In the Silence

2.2K 53 0
                                    


KANINA pa hindi mapakali si Swan habang nasa loob ng sariling shop. Nag-text kasi si Kyle. Pauwi na raw ito, galing sa paghatid ng Tiyahin at asawa nito sa airport.

We really need to talk, message nito sa kanya sa text. Kinabahan siya dahil wala nang kasunod iyon. Baka nag-give up na siya sa amin dahil na naman sa udyok ng kanyang Tiya! Sumama ang pakiramdam niyang bigla. Sana sumama na lang ako sa resort, panghihinayang niya.

"Ate Swan," wika ni Rose matapos mai-set ang isang flower vase sa may shelf.

Ipinaliwanag naman niya dito ang lahat ng nararamdamang mga negative vibes.

"Ano ka ba, mahal na mahal ka ni Kyle. Ba't pa siya maghahabol sa iyo kung hindi totoo iyon? That's huge kaya para sa isang lalaki na iniwanan ng asawa, considering his good looks no!"

Binanggit niya ang kanyang pag-aalangan sa tiya nito.

"Sabi mo nga people change di ba? Nagbago na si Kyle. Malay mo nagbago na rin ang kanyang Tiyahin," pilit nitong encourage.

"Kinakabahan talaga ako Rose..." nababalisa niyang pahayag.

"Ate, just do what is right. Have humility. A humble heart has the power to restore broken relationships." Pinisil pa nito ang kanyang kamay.

"Salamat sa mga advice mo Rose at pagtitiyaga mo sa akin. Sana makasama ako sa retreat ninyo minsan," appreciate niya rito. Tutugon sana ito pero tumunog ang wind chimes. Pareho silang napalingon at natigilan.

Isang lalaking matangkad, naka-suot ng v-shaped neckline shirt na kulay aqua ang pumasok. Maganda ang hapit ng jeans na suot nito na bumalot sa mahahaba nitong legs. His waistline was small but his upper body was magnificent looking.

Lumapit ito sa tapat niya. He had a stare that revealed, "You are my everything."

"Hi. Kumusta ka na?" anito na titig na titig sa kanya.

Para siyang may bikig sa lalamunan. Ang lakas pa ng kabog ng puso niya.

"H-heto, okay naman." Parang may anghel na dumaan sa tindi ng katahimikan sa kanilang kalagitnaan. Wala kasi silang ginawa kundi magtitigan.

It was normal, lalo na kung may halong pagkailang at pananabik ang mag-asawang nagkita.


My Sweet KyleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon