TVF S2: 31

1K 25 0
                                    

--
Narrator~

Matapos ang matagal na kanilang paghihintay, at daming taon na lumipas kung paano nila pinlano ang lahat, sa wakas ay naging matagumpay din sila at ngayon ay gising na ang ina ni Almira at Kyla.

Matapos maisalin ng magkapatid ang lahat ng kapangyarihan ni Miya sa dagger ng kanilang ina ay ipinatak nila ang dugo ni Miya sa labi nito. Mabilis na dumaloy iyun sa katawan ng kanilang ina hanggang sa nagkaroon ito ng kulay at bumalik ang kanyang buhay.

Agad na nakaramdam ng tuwa si Kyla dahil sa nakikita niyang paggalaw ng kanyang ina.

"Ina!" masayang tawag niya dito.

But it doesn't look good on her dahil sa sobrang katandaan ng pangangatawan ng kanyang ina. Matagal ding natuyuan ng kapangyarihan ito kaya hindi namaintain ang pangangatawan at tumanda ng tumanda.

"Kyla tumabi ka." utos ng kanyang nakatatandang kapatid. Tumayo naman siya at dumistansya ng kaunti.

Tumabi si Almira sa kanyang ina.

"Ina, ipagpaumanhin mo ang aking gagawin." she suddenly stabbed her mother to her chest where the heart is located. Umabot iyun hanggang sa puso niya.

"Ate Almira! What are you doing?!" Kyla yelled in terror. Hinawakan niya din si Almira sa balikat nito. "Anong ginagawa mo kay ina?! She just woke up!"

"Shut up and just watch." walang bahid na pag-aalalang sabi ni Almira sa kanya. Kahit na nag-aalala para sa ina ay hinayaan nalang niya ang ate Almira niya sa gustong gawin.

Agad na hinigop ng dagger ang kapangyarihan ng ina nila at wala iyung itinira kahit na katiting. Ng matapos iyun ay kinuha ni Almira ang dagger.

Tinawag niya ang mga kawal nilang nasa loob ng "Take this body away." utos niya.

"Pero..." hindi na nakaangal si Kyla ng kunin na palabas ang katawan ng kanyang ina. 'Paano na si ina? Anong gagawin ni ate Almira?' naguguluhang tanong ng isip ni Kyla. Hindi niya alam kung anong pinaplano nito.

Samantala...

Lumapit si Almira kay Miya na wala ng buhay. All her power was sucked out of her body, and her heart stopped from beating. That's the price of being a witch's sacrifice. Kailangan niyang mamatay upang mabuhay ang ina nila Kyla.

Ipinatak niya ang dugo ng kanyang ina sa labi ni Miya saka itinaas ni Almira ang kanyang kamay, ready to stab Miya again to her heart.

'Eh?! Why that b*tch's body?!' gulat na protesta ng isip niya. Tumingin siya kay Almira. "Tch!" and again, hindi na siya nagreklamo. Para sa kanyang ina, mabuhay lang ito kahit pa gamitin ang katawan ng taong kinamumuhian niya.

Pagkatapos gawin ni Almira ang pagsasalin ng pinagsanib na kapangyarihan ng kanyang ina at ng kapangyarihan ni Miya ay mabilis na nagkaroon ng kulay ang katawan nito.

Ilang minuto pa ay biglang humigop ng malakas na hangin si Miya na senyales na bumalik muli siya sa pagkabuhay.

Naupo ito.

"Mom... Welcome back." masayang pagbati ni Almira sa kanyang ina.

She offered her hand para ibaba ang kanyang ina sa sementong higaan.

"Oh? Is this that vampire's body?" she stood up ignoring Almira's hand. Tumalon siya para bumaba. "I feel light." manghang sabi nito. She teleported infront of a guard.

Nagtransform siya bilang isang bampira, her eyes became red as fire, humaba ang mga pangil niya pati nadin ang mga kuko niya. Ngumisi siya saka niya binutas ang dibdib ng lalaking nasa harap niya saka inilabas ang puso nito.

The Vampire's Fangs 1&2(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon