ILANG linggo nang nababalisa si Swan sa kaiisip tungkol sa sulat ni Steve na nasa bahay ni Kyle.
Bakit kung kailan okay na ang lahat, saka naman sumulpot ang problemang ito! nababalisa niyang isip habang nakasandal ang forehead sa sariling palad habang nakaupo sa loob ng opisina.
Kaibigan lang ang tingin niya kay Steve noong una. Pero nang makilala niya ito napukaw ang kanyang interest. Nagising na lang siyang may gusto na rin sa binata. "Friends lang kami," naman ang madalas niyang sabihin kay Rose kapag tinutukso sila nito. Hindi naman niya sineryoso ang mga pagpapahaging nito. Alam niyang may asawa kasi siya. Ang problema, sineryoso siya nito. Kaya naman isang buwan bago ito umalis patungong Canada para sa isang business trip ito ay nangako na babalik upang manligaw. Sinakyan lang niya ito sa pag-aakalang makakalimutan din siya nito.
Kasalanan mo ang lahat Swan! sigaw ng kanyang utak na lalong nagpabalisa sa kanya. Malaki ang problema na kanyang kinakaharap ngayon dahil inilihim niya kay Kyle na nagkaroon siya ng admirer na seryoso samantalang pinaratangan niya ito ng pangangaliwa.
Ganoon talaga kapag walang pundasyon ang tao sa Diyos. Ni hindi nga siya nagsisimba ni nagbabasa ng Bibliya. Pero iba na siya ngayon. At dahil dito malakas ang tiwala niya sa Diyos na maaayos din ang lahat. Kailangan lang niya ng sapat na panahon.
Nagkita tayo Kyle isang buwan pagkatapos ni Steve umalis. Biyaya iyon ng Diyos. Hindi ko alam kung anong gagawin kung nagsalubong kayo ng landas. Baka hindi mo na rin ako tanggapin. In her heart Steve could never ever replace Kyle. Nadala lang siya ng pangungulila dito.
Nanalangin siyang bigla. A prayer for protection over their marriage.
"...Tanging kayo lang Panginoon ang kayang magbigay ng proteksyon sa aming marriage. Nawa hindi ito muling mabuwag..." pagtatapos niya.
Napuno bigla ng kakaibang katahimikan ang puso niya. Parang lahat ng bigat na nakadagan sa kanyang dibdib ay biglang naglaho at siya'y napangiting muli.
"With God all things are possible!" determinadong deklarasyon niya.
"Palabas na ang pinakapaborito mong movie!" masiglang anunsyo ni Rose. Busy naman siya sa pag-aayos ng mga orders ng clients nila kaya walang dating ang sinabi nito.
"Ano?" wala sa loob niyang tanong.
Nag-hum lang ang kaibigan. Nanlaki ang mga mata dahil sa familiar sound.
"Oh my gosh! Palabas na ang Me Before You?" tili niya na halos ikalingon ng mga sales clerks niyang babae nang marinig ang paborito niyang theme song ng palabas, ang "Photograph." Inlove na inlove siya sa movie trailer nito kahit na quadriplegic ang guwapo at matangkad na bida, paano kahawig iyon ni Kyle, Filipino version nga lang ang kanyang asawa.
Pati si Steve ay aware na paborito niya ito. Sa katunayan, nangako itong ilalabas siya upang panoorin iyon pagbalik nito ng Canada. Pero dahil hindi na niya sinasagot ang mga text at tawag nito lately, hindi na ito matutuloy.
Pabor iyon sa kanya. Talagang hindi na siya magpaparamdam na kay Steve dahil ayaw niyang ma-jeopardize pa ang marriage nila ni Kyle. Kung may gusto siyang makasamang manood nito, yun ay walang iba kundi si Kyle. Ang problema hindi mahilig ito sa romantic movies. Mas gusto kasi nito ang action or adventure.
"Rose, okay lang na ikaw ang isama kong manood kug saka-sakaling tanggihan ako ni Kyle?"
"Saan ka sasamahan ni Rose?" Boses iyon ni Kyle. Kararating lang nito mula sa biyahe galing bahay nito. May client kasi itong pinagbentahan ng yacht. Pinagmasdan niya ang guwapong best half. Fresh and young looking ito ng araw na iyon. Na-excite bigla ang kanyang puso. Kahit na natutulog ito sa bahay niya hindi naman sila nagtatabi. Medyo naiilang pa rin siya siya kung intimacy ang pag-uusapan. Hindi naman namumuwersa si Kyle. Naunawaan naman nito na marami pa silang adjustments na kailangang gawin. Sa tuwing naroon ito sa bahay niya sa sofa lang ito natutulog. Pero alam niyang darating din sila sa intimate part ng marriage, soon.
His charm was getting much harder to resist these days.
BINABASA MO ANG
My Sweet Kyle
Любовные романыMatagal nang nakapag-move on si Swan kay Kyle. Two years na nga, in fact! Kaya kahit na mas lalo itong gumuwapong tingnan ngayon dahil sa suot nitong tuxedo, wala siyang pakialam! Oo, kahit nagkikiligan pa ang mga babae sa paligid niya. Ooows? Eh...