Chapter 39

2.6K 69 7
                                    

Someone's POV


"Do you know how much you scared me because of that stupid act that you've done?!" pagbangon na pagbangon niya, ang kambal agad ang hinanap ni Misaki. Ng makita niya ang dalawa, hindi niya alam kung saan magsisimula pero yan ang unang lumabas sa bibig niya.


And now Misaki is ranting habang ang kambal ay nakaupo sa couch at todo ang yuko. Hindi nila kayang harapin ang ina dahil sa mga pinaggagawa nila. Though wala naman silang pinagsisisihan sa ginawa nila dahil para sa parents nila yun. Pero ang tanging pinagsisihan lang nila ay ang pag-alalahin ng sobra ang mga taong nakapaligid sa kanila lalo na ang parents nila.


"Mom, I'm sorry." suminghot si Miya dahil naramdaman niyang papaiyak na siya. Sa totoo lang sobra siyang natakot sa nangyari sa itim na isla. Hindi niya akalain na muntik na siyang makuha ng mga mangkukulam na yun kung hindi lang dumating ang ina niya para sagipin siya sa mga ito. "Sorry talaga mommy. Gusto lang naman po namin---" napatikom si Miya nung putulin ni Misaki ang sinasabi niya.


"For what? Those damn memories?! For that you'll risk your lives?!!" sigaw pa niya. Tuluyan ng napaiyak si Miya. Si Blue tahimik lang at tinatanggap lahat ang galit ng ina. Wala naman siyang magagawa dahil mali naman talaga ang ginawa nila.


Napahawak si Miya sa laylayan ng damit ni Blue kaya napasilip siya sa kapatid. Nakapikit ito ng mariin habang umiiyak. Natatakot sa galit ng ina.


"Saki, tama na yan." pigil ni Yuki kay Misaki. Nandun ang apat pang shaman, wala ang iba pa dahil may kanya kanyang ginagawa.


"Urgh!! Hindi ko lang kasi mapigilan yung inis ko sa ginawa nila, takte nandito padin yung kaba sa dibdib ko!" napatingin siya sa kambal. Lumambot ang itsura niya nung makitang walang tigil kakaiyak si Miya. Lumapit siya sa mga ito. "But I'm just glad you're both safe. I don't know what I can do if you die right before my eyes." bulong niya. Unti unting humupa ang galit niya saka lumuhod sa harap ng kambal. Napatingin sila kay Misaki. Misaki pats their head. "Don't do that again okay?" lalo pang napaiyak si Miya saka biglang yumakap kay Misaki.


"Mom..." iyak na tawag ni Miya.


"Wala akong pakialam sa mga memoryang yun, it was on the past. Let's face our future." marahang bulong ni Misaki kay Miya.


"Opo mom." sagot ni Miya.


"Mom, I'm sorry." paghingi ng tawad ni Blue sa ina. Tinanguan lang siya ni Misaki saka pinat ulit ang ulo niya.


"Yown! Okay na sila!" sigaw bigla ni Cess. Umalis sa pagkakayakap si Miya saka tumingin sa mga tita niya.


"Tita's, thank you." sincere na pasasalamat niya sa mga ito dahil sa pagliligtas sa kanila. Baka kung hindi sila dumating wala na sila parehas ni Blue ngayon.


"Sus! Wala yun, kayo pa ba?" nakangiting sagot ni Chanon.


"Hindi namin kayo matitiis..." ginulo ni Keith ang buhok ni Blue. Ngumiti naman ang dalawa sa mga tita nila.


The Vampire's Fangs 1&2(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon