Narrator~
"Sino naman tong Justin na to?" tanong ni Maika habang nakatingin sa screen monitor kung saan nakalista ang mga pangalan ng mga kalahok. Nagtataka siya dahil bukod sa kanina pa nawawala tong si Miya, eh ngayon makikita pa nilang may kapareha na ito. At sa taong hindi pa nila kilala.
"Nakilala niya siguro." sagot naman ni Tricia na nakaupo sa bench.
"Pero dapat hindi siya kaagad nakikipagkapareha sa taong kakakilala niya lang." tumingin kay Tracey si Maika nung magsalita ito. Kita sa mukha nito ang pag-aalala.
"Tss. Nasa tabi mo lang kasi siya nawala pa sa paningin mo?" nagtataray na tanong ni Maika kay Tracey.
Pinagtaasan naman siya ng kilay ni Tracey.
"Malay kong wala na pala siya sa tabi ko!" medyo naiiritang sabi ni Tracey. Napatingin sa kanya si Tricia at Blue dahil sa tinuran niya.
"Malaki na ang kapatid ko. Hayaan niyo nalang siya sa gusto niya." kahit nag-aalala ay nagawa pa din iyong sabihin ni Blue. Alam niya kasing hindi gusto ni Miya ang napapahiwalay sa kanya o sa kaibigan. Pero kung hindi niya ito hahayaan ay hindi matututo ang kapatid.
"Tss." yun na lamang ang nasambit ni Maika saka umirap kay Tracey na inirapan din siya habang si Tricia ay lihim na tinititigan si Tracey.
'Something is off.' usal ng kanyang isipan. Kanina pa niya ito napapansin pero isinasantabi nalang muna niya lalo pa't may paligsahan.
Samantala, si Hugo ay tahimik lang. Kanina pa niya iniisip kung ang lalaking si Justin na kapareha ni Miya ngayon ay ang lalaking nakita nitong kasama niya kanina.
It's bothering him to death. Ni hindi na nga niya pinapansin si Kyla na kanina pa daldal ng daldal sa tabi niya.
"...but mom will be fine soon." tumingin si Kyla kay Hugo na malalim ang iniisip habang nakakunot ang noo nito. Napataas ang kilay niya ng mapagtanto ang asal ng lalaki na hindi naman pala nakikinig sa kanya. Ngumisi siya at sumandal sa pader na kinasasandalan ni Hugo. "Miya must be enjoying that Justin guy's company. Hmm..." she place her hand on her chin. "...maybe he's a funny and handsome guy."
"Shut the fck up Kyla!" bigla nalang itong gigil na bumulong kay Kyla. His fist are closed and his eyes are burning in anger.
"Whoa! Easy there Hugo." nakangising awat ni Kyla. Sumutsot naman si Hugo at bumalik sa pagkakasandal niya. He's a hot temper guy pero kay Miya lang siya nakakapagtimpi lalo na nung mga oras na kinukulit siya ng kinukulit nito. "Sa tingin mo ba hindi kakaibiganin ni Miya ang lalaking yun kung hindi niya ito gusto? You know Miya, hindi basta basta nagtitiwala ang babaeng yun." sambit pa nito. Napalayo ang tingin ni Hugo kay Kyla dahil umiinit ang ulo niya dahil sa mga naririnig mula sa babae, baka kasi hindi siya makapagpigil. "Look at her, flirting to any guy while you're here looking so worried about her." she's provoking him. Napapangiti ng tagumpay si Kyla dahil sa nakikitang pag-igting ng bagang ni Hugo.
She knows him too well. Magagalit yan kapag pinrovoke ng sobra. Lalo na tungkol sa mga taong mahalaga sa kanya. Pinag-aralan niyang mabuti kung paano niya mailalayo si Hugo kay Miya. At ngayon, si Miya na mismo ang nagbibigay ng dahilan para mangyari iyon.
"Huy pangalan niyo ng dalawa ang tinatawag!" tawag ni Maika sa dalawa. Umalis sa pagkakasandal si Hugo at deretsyo na naglakad papunta sa stage without waiting for his partner.
"Anong nangyari dun?" tanong ni Tricia na lumapit din sa kanila. Nagkibit balikat naman si Kyla at sinundan si Hugo habang nakangisi.
"Punong puno ng kamalditahan talaga ang babaeng yun." puna ni Maika na nakasunod ang tingin kay Kyla.

BINABASA MO ANG
The Vampire's Fangs 1&2(Completed)
VampiroShe was a gangster yet she discovered she wasn't just like any other normal gangster when this one heck of a perverted jerk appear and confused her of what she really is. Until she figured out what kind of human-being he is and who she truly is. A l...