TVF S2: 7

1.4K 47 0
                                    

Miya's POV

Lumitaw ang espadang gagamitin ko. Kinuha ko yun at nagready na. Tumingin ako sa makakalaban ko. Sa dami namin bakit siya pa?? Bakit kailangan siya pa ang makakatapat ko. Hindi naman sa nagrereklamo ako pero... makita ko palang ang mukha niya naiinis na ako.

Sinong hindi? Hindi ko pa nakakalimutan ang ginawa niya saakin. Pero sa tingin ko ayos na din to. Kailangan ko ding ma over come ang mga kinakatakot ko. Wala na si Hugo para protektahan ako though I know Asul is still there for me.

Inikot ko ng isang beses ang espadang hawak ko at nagbend para magready. Tumingin ako kay Zield. Nakangisi siya saakin na parang sabik na sabik sa magiging laban namin. Huminga muna ako ng malalim. Unti unti kong binigyan ng pressure ang binti ko saka tumalon ng napakataas.

Saka ko lang nakita ang kabuuan ng battle field. Sabi ni Tracey nag-iiba iba ang lugar ng battle field. And this is a forest. Ganito pala to, akala ko stage lang talaga siya. So ito pala ang sinasabi ni Tracey na kakaiba.

Nakita ko si Zield na umangat papunta sa tapat ko.

"It's nice to be your opponent, Fraudd." humawak siya sa dibdib niya saka parang magalang na yumuko sa harap ko and just like always, he's grinning. Inungusan ko siya. May paganun pa, alam ko naman ang motibo niya. Psh.

"Tss." yun lang ang ginawa ko. Nagready ako, nag-appear naman sa harap niya ang magiging sandata niya. Espada din.

Mabuti nalang hinasa ako ni Asul noon sa paghawak ng espada kaya wala akong magiging problema sa paglaban sa kanya ng espada sa espada pero sa totoo lang mas sanay ako kapag dalawang kamao ko lang ang gamit ko kaso nag-appear naman tong espada sa harap ko kaya wala akong magagawa. At sabi din kasi ni Asul, I can't always rely on my own power. Edi fine.

Parehas kaming naghanda. Seryoso akong nakatingin sa kanya samantalang siya mukhang pa easy easy lang habang hindi mawala sa labi niya ang ngisi niya. Psh. Sarap din sapakin ng mukha niya. Urgh! Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang buong sistema ko. Nararamdaman ko ang pagdaloy ng dugo niya. Sobrang bilis. I let go all my worries bago tumingin kay Zield.

Mabilis akong lumipad papunta sa kanya, inatake ko siya sa dibdib at sa mukha pero pareho niyang naiwasan yun, inatake ko siya ulit pero itinaas niya ang espada niya to dodge my sword kaya nalihis ang dereksyon nito pero hindi ako nagpatinag at hindi tumigil sa pag-atake sa kanya. He's simply dodging all my attacks kaya medyo nakakairita, hanggang sa napalakas ang pagtama ng espada niya sa espada ko. Napataas ang kamay ko. Damn! I'm open! Itinaas niya ang espada niya, he targeted my chest. Mabilis kong iginalaw ang free hand ko saka ko hinawakan ang katawan ng espada niya. Ramdam ko ang pagbaon ng talim ng espada sa palad ko. Masakit but I endured it. Binitawan ko yun at tumalon ng dalawang beses palayo sa kanya.

May dumaloy na dugo sa palad ko pero unti unti ding naghilom ang sugat nito. Psh. Punong puno ng intensidad ang laban namin though relax na relax lang siya at halatang nag-eenjoy. Nakakainis pero kailangan kong magfocus. I can't let him provoke me. But I can say that he's really strong. Pero hindi ako susuko, kailangan kong patunayan na kaya ko siya.

"Suko ka na Fraudd?" Zield's mocking me. Tinignan ko lang siya. Tch. Ako susuko sa kanya? He's belittling me. Huminga ako ng malalim at pumikit. Dinama ko ang kapangyarihang dumadaloy sa katawan ko. The heat of my raging blood that's running to my veins, I can feel it. I can do this.

Idinilat ko ang mga mata ko at seryosong tumingin sa mga mata ni Zield. Nagkibit balikat siya bago sumeryoso ang mukha niya at naghandang muli. I'll beat you Zield, no matter what!!

As if on cue, parehas kaming sumugod ni Zield sa isa't isa. Mabilis ang naging galaw naming dalawa. Agad na nagsalubong ang mga espada namin pero mas malakas ang naibigay kong force kaya napaangat ang espada niyang dumulas sa espada ko at nagbigay ng malakas na impact na nagpasabog sa likod niya. Nasira ang kaliwang bahagi ng gubat. Mukhang hindi niya inasahan yun pero agad niyang naibalik ang composure niya. Umikot siya at inatake ako sa likod ko pero yumuko ako para iwasan ito, hanggang sa sunod sunod na ang naging atake niya. I tried to dodge his attacks pero may ilang nakakalusot at natatamaan ako sa ilang bahagi ng katawan ko. Harmless naman kasi meron invisible protective barrier sa buong katawan namin.

The Vampire's Fangs 1&2(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon