The story of Miya Kae Fraudd(the vampire), Blue Fierce Fraudd(the shaman) and Hugo Sebastian Morris(witch healer), Tracey Hill(the void shooter)
-
"Hi Seb!"
*ignore*
"Hugo!"
*Ignore*
"Hugo Sebastian!!"
*Ignore*
Urgh! Hugo Sebastian Morris, mapapaamo din kita! Mwahahahaha!
Oh well, Hi I'm Miya Kae Fraudd, anak ni Misaki Himea Fraudd at Sky Usui Fraudd. I have a loving twin, Blue Fierce Fraudd. Nag-aaral kami sa Black King Academy which is held by Black King Organization na pinanggalingan ng parents ko.
This academy is an extraordinary school kasi hindi normal ang mga taong pumapasok dito. Which means sa hindi normal, yung mga may malalakas na kapangyarihan na nananahan sa loob nila, ibig sabihin hindi pa kayang ihandle. At yung academy ang mag-eenhance nun at yun ang purpose ng academy na to. At syempre kaya kami nandito ni Blue ay parehas kami sa kanila.
Actually first day namin ngayon eh. Luckily, classmates kami nila Asul at Hugo since sabay sabay kaming inenroll sa BKA. Pagpasok pa nga lang namin sa room kanina, ay wala pa academy mismo, pinagtitilian na si Asul. Hanggang dito ba naman tinitilian padin siya? Hindi ko naman sila masisisi dahil super gwapo naman kasi ni Asul. Ang nakakairita lang sa pagiging gwapo niya, first day palang namin ang dami ko ng haters. Duh?? Bakit ako?? Tsk!
Pagpasok namin sa room, nakita ko kaagad si Hugo sa likod. Nakataas ang mga paa niya sa desk niya tapos yung mga kamay niya nakaunan sa ulo niya habang nakapikit. Napangiti ako kasi may dalawang vacant sa tabi niya.
Sakto! Tumakbo ako kaagad papalapit kay Hugo at tumabi sa kanya. Nung maramdaman niyang may tumabi sa kanya, sinilip niya ako gamit ang isang mata niya.
"Hi Hugo." bati ko sa kanya saka kumaway pero ipinikit niya lang ulit ang mga mata niya at hindi na ako pinansin. I hiss. Kahit kailan talaga siya! Psh. Tumingin ako kay Asul sa tabi ko pero wala siya dun. Pagtingin ko sa pinto, ayun siya pinagkakaguluhan. Ayaw ata nilang padaanin. Ay shocks! I forgot Asul!
Tumayo ako kaagad para hilahin si Asul palayo sa mga babaeng to.
"Excuse me!!!" sigaw ko na nakakuha ng atensyon nila. Lahat sila napatigil sa ginagawa nilang panghaharass kay Asul. Hinawi ko ang iba para mahawakan ko ang kamay ni Asul.
"Hey!!" angal ng iba. Yung iba naman sinamaan ako.
"Sino ka ba??" tanong pa nung mistisang hilaw na tinapik pa ang kamay ko.
"I'm his..." hindi ko na natapos kasi inakbayan ako ni Asul.
"My twin sister. Got a problem?" lahat sila natigilan dahil sa sinabi ni Asul. Maya maya bigla nalang silang nagtilian.
"Kyaaah! The way he speaks, it's so handsome!!"
"Shocks!! I should marry him!"
"He's mine! Gah!"
"KYAAAAAH!!"
Hinila ko na si Asul dahil mas lalo lang siyang pinagkaguluhan. My ghulay! Pati ako muntik pa nilang harassin!
"Bakit kasi nagsalita ka pa eh!" napakamot si Asul sa ulo dahil sa sinabi ko.
"Hindi ko naman alam na mas magwawala sila dahil sa boses ko eh." naupo kami sa tabi ni Hugo. Si Asul sa kaliwa ko tapos si Hugo sa kanan. So nasa gitna nila ako. "Oh bakit katabi mo yan?" tanong kaagad niya pagkaupo niya. Itinuro pa niya si Hugo.
BINABASA MO ANG
The Vampire's Fangs 1&2(Completed)
VampireShe was a gangster yet she discovered she wasn't just like any other normal gangster when this one heck of a perverted jerk appear and confused her of what she really is. Until she figured out what kind of human-being he is and who she truly is. A l...