng kausap, tila naguguluhan.
"Nagsinungaling ako sa inyo noong nakita ninyo akong may dala na Azalea bouquet about two years ago. Ayoko kasing isipin ninyo na hinahanap ko pa rin si Swan during our first year anniversary. Pangalan ng bulaklak ang Azalea. It was her favorite." Patuloy siyang nagsalita. Nanahimik lang kasi ang kaharap. Sa bagay, malaki na rin ang pinagbago ng kaharap. Balita niya sumasama na rin ito sa mga Bible Study groups ng asawa niya. Isang pastor kasi ang kapatid na babae ng asawa nito.
"Mali ang pagkakakilala ninyo kay Swan. Kailanman ay hindi naging sagabal sa business ko ang aking asawa. 'Yung panahon na sinabi mong sinira niya ang meeting engagement ko kaya nawalan ako ng clients, it was a very special day for her. It was her birthday."
"I'm sorry," ang tanging nasabi nito. Hindi siya makapaniwala, dati kasi matalak ito, pero ngayon mukhang mahinhing tupa. O baka dahil nangangayayat ito at hindi pa tuluyang nakarecover sa sakit nito noong nakalipas na linggo, isip niya.
"Mali rin yung sinabi ninyong isang simple minded girl ang napangasawa ko, na walang alam sa buhay. Sa totoo lang, ako ang nangulit na magpakasal na kami, kaya hindi siya natapos ng pag-aaral. Mali rin siguro ang timing ko dahil anim na buwan pa lang na kalilibing ng lola niya. She was very vulnerable to my suggestions. And I was immature. Pero alam ninyo, after niya akong iiiwan bumalik siya at tinapos ang last year ng kanyang pag-aaral. After that she fulfilled her dream na magkaroon ng business. Ang shop na pinagbilhan ni Tiyo ng mga bulaklak ay sa kanya."
Nahiya ang matanda sa narinig. "Kyle, I'm so sorry. Malaki ang nagawa kong pagkakamali kay Swan, for judging her. I was a different person before."
Binigyan niya ito ng nang-uunawang tingin. Magmula noong dumating siya ng resort may napansin siyang kakaiba sa kausap. A gentle spirit. One that he had never seen before. Iba siguro kapag may asawang mapagmahal, conclude na lamang niya.
"Nalulungkot ako Tita because I didn't treat my wife right. Akala ko dahil laki siya sa hirap I could please her with material things. I was wrong. Hindi siya mukhang pera katulad ng iniisip ninyo. All she longed for was my time and presence beside her." Huminga siya ng malalim upang tanggalin ang bigat sa kanyang puso. "Kasalanan ko rin kung bakit niya ako iniwan. "And I'm sorry kung ngayon lang ako nag-speak out sa inyo," magalang niyang sambit. "Tita, hindi ko nasama si Swan dito kasi masama ang loob niya sa inyo. Sa tuwing nag-uusap kasi tayo dati sa phone, naka-loudspeaker ako. Hindi naging sikreto ang negative remarks ninyo sa kanya. Iyon ang madalas pag-awayan namin din noon. Hindi ko naman siya makampihan, kasi magulang ang turing ko sa inyo. You were my only parent and I loved you very much."
Na-touch ang kaharap sa narinig.
"Pero Tita I have to change, for me...for Swan...for our marriage. Kaya heto ako nagpapaliwanag ngayon. I hope you can understand."
"Kyle hindi ko alam kung ano ang sasabihin. I'm sorry kung na-pressure kita masyado sa business. Nawa mapatawad mo rin ako sa lahat ng masasamang nasabi ko against your wife." Naluluha na it ngayon. Alam niyang nasaktan din ito dahil parang naging kaagaw nito si Swan sa oras nito. For he was her one and only son.
Niyakap niya ito. Parehong may mga luha na naglandasan sa pisngi nilang dalawa. Sa kabila noon ramdam na ramdam niya ang paghilom ng mga puso nila.
"Swan, I'm sorry kung huli na bago kita naipagtanggol sa aking tiya. Nawa magkaroon pa rin ito ng saysay." Nagpahid siya ng mga luha.

BINABASA MO ANG
My Sweet Kyle
RomanceMatagal nang nakapag-move on si Swan kay Kyle. Two years na nga, in fact! Kaya kahit na mas lalo itong gumuwapong tingnan ngayon dahil sa suot nitong tuxedo, wala siyang pakialam! Oo, kahit nagkikiligan pa ang mga babae sa paligid niya. Ooows? Eh...