The Big Question

3K 78 0
                                        



"Isang Linggo na akong nagpupunta rito para lang makasama ka," tensiyonadong wika ni Kyle na isang oras kung magbiyahe. "Kumakain tayo sa labas, nagtatawanan at nagbibiruan. Sumasandal ka pa sa braso ko sa tuwing nagda-drive ako. Akala ko okay na ang lahat sa atin, that I was gaining your trust again. Ba't ngayon may pader na naman sa pagitan natin?"

Action figure man ang kawangis ng katawan niya pero tinatakasan siya ng lakas sa bigat ng conversation nila. Parang isang mannequin lang ang kanyang kausap, walang imik.

Swan, pagkatiwalaan mo naman akong muli, tahimik niyang daing. Dahil umatras pa ito sa kanya lalo siyang nasaktan.

"Haaay!" Nilamukos niya ang sariling mukha. Totoo nga ang rule number #3 sa class namin, Women Are Undefinable. Mahal ka nila ngayon pero maya-maya ready ka na nilang patayin.

Limang minuto silang nagkasagutan hanggang sa nagdesisyon ito.

"I'll only give you three months to win me back," panakot nito.

"Fine, paano?"

"Hindi ko alam!" irritable nitong tugon saka napatitig sa kawalan.

Nilapitan niya ito upang yakapin, para ipadama rito na wala itong dapat ikabahala. Pero siya ay pinigilan nito.

"Don't you dare kiss me!"

"Bakit?" Pinigil niyang matawa. Rule #5 Kyle, Don't laugh or smile when she is very serious. Pero ang hirap. Proud kasi siyang malaman na halik lang niya ang katapat ng galit nito.

"Kung talagang mahal mo ako, hindi mo paglalaruan ang kahinaan ko."

Seryoso na ngayon ang kanyang tinig. "Kahinaan ko rin ang mga labi mo Swan, 'coz I really missed you so much..." Kung siya lang ang masusunod, susunggaban niya ito sa baywang at bibigyan ng maalab na halik, till all her worries and fears disappear. But he couldn't.

Ipinangako niya sa sariling hindi aabusuhin ang kahinaan nito, kaya end of the story.

"Haaay," himutok niyang wika.

"Matanong nga kita, ba't "Darling" na ang tawag mo sa akin?"

Tumaas ang isa niyang kilay. Pa-cute asset niya iyon pero mukhang laos na ngayon ito dahil nakasimangot pa rin si Swan.

"Parang nasa presinto ako, ah!" aniyang naglakas-loob na magbiro.

She was unmoved.

"Swan, I've been taking lessons on how to improve one's marriage," simple niyang wika.

Her face slowly softened so he was encouraged.

"Ni-refer ako ni Fred ang kaibigan ko, na dumalo sa isang Marriage Stability Program, para maisalba ko ang marriage natin.

Maamo na ngayon itong tingnan.

Sa wakas! Thank God! "Swan, hindi kita napahalagahan dati ng tama. Gusto ko ngayong bumawi, pagbigyan mo naman sana ako..." pakiusap niya.

"Sige, pagbibigyan kita, pero for three months lang," anitong demanding pa rin ang tono.

"Sige payag ako. Ano ang gusto mong gawin ko?"

"I don't know," bulalas nito. "Make a list of ten things na makakapag-pasaya sa akin," selfish nitong tugon.

"Fine." Kumuha siya ng papel at ballpen saka simulang naglista.

How to make my Wifey happy!

1. Surprise Her.

2. Make her feel special.

3. Show that she is deeply valued.

Nasa number 6 na siya nang mapansin niyang kalmado na ito.

"Uuy nawawala na ang galit ng wifey ko," lambing niya rito habang sinusulyap-sulyapan ito ng tingin.

"Kyle, nagkaroon ka ba ng ka-relasyon noong iniwan kita?"

What?! Is she for real? "Iyon ba ang gumugulo sa iyong isipan kaya nanlamig kang bigla?" Naawa tuloy siya rito. Swan, when are you going to learn to fight your insecurities?

"Sagutin mo ang tanong ko, Kyle."

Ayan na naman ang kanyang "nagingitlog na ostrich look! "I can't. Kinukumpleto ko pa ang listahan ko," dismiss niya rito."

"Totoo ano? Kaya 'di ka makasagot!" Mataas na naman ang tono nito.

Paano mo nagagawang maging gifted sa pagiging masungit, darling? Napailing siya.

"I will answer you, once I finish this," pinal niyang wika. Actually pinapakalma lang niya ito muna. Walang mangyayari kung sasabayan niya rin ang init ng ulo nito.

Lumapit na ito sa kanya.

Oh boy! Ayan na siya! Iniwasan lang niya ito ng tingin at yumuko, na kunwari ay seryosong-seryosong nag-iisip.

"Hoy Kyle, tumingin ka nga sa akin!" anito saka hinawakan ang kanyang braso.

Sa labi nito lumandas ang kanyang mga paningin. To kiss her or not to kiss...that is my question! He felt his muscles tense. Nagbawi na lang siya ng tingin. Ano ba yung verse na sinabi ni Fred? Si Fred ang naging tagapayo niya magmula noong iniwan siya ni Swan. Naalala ko na! Proverbs 15:1, A gentle answer turns away wrath, but a harsh word stirs up anger.

Lop2X���i

My Sweet KyleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon