Chapter 16

3.6K 118 15
                                        

Misaki's POV


I flopped onto the floor, gasping for breath. "Stop! Let's rest, or I'm gonna die!"


"OA naman, Himea. Nakakailang rounds palang tayu ah." he said, standing in front of me. I shot him a glare. Tatadyakan ko to eh! Kanina pa ako pinapahirapan porket hindi siya napapagod. Bwisit!


"Ikaw lang ang natutuwa sa ginagawa nating to, bakit di mo itry mag-isa!!" tumayo ako at tatalikuran na sana siya pero agad niya akong hinawakan sa braso. Tumingin ako ulit sa kanya. "Pagod na kasi talaga ako eh!!!" inis na angal ko.


"Fine! Just one last round, and then we'll stop," nakatawang sabi niya. Bigwasan ko to eh! Lakas mang-asar! Feeling ata katulad niya akong hindi manlang pinagpapawisan. Kainis!!!


We headed back to the stage in Chaos Arena. Nandun na yung makakalaban namin. Naghihintay. Mukha namang hindi kami gaanong mahihirapan sa huling kakalabanin namin dahil... tignan ko palang ang isang kasama nung mukhang buddha, feeling ko matutumba na sa sobrang payat. Para na siyang kalansay na naglalakad at nabiyayaan ng manipis na balat. Err. Kumakain pa ba to?


Sandali akong nagwarm up dahil talagang pagod na ako, pang-sampung round na ang laban na to pero potek ayaw paawat ng bampirang to. Bakit ba naisipan kong dito nalang magpunta after ng klase? Grr!


"The game will start in a moment," the announcer's voice echoed.


Tinapik ni Usui ang ulo ko kaya sinamaan ko siya ng tingin. "Relax. Pfft." inalis ko ang kamay niya saka kinuha ang lance ko.


"Let's end this fast."


"Get ready. In 3, 2, 1..."


"I love you, Himea!/Let this game begin!!"


Napatingin ako kay Usui nung sumigaw siya kasabay ng announcer. Wala na siya sa pwesto niya. Wait. What the hell did he just say?!! Hindi ko narinig, tanging pangalan ko lang! Tsk! May pagka-psychotic din talaga ang isang to! Tss.


Sumugod ako dun sa lalaking halos buto nalang. Kawawa naman to. Wag ko kayang pwersahin? Tsk. Kelan pa ako naawa sa kalaban? Umikot ako at umatake paibaba. , but when he blocked it with his arms, I expected him to be thrown back by the force pero anla, halos tumilapon ako sa lakas ng nagawang impact. What the—?! How the hell did he do that?! Hindi manlang siya umalis sa pwesto niya pati expression niya hindi manlang nagbago.


"What the heck are you?!!" tinignan ko pa siya mula ulo hanggang paa pero talagang buto't balat nalang siya eh! Paanong ang lakas niya????


"Hey, looks can be deceiving. He's stronger than a golem," sigaw ni Usui na ngayon ay nakasandal na sa harang ng stage. Seriously? He's already finished his fight?! WTH!! Eh wala pang isang minuto nung nagsimula ah?! At saka bakit ayaw niya akong tulungan dito??? Grrr!! Nakakainis talaga ang bampirang yan!!!


"Eh kung tinutulungan mo ako dito?!!!!" asar na sabi ko sa kanya. Napatingin ako sa harap ng may maramdaman akong hangin. "Whoa!!" napayuko ako ng susuntukin niya sana ako sa mukha. Wala din patawad ang isang to nuh? Pumapatol sa babae. Emf!

The Vampire's Fangs 1&2(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon