TATLONG buwan na silang nagsasama ni Kyle sa iisang bahay. Mas lalong gumaganda rin ang takbo ng kanyang business. Wala na siyang maihihiling pa. Isa na lang ang pinoproblema niya. Nangungulit si Kyle na bumisita sila sa Tiya Lenny nito next month. Importante raw kasi at hindi na puwedeng maurong pa. Tumanggi siya kahit ipinaliwanag ni Kyle ang pagtatanggol na ginawa nito noong huling nag-usap ang dalawa.
"Darating tayo diyan, huwag muna ngayon," ang itinugon niya rito noong huli silang mag-usap ni Kyle. May isang bagay kasi ang bumabagabag sa kanya. Nabigla kasi siya dahil sumulpot daw bigla si Steve sa shop sabi ni Rose. Gusto raw nitong makausap siya. Ayaw niya sana, pero noong sinabi nito na iyon na raw ang huli nilang pag-uusap pumayag na rin siya.
She wanted to end that chapter of her life.
Ngayon ay nasa loob na sila ng isang Japanese restaurant. Sa may kasulok-sulukan sa may bandang likuran ang pinili niyang puwesto upang hindi sila makita ninuman. Wala siya sa mood ngayon, paano nagsinungaling lang pala si Steve. Hindi raw siya nito tatantanan.
"Getting back together for three months is not enough para masabi mong stable na ang marriage ninyo Swan. Anything could happen." His eyes were soft and pleading. Guwapo pa rin naman ito pero wala nang dating ang charm nito.
Iba na talaga pag secured na ang puso sa pagmamahal ng asawa. 'Di basta-bastang natitinag pag dating sa mga temptations.
Ilang minuto na ang lumipas, kanina pa sila nag-uusap pero wala pa ring pinatutunguhan. Naawa siya rito. Kaya mo naman sanang makahanap ng babaeng mamahalin. Ba't sa akin ka pa nahumaling? Na-guilty tuloy siya.
"Steve, I am really sorry. Oo, nagkamali ako noon. I shouldn't have entertained your friendly dates. Pero pinagsisihan ko na iyon lalo na't lumalalim na ako sa pagbabasa ng Salita ng Diyos ngayon. I'm sorry but you have to let me go."
Pero dahil para itong isang pader na ayaw patinag wala siyang choice kundi ang mag-walk out.

BINABASA MO ANG
My Sweet Kyle
RomansMatagal nang nakapag-move on si Swan kay Kyle. Two years na nga, in fact! Kaya kahit na mas lalo itong gumuwapong tingnan ngayon dahil sa suot nitong tuxedo, wala siyang pakialam! Oo, kahit nagkikiligan pa ang mga babae sa paligid niya. Ooows? Eh...