MAGMULA nang gabing iyon ay tuluyan nang naglaho ang tension sa pagitan nilang dalawa ni Kyle. Ang naging resulta? Mas lalo silang naging malapit, malambing at mapagmahal sa isa't-isa.
Isang Sabadong may bagyo...
"Wow, napakapalad ko naman! Breakfast in bed from the most beautiful chef in the world?" Proud na anunsyo ni Kyle nang mailagay niya sa higaan ang pagkain.
Natutuwa siyang pagmasdan ito dahil naka-boxer shorts lang ito, lean ang muscle at nakakaakit talagang tingnan.
"The King of Pang-uuto ka talaga!" hagikhik niya saka tumabi sa guwapong asawa.
"Masarap naman talaga eh!" anito sabay lamon ng omelete at bacon.
Gulo-gulo man ang buhok nito, nakakabighani pa ring tingnan.
"Hala sige King Kong lubos-lubusin mo na dahil wala na 'yan bukas, may work na tayo."
Binuksan niya ang t.v upang manood.
"Ano kayang balita sa bagyo nga—" Napatili siyang bigla dahil sa pagpulupot ng mga braso nito sa kanyang baywang.
"'Wag mo munang ilipat sa iba ang atensyon mo. Halika dito!" lambing nito. Panay ang hagikhik naman niya dahil pinauulanan nito siya ng matatamis na halik.
Pagkalipas ng ilang minuto...
"Swan, ayaw mo ba talagang tumira sa States? Kaya naman kitang buhayin doon," wika nito habag nakasandal siya sa braso nito. Pareho silang nakahiga.
"Honey, alam mo naman ang stand ko diyan 'di ba? Ayokong makasama ang Tiya mo."
"Swan iba na si Tiya Lenny. Maraming nangyari nitong mga nakaraang mga buwan. She's sick you know."
"E paano kung gumaling na siya? Babalik na naman siya sa dati?" Binuksan na niya ang t.v. upang maiba ang topic nila. Ito naman ay nagsuot ng headset at nagsimulang mag-hum ng "Photograph" song.
Magsasalita na sana siya pero biglang tumawag si Steve sa cellphone niya.
"Rose saglit lang, maingay kasi si Kyle," kinakabahan niyang pagsisinungaling sabay labas ng kuwarto.
"Steve bakit ka pa rin tumatawag!" singhal niya rito. "I told you, nagkabalikan na kami ni Kyle and I am happily married to him already. Lubayan mo na ako...please!" In-off na niya agad ang cellphone at tinanggal ang battery. Pagpasok niya ng kuwarto pasimple niyang nilagay sa drawer iyon. Kailangan kong itago 'to mamaya sa ilalim ng wardrobe ko.
Kinalma niya ang sarili saka tumabi sa asawa. Mismong siya ang kumuha ng malalaki nitong braso upang ipulupot sa sariling katawan.
She wanted his embrace to cast all her fears away. It did. And she felt peace cover her like a warm blanket. Tiniis na lang niyang pakinggan ang mala-lagare nitong boses hanggang sa tuluyan siyang makatulog.

BINABASA MO ANG
My Sweet Kyle
RomanceMatagal nang nakapag-move on si Swan kay Kyle. Two years na nga, in fact! Kaya kahit na mas lalo itong gumuwapong tingnan ngayon dahil sa suot nitong tuxedo, wala siyang pakialam! Oo, kahit nagkikiligan pa ang mga babae sa paligid niya. Ooows? Eh...