Darlingin Mo Sarili Mo!

4.4K 115 2
                                    

Ang laki ng dilemma ni Swan.

Hindi pumasok sa hinagap niya na magkikita silang muli ng asawa niya sa party, lalo na ang malaman na asawa pala ng Tiya Lenny nito ang naging customer na ginoo.

Ngayon, may ka-partner na ito sa panlilibak sa akin. Nabahala siya masyado. Parang nakulong na naman siya sa nakaraan.

"Aren't you happy to see me?" ani Kyle.

Asar na asar siya sa ngiti ng kanyang ex-husband na dalawang ruler na lang ang layo mula sa kanya. His handsome stature was unnerving.

Aba! Mukhang yayakapin pa ata ako! panic niya. Ayaw niyang malaman kung ano ang magiging epekto ng yakap nito kaya agad siyang nagsalita. "Mortal enemies don't hug each other!" matigas niyang wika, sabay atras.

His lips curved into a mischievous amused smile.

Pero kahit galit siya hindi niya mapapasubalian ang realization na mas lalo itong gumuwapo kaysa noong huli nilang pagkikita.

Delikado!

"Do you like my muscles and chest?" nanunukso nitong bigkas.

Namula siya dahil parang nabasa nito ang kanyang isipan.

"Tse!" singhal niya rito. "Bingi ka ba? Sinabi ko nang enemies don't hug!" singhal niya na umatras muli.

"Tama ka, enemies don't hug..." he said in his seductive baritone voice. "...You know why?" patuloy nito.

Ba't niya tinitingnan ang mga labi ko?! panic niya.

Unexplainable desire was in his eyes. "...Coz, they kiss, my dear..."

Noong unang buwan na sila ay nagkahiwalay, aaminin niya hinanap-hanap niya ang matatamis nitong halik.

Pero noon iyon, hindi na ngayon! tahimik niyang bulyaw. Sa paglapit nito ay awtomatikong tumaas ang kanyang palad para salubungin ng sampal ang tila inukit nitong pisngi. But she suddenly heard his uncle's voice calling him. Nagbago siya ng isip. Wala siyang balak na maipangalandrakan ng tiyuhin nito na magaspang ang ugali niya.

"'Don't move, I'll be back," anitong naka-pointing finger pa nga at may kakaibang twinkle sa mga mata.

"Over my dead body!" singhal niya. Agad na siyang kumaripas ng takbo papalabas ng hotel upang hanapin si Rose, ang magiging sundo niya.

Dumating na siya sa meeting place dapat nila pero wala ito. Mabilis niyang inilabas ang kanyang cellphone at tinawagan ang kaibigan pero wala ring nangyari. 'Di niya ito ma-contact.

"Wrong timing ka talaga Rose! Ngayon mo pa naisip na 'di tumupad sa usapan!" galaiti niya.

Lalo pa siyang nag-panic nang makita na may dalawang lalaki na pasuray-suray ang lakad papunta sa direksyon niya. Malalaki ang mga katawan nito at halos kasing laki ng kanyang ex-hubby. But their face looked like goons. Halata mo agad na walang magandang idudulot ang mga ito sa kanya.

Namutla na siya. Kahit petite she had the reputation of being the instant apple-of-the-eye ng kung sinumang lalaki because of her charm and pretty looks. Samahan pa ng suot niyang sexy cocktail dress na pula na off shoulder and style at sexy stilletos, mas lalo siyang naging easy target.

Mga magnanakaw kaya sila...o rapist? nababalisang isip niya. Niyakap niyang mabuti ang kanyang shoulder bag. "Lord tulungan naman ninyo po ako!" bulong niya sa sobrang takot habang inaalala ang mamahaling earrings na suot niya. She was wearing a nice red blush on, pero mas lalo itong tumingkad dahil sa sobra niyang takot.

Walang kung anu-ano'y may sumulpot bigla na lalaki mula sa kanyang likuran. Sa sobra niyang pagtutok sa mga goons hindi na niya namalayan ang paglitaw nito sa kanyang likuran. Nagsalita ito sa mabigat na boses. "Sumama ka sa akin!" Halos mahalikan na ng bumubulong na lalaki ang tenga niya. She couldn't protest for his strong arm was clinging tight to her small waist now.

Ok lang kasi si Kyle naman iyon.

Thank God! lihim niyang pagpapasalamat. Alam niyang mas safe pa rin siya sa dating asawa kaysa naman mapunta siya sa dalawang goons. Mukhang alam din iyon ng dalawang lalaki, dahil nung makita na katabi na niya si Kyle ay tumawid na ang mga ito sa kabilang kalsada. Kitang-kita niya sa paraan ng pagtitig nito sa kanila at sa possessive na paghawak sa baywang niya na malinaw ang statement na nais nitong ipahayag sa dalawa, 'Wag ninyong galawin ito, pag-aari ko ito!

Saka na kita aawayin, matalinong isip niya. Wala siyang choice kundi ang maging masunurin sa paggiya nito sa kanya patungo sa kotse nito. He was a gentleman, he opened the door for her. Kinalas naman niya ang braso nitong napaka-possessive ng pagkakayakap sa kanya. 'Di niya gustong i-entertain ang kakaibang init na naging dulot niyon.

Pumasok na sila sa loob ng kotse. Doon lang siya nagduda kung magandang idea ba ang sumama siya rito.

Kalahating oras kaming magbibiyahe na kaming dalawa lang! Napalunok siya ng wala sa oras. Ilang ruler lang ang layo nila sa isa't-isa. Kung tsatsansingan siya nito, hindi siya makakatakbo. Kung sumigaw man siya upang humingi ng tulong wala ring makakarinig sa kanya. She was a captive!

Eh anong gusto mo, magbalik yung mga goons at sila ang maghatid sa iyo sa bahay mo na isang oras ang layo o, o ang dati mong Prince Charming na lahat ng curves sa katawan mo ay saulo na niya? sita ng kanyang kabilang brain. Kaya lang naman ako nagpunta rito dahil gusto ko sanang makakuha ng marami pang clients, himutok niya tuloy. Hindi ko naman alam na mamalasin ako on the process, matindi niyang panghihinayang. Pasimple niyang sinulyapan ang guwapo niyang driver.

Si Kyle, malas...are you sure? Pang-aasar ng kanyang isipan. Eh kung sa ibang babae mangyayari ang lahat ng ito for sure, blessing ang tingin niya kay Kyle.

I mean look at him, sa side view pa lang ang lakas na ng appeal, mas lalong hayag ang matangos nitong ilong dahil sa angulo na patagilid. Tsaka ang ganda ng jawline nito, lalaking-lalaki, square ang shape. At ang lean muscles sa braso nitong lumilitaw sa hapit nitong tuxedo sa tuwing iginagalaw nito ang manobela.

Ayaw na niyang makipagtalo sa sarili. Pagod na siya, talo rin naman kasi siya.

Be strong, Swan! Don't let him touch you...or kiss you! Bumilis ang tibok ng puso niya sa sobrang kaba. Kaba ba or excitement?

Katabi na niya muli ang lalaking nangako ng wagas na pagmamahal sa kanya sa altar. Kaya niya pa kayang tanggihan ang mga advances nito? Or is she willing to be lost in his arms again? Natakot siyang tuklasin ang tunay na naglalaro sa kanyang isipan at puso.

Napaigtad siyang bigla nang hinawakan nito ang kamay niya. Malapad iyon at mainit.

"Swan...darling... I've missed you so much..." A deep longingness was displayed in his expression.

"Darlingin mo sarili mo!" singhal niya sabay bawi ng kamay.

Pero ba't ganoon, parang kulang sa puwersa ang pagsinghal niya rito?



My Sweet KyleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon