Chapter 6

5.3K 160 1
                                    

Someone's POV


"Why the heck are you following me?!!?" inis na hinarap ni Misaki si Sky na cool lang ang aura. Nakapamulsa ang isang kamay habang ang isa ay kumakaway sa mga babaeng bumabati sa kanya. Such a jerk.


Napatingin si Sky kay Misaki at saka inosenteng tinignan ito. "Huh?" nagtatakhang tanong niya. Busy sa pagpapapansin sa mga babae eh. -___-


"You jerk!!!" lumapit si Misaki kay Sky at pinamaywangan ito. "Bakit mo ba ako sinusundan huh?!" medyo napalakas ang pagkakasabi ni Misaki kaya halos lahat na ay nanunuod sa kanila. Napakamot sa batok si Sky. Inis padin kasi siya kay Sky dahil sa pagiging conceited nito.


Aba, matapos ba namang makakuha ng dugo sa kanya at maghilom ang sugat niya bumalik nanaman sa pagiging jerk, ni wala manlang thank you o ano. Kung di kaba naman mainis diba? Kaya nga ayaw na ayaw ni Misaki na nakabuntot ito o malapit sa kanya dahil naiinis lang siya.


"Sinusundan? Papunta akong cafeteria." napanganga si Misaki sa sinabi ni Sky. Dun din kasi ang punta niya, ibig sabihin... "Tara na nga." tinapik niya ito sa ulo saka umalis.


Napatingin si Misaki sa paligid at lahat nakatingin sa kanya. Yung tingin na sinasabing 'feeling' siya. Lalo tuloy nakaramdam ng inis si Misaki. 'Bwisit ka Usui!' isip niya.


Tumayo siya ng maayos at ikinompose ang sarili niya saka naglakad paalis sa lugar na yun, dahil baka kung hindi pa siya aalis dun baka makasapak pa siya. Padabog siyang nagtungo sa table ng mga kaibigan niyang masayang nagtatawanan. Lalo tuloy siyang nabwisit. Makatawa kasi sila parang wala ng bukas.


Nang maramdaman ng mga ito ang presensya niya agad agad na nilingon siya ng mga kaibigan.


"Saki!" bati ni Yuki.


"Yow master." si Cess.


Tinanguan naman siya ni Keith saka tumingin na ulit sa phone niya at tinapik siya ni Chanon na umiinom ng mogu mogu nito.


Naupo si Misaki sa tabi ni Yuki.


"Mukhang badmood ka Saki?" usisa ni Yuki. Tinignan lang siya ng masama ni Misaki.


"Whoa! Badtrip nga. Anyare?" parang hindi natinag si Cess sa pagtingin ng masama ni Saki kay Yuki. Imbes pinagtuunan pa nila ng pansin ito.


Napairap naman si Misaki sa inasal ng mga kaibigan. Mausisa kasi talaga ang mga ito pagdating sa kanya. Walang balitang tungkol sa kanya ang hindi nila malalaman. Of course, she's the master, they should know all about her doings.


"Wala!" naalala nanaman niya yung kanina. Mas lalo lang siyang nababadtrip.


"Sows master. Wala daw. Sabihin mo na." uminom ulit si Chanon sa hawak niya mogu mogu. That's her favorite.


The Vampire's Fangs 1&2(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon