TVF S2: 5

1.5K 42 1
                                    

Miya's POV

Hindi pa din ako makapaniwala sa ginawa niya! His lips are still locked on mine at nasa ilalim padin kami ng tubig. Medyo nakaawang ang bibig niya tapos binibigyan niya ako ng hangin. Effective naman kasi nagkaroon ako ng supply ng hangin pero yung tibok ng puso ko kakaiba! Urgh! Hindi ko maexplain yung feeling!

Lumangoy si Hugo syempre kasama ako since nakayakap ang isa niyang kamay sa waist ko. Hanggang sa umangat kaming dalawa sa tubig.

Narinig ko kaagad ang malakas na tunog ng falls. Our lips parted as soon as we lift our head out of the water. Parehas kaming naghahabol ng hininga.

"Oh shocks!" sigaw ko kasi halos mamatay matay ako sa pagpigil ng hininga ko kanina! Urgh! Akala ko mamamatay ako sa suffocation! Ay hindi sa suffocation, sa atake sa puso!!

Umakyat si Hugo sa batuhan saka inoffer yung kamay niya na inabot ko naman. Inangat niya ako paalis sa tubig. Nung makaupo ako tumingin ako sa paligid. Nasa likod kami ng mismong waterfalls. May maliit na kweba pala sa likod nito.

"Ayos ka lang?" tanong ni Hugo. Napatingin ako sa kanya. He's looking at me. Napablink ng dalawang beses ang mata ko at napadiin sa mga labi ko. Emf! Eto nanaman yung mabilis na tibok ng puso ko! Umiwas ako ng tingin sa kanya.

"Hm. Ayos lang ako." I nodded as I bit my lower lip. Bakit parang ramdam ko padin yung labi niya sa labi ko? Hindi ko namalayan na napahawak na pala ako sa lips ko. Waaah!! Mababaliw na ako!

"Sorry." natigil ako nung magsalita siya. Ano daw yun? Sorry ba yung sinabi niya? Tinignan ko siya na parang gusto ko ulit marinig kung ano yung sinabi niya. "I didn't mean to do that." dagdag pa niya. Is he saying that he's sorry because... he kissed me? And he didn't mean to do that huh? Yeah sure.

"Okay lang. Wala sakin yun." I gave him a fake smile. Ewan ko. Nainis ako bigla nung humingi siya ng sorry dahil sa ginawa niya. Well, it wasn't really a kiss, I mean a romantic one. He did it because he wants to give me air, right? Kaya bakit ako maiinis?? Bakit ako NAIINIS?!! Urgh!

Hindi na siya nagsalita kaya mas lalong sumama ang pakiramdam ko. Urgh! Sumilip ako sa labas pero nakita ko sila Tricia at Maika na nakikipaglaban na dun sa madaming aso. Napatayo ako agad at palabas na ng falls pero hinawakan ako ni Hugo.

I look at him. "What?"

"Miya..." tawag niya sa pangalan ko. I don't know but my heart just skip a beat. Heck is that!

"We came here as a group kaya Seb tutulong ako sa kanila." dahan dahan kong tinanggal ang pagkakahawak niya sa wrist ko. Tinalikuran ko siya at lumabas sa falls. Tumalon ako ng mataas papunta sa pwesto ni Tricia na may hawak na pana. Mukhang nahihirapan siya. I punch the monster hound which is running towards her.

Parehas silang napatingin saakin. Wala si Zield. Pinakiramdaman ko ang paligid dahil sabi ni Hugo he's following me. He might be somewhere near.

Lumapit din si Maika saamin. "Saan ka ba galing?" tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. "You're all wet. Did you enjoy the falls?" inungusan niya ako saka pa umirap. Psh.

"I guess so." walang ganang sagot ko sa kanya.

"Upset about something, Fraudd?" mataray na tanong ni Maika. Tinignan ko lang siya at saka sinugod ang asong papalapit sa kanya. Buong lakas kong sinuntok ang asong yun at tumilapon ito ng pagkalayo layo.

Pagkatapos nun tumingin ako ulit kay Maika. "Do I look upset?" medyo may inis ng tanong ko sa kanya. Ngumisi lang saakin si Maika.

"Did you and that Morris guy argue?" agad akong natigilan sa sinabi niya. Ako at si Hugo nag-away? Sus. Nagsorry nga siya saakin at tinanggap ko naman diba? Eh bakit nga ba ako naiinis? Bakit ayaw kumalma ng dibdib ko sa sobrang pagkaasar?? Urgh! "I knew it. Problema talaga ang mga lalaki." tumalikod siya saamin. Humangin nalang bigla ang buong paligid. Hanggang sa palakas na ito ng palakas.

The Vampire's Fangs 1&2(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon