TVF S2: 11

1.6K 48 0
                                    

Narrator~

Matapos ang kanilang klase, tulad nga ng napag-usapan nila Tracey at Kyla, nagkita sila sa gilid ng hardin na nasa gitna ng academy nila. Naupo sa isa sa mga bench doon si Tracey habang hinihintay si Kyla. She's been thinking kung ano ba ang gustong pag-usapan nito at kailangan pang silang dalawa lang. It could be private pero hindi niya talaga malaman kung ano ito kaya naman inip na inip na siya sa tagal ni Kyla.

Medyo pamilyar din sa kanya ang mukha ni Kyla at alam niyang nakita na niya ito noon. Hindi niya lang matandaan kung saan.

"Hey." agad na napatingin si Tracey kay Kyla na nakatayo na ngayon sa harapan niya habang nakangiti. Her smile is somewhat different from before. It's annoyingly creepy.

Tumayo si Tracey at tumingin sa mga mata ni Kyla.

"What do you wanna talk about?" straight forward na tanong kaagad ni Tracey kay Kyla. Natawa naman ito sa kanya.

"Easy there, okay?" pagpapakalma ni Kyla kay Tracey. Kalmado pa itong naupo sa bench na inupuan ni Tracey kanina. Nangunot naman ang noo ni Tracey dahil sa inasal ni Kyla.

"Hindi ako nakipagkita sayo dito to chill out. You said you want to talk to me, what is it? Just spill it out." deretsyo pading sabi ni Tracey na medyo naiirita na. She thought it is that important, yun pala mukhang wala pa siyang mapapala.

Tumingin sa kanya si Kyla ng nakangisi.

"Are you in a hurry?" nakakalokong tanong pa ni Kyla. Napabuga nalang ng hangin si Tracey dahil sa inis.

"You know what? This is nonsense! You're wasting my effin' time." tinalikuran na ni Tracey si Kyla at magsisimula na sanang maglakad ng magsalita itong muli na ikinaharap niyang muli.

"You're so hot-headed, cousin. Why not take this easy?" hindi makapaniwalang tumingin siya kay Kyla habang nanlalaki ang mga mata dahil sa narinig nito.

"What did you call me? Cousin? Us?!"

-

Miya's POV

"Tita Cess! Tita Chanon!!" mabilis akong tumakbo pagkakitang pagkakita ko kela tita Cha at tita Cess na nasa sala habang naglalaro ng chess. They both look so serious kaya nung marinig nila ang boses ko nagulat sila at napatingin sa dereksyon ko.

"Oh crap! Baby Miya!!" hindi makapaniwalang sigaw din nila. Tumayo sila para salubungin ako. I hug them so tight. Ghad! I missed them so much! Ilang months ko silang hindi nakita!

"Wah!! Namiss ko po kayo!" tuwang tuwa kong sabi sa kanila nung lumayo ako mula sa pagkakayakap.

"Namiss ka din namin! Naku ha Miya, madami kang ikukwento saamin! 3 months kayong hindi nagparamdaman!" pinaupo ako ni tita Cess sa sofa, si tita Cha naman ay kumuha ng inumin. Si Blue ay lumapit saamin. "Hi, baby Blue." tita Cess kissed Blue on his cheeks. Pagbalik ni tita Cha, humalik din siya kay Blue.

"Hi tita Cess, tita Chanon. I missed you both." nakangiting sabi ni Blue. Naupo si Blue sa pang-isahang sofa.

"So how's school? Was it fun?" naeexcite na tanong ni tita Cess.

"Yup! Super fun tita though medyo nahirapan po kami nung first month." pagkwento ko. "And we met few friends there and they are so nice!" masayang sabi ko sa kanila. Nginitian naman nila ako.

"Good to know that, baby Miya." tita Cess patted me on my head so I giggled.

"Madami na ba kayong natutunan? Don't tell me puro lang kayo kalokohan dun ah. You should take your studies seriously." pagpapaalala ni tita Chanon.

The Vampire's Fangs 1&2(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon