Chapter 20

3.1K 110 6
                                    

Misaki's POV


"Himea." napatingin ako sa lalaking kaharap ko ngayon dito sa ilalim ng puno sa field.


Naisip ko lang, bakit ba nandito ang isang to? Wala ba silang date ni Jarah? *rolled eyes.*


"Bakit?" matabang na tanong ko. Hindi ko malaman kung anong meron sa ekspresyon niya pero parang nag-aalangan siya sa kung anumang sasabihin niya. "What?" pagtatanong ko ulit dahil parang ayaw naman niyang magsalita. Ano nanaman bang problema ng lalaking to?!


"Uhmm." tumingin siya saakin bago siya umayos ng upo at saka umusod pa ng unti palapit saakin. Aba! May sasabihin lang kelangan talaga may paglapit?! Tindi ano! "I have a friend." sabi niya. Kinunutan ko siya ng noo.


"So? I don't care about that friend of yours." deretsyong sabi ko sa kanya at hinarap nalang ulit ang librong binabasa ko. Akala ko naman kung ano na! Tungkol sa kaibigan niya lang pala! Tss!


"No! I mean... okay, ganito kasi, may problema kasi yung friend ko, and I don't know kung ano pwedeng sabihin sa sitwasyon niya. I just want to clear things out para sa kanya." mahinahon na sabi ni Usui habang may hand gestures pa. Tinaasan ko siya ng kilay.


"Anong tingin mo sakin, si Vice ganda na nag-aadvice? Bat di ka sa kanya lumapit?" mataray na tanong ko. Agad na napakunot yung noo niya sa sinabi ko.


"Huh? Sino naman yun?" tanong niya. Ay takte! Hindi ata nanunuod ng t.v ang lalaking to.


"Tss! Wala! Ano ba kasing problema ng kaibigan mong yan?" naiiritang tanong ko sa kanya. Bumalik ulit yung expression niyang hindi mapakali at nababagabag na mukha. Ang laki minsan ng topak nito nuh? Kaibigan niya yung may problema, pero parang siya yung may pasan. Ano ba yan!


"May asawa kasi siya. And, he's wife got an anmesia---" agad kong pinutol ang sinasabi niya.


"Huh? Parang sakin?" turo ko pa sa sarili ko. Wow! Whatta coincidence! May amnesia din.


"A-ah. Yeah. But this is about my friend's wife..." umiwas siya ng tingin na talagang hindi ko naintindihan. Para kasing may emosyon siyang nakahalo sa ikinikwento niya eh. Parang siya lang yung apektado.


"Ou nga. Wala naman akong ibang sinabi kundi yung 'parang sakin' lang ah. Teka nga, sino ba tong friend mo na yan?" nacucurious ako sa kaibigan niya eh. Parang super close na close sila kung makapagreact sya ng ganyan. Isa ba sa apat niyang kaibigan? Pero parang hindi naman dahil wala naman nababanggit saakin yung apat na problema nung apat na bampira.


Oh well,


Napatingin siya saakin. "You don't have to know about him. Anyway, tuloy ko na yung kwento." napasandal nalang ako sa puno ng makita ko sa mata niyang wala siyang balak na sabihin kung sino ang friend niya. Fine. Wala din naman akong pakialam. Nagfocus nalang ako sa ikukwento ni Usui.


"They've been together for so many years. Actually may anak na silang dalawa na kambal. But year ago, bigla nalang niyang nalaman na naaksidente ang asawa niya at nawalan ng memorya. Of course, it costs him so much pain na halos ikabaliw niya. Hindi siya pinayagan na alagaan at mag-stay sa kanya ang asawa niya hanggat hindi pa ito nakakarecover." he stopped and unleased a painful sigh. Gusto kong magreklamo pero parang pati ako nadadala sa kwento niya. "Even their two kids are always calling for her name just for him to feel the pain even more. Ginawa niya ang bagay na hindi dapat dahil sa pangungulila sa asawa niya. Naglalabas siya ng iba't ibang babae, I don't know kung anong pumasok sa utak niya para gawin yun kahit pinakiusapan na siya na antayin ang asawa niya kahit isang taon lang. Pero ng araw na magkita sila mas lalo lang siyang nasasaktan dahil walang kahit na anong naaalala ang asawa niya tungkol sa kanya o kahit sa mga anak nila. Damn it!" narinig ko ang pagmumura niya ng mahina. Pati nadin ang paghinga niya ng malalim.

The Vampire's Fangs 1&2(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon