Yuki's POV
"Where is he Hugo?" tanong ko kay Hugo saka ko inatake ang papalapit na witch guard. Tinutukoy ko ang kanyang ama. Nandito kami sa parang dungeon, yung mga pinagkukulungan ng mga dragon ganun. Dito daw nakakulong ang ama niya, according to him. Tinignan ko siya na tuloy tuloy ang pagpasok papuntang piitan. Tss. Can he atleast answer me? How rude!
"Nasan na siya?" tanong ni Yno saakin saka lumapit. Tinuro ko ang patungong kulungan kung nasan ang ama ni Hugo. "Tara." sabi niya. Naglakad kami papunta sa kung saan dumaan si Hugo. Yung iba nasa labas para hindi kami masundan. Mabuti nalang iilan lang ang mga gwardiya dito kaya mabilis kami nakapasok.
Nakahiwalay to sa kastilyo ng magkakapatid na witch. Dito nila ikinukulong ang mga rebelde sa kanila. Sabi ni Hugo, halos lahat ng nakakulong sa lugar na to ay mga kauri niyang healer witches.
Nadatnan namin si Hugo na nakikipaglaban sa mga gwardiya. Nagmadali kami ni Yno para puntahan si Hugo at tulungan siya.
Tumalon ako para harangan ang likod ni Hugo saka sinangga ang tira ng gwardiya. Nagulat ito sa pagsulpot ko kaya nginisian ko siya. Sinipa ko siya sa tiyan kaya napaatras siya saka ko siya inaatake.
Tumingin ako kay Yno na sobrang bilis ng galaw. He grabs the jaw of one of the guards then twists it, saka siya tumalon papunta sa likod ng dalawang guard, he strike the neck of the guard who's on the right, napatingin yung nasa left kaya sinuntok agad ni Yno sa tiyan saka ibinalibag sa sahig.
Whoa. He's freakin' awesome! Hindi ko talaga maiwasang hindi humanga sa kanya sa laban, ang galing eh. Mabilis niyang napapabagsak ang kalaban.
Nakita ko ang gwardiyang papalapit sa likod ni Yno. Sisigawan ko sana si Yno pero bigla nalang siyang umikot saka kinuha ang hawak na lance nung guard saka niya ito siniko sa balikat. Napahinga naman ako ng maluwag. Takte lakas ng pandama niya.
Tumingin siya saakin kaya ngumiti ako sa kanya. Itinaas niya ang kamay niyang hawak hawak yung lance nung kaninang guard. Walang ano ano, bigla nalang niya yung hinagis sa kinatatayuan ko. Sa bilis nung lance hindi ko na nagawang huminga pa!
Shoot!!
Dumaan yun sa kaliwang pisngi ko. Sunod ko nalang narinig ay ang daing ng kung sino. Agad akong tumingin sa likod ko. May nakahiga ng guard habang nakatusok na sa dibdib niya ang lance. Nakanganga akong tumingin kay Yno na nasa harapan ko pala.
"Did I scare you?" tanong niya agad. Tinignan ko siya ng masama dahil sa tinanong niya.
"Bwisit ka!" sigaw ko sa kanya saka hinampas ng mahina yung balikat niya. Natawa naman siya saakin kaya napa'tss nalang ako. "Do that again, I'll kill you!" banta ko sa kanya. Tumingin ako kay Hugo na nasa harap ng isang rehas at abalang ina'unlock ang malaking padlock nito.
Pumunta kami kay Hugo.
"What's wrong?" tanong ko sa kanya. Mukha kasing nahihirapan siya.
BINABASA MO ANG
The Vampire's Fangs 1&2(Completed)
VampiroShe was a gangster yet she discovered she wasn't just like any other normal gangster when this one heck of a perverted jerk appear and confused her of what she really is. Until she figured out what kind of human-being he is and who she truly is. A l...