Gumagapang na ang kirot mula sa may pwetan patungo sa likod hanggang sa leeg ni Feliz. Sinubukan niyang igalaw-galaw ang buong katawan at saglit siyang nakaramdam ng
ginhawa. Pero madali ring itong nanumbalik nang na estatwa siya muli sa upuan. Napahinga na lang siya ng malalim at binaling ang atensyon sa view.Breathtaking. One word to describe what's in front of her.
Mga bundok na kulay luntian at sa taas nito ay hindi na niya tanaw ang pinakatuktok nito. Ang mga ulap parang humahalik sa mga bundok tuwing napapadaan ito. At malamig ang simoy ng hangin na nadadama niya. Napayakap siya sa sarili. Napapikit at nakalimutan niyang kanina lamang ay iniinda niya ang masakit niyang katawan pero ngayon dumadaloy na ang sariwang hangin at pakiramdam niya lumutang siya sa kawalan.
Ganito ba ang feeling ng patay? She smiled at her crazy thought. Siguro nga mas mabuti pang maging patay dahil wala na akong mararamdamang kirot.
Wish come true.
Almost.
Nabalibag siya sa likod ng sinasakyan niyang truck. Nauntog siya nang malakas at muntik nang mawalan ng malay. Napahawak tuloy siya ng mahigpit sa upuan bago sinapo ang ulo at hinimas niya ito.
Tahimik siyang napamura. Anong nangyari?
Pinagmasdan niya ang tanawin sa labas at hindi pa rin nagpalit ang view. Naroon pa rin ang mga bundok. Kaya lang sa oras na'to hindi na ulap ng langit ang humahalik rito. Kundi ulap ng alikabok. Kaya naubo siya at napatakip sa bibig at ilong. Kinapa niya ang may bintana
para maisara ito pero sadyang wala itong pangsara. Napamura naman siya. This time mas malutong. Tapos mabilis siyang may dinukot sa dalang bag at kumuha ng tela para pang tapik sa bibig at ilong. Napapikit siyang muli pero sa pagkakataong ito pakiramdam niya hindi na siya lumulutang kundi tinatadtad na ang katawan niya. At sigurado siyang malapit na siyang mamatay sa sakit.Napa sign of the cross siya.
It was just a bad joke. Gusto ko naman talaga mabuhay! I don't want to die!
Kung gaano katagal siya sa posisyon niya ay hindi na niya alam. Naramdaman na lang niya
na tumigil ang makina ng truck at huminto na sila. She let the dust settled down before she dared to open her eyes. Dahan-dahan niya itong binuka. Sigurado siya hindi pa sila nakakarating sa patutunguhan nila. Sa katunayan, nasa gitna sila ng daan.Sa likod nila may truck at sa harap ay may jeep. Hindi niya maisip kung bakit nakapako ang mga sasakyan ngayon. May natibag bang bato mula sa bundok? May na aksidente ba? O di kaya'y may nasiraan lang sa gitna ng daan.
Napakamot siya ng ulo bago ginamit niya ang hawak na tela para pamaypay. Kahit gustuhin man niyang makaalis na sila rito ay wala naman siyang magagawa dahil alam niyang iisa lang ang main road patungo sa San Bernardino, Mountain Province.
Nagmamaktol na ang pahenante ng driver. Baka gabihin daw kasi sila sa daan.
She shook her head. Mukhang bad news nga kung gagabihin sila dito sa gitna ng daan. Hindi niya alam kung paano siya makakakain na mabubusog siya dahil dalawang biscuit lang ang dala niya, at kanina ay nakain na niya ang isa. Tapos nangalahati na ang laman ng bottled water niya.
Tantiya ni Feliz malayo layo pa sila sa bahay niya.
Napaigtad siya sa upuan sa inis. Feeling niya ang malas-malas niya ngayon. Paano kanina nasa bus station na siya at nalingat lang siya ng ilang segundo ay nawala na ang wallet niya kaya wala siyang pera ngayon. Pakiramdam niya 'yong babaeng may kargang sanggol ang dumukot nito. Kunwari gusto lang makipagkaibigan. Nilibang siya nito at nang makiusap siya na
bantayan muna ang bag niya dahil pupunta lang siya sa restroom ay mabait naman itong
sumang ayon. 'Yon pala.Ikaw kasi Feliz, tatanga-tanga para kang...Hindi mo man lang naisip na bitbitin ang bag mo sa loob ng banyo? Kung magtagpo kami muli nang babaeng 'yon. Patay siya sa akin.
That time, akala niya hindi na siya makakauwi.
Mabuti na lang may awa pa ang langit dahil sakto naman na napadaan ang truck habang nakatayo siya sa may highway at namukhaan siya ng driver. Kaibigan ito ng papa niya kaya pumayag itong pasakayin siya ng libre. Kahit hindi masyadong comfortable ang naging biyahe ay tinitiis niya. Maganda na sana ang ending, naka libre na siya ng sakay kundi lang stranded sila ngayon.
Bakit nga ba?
Parang giraffe niyang hinila ang leeg para makita kung ano ang nasa unahan pero hindi niya matanaw nang mabuti. Ang kita niya lang may jeep sa harap nila at ang ibang pasahero ay nagbabaan rito. Bumaba ang driver nila at nang makabalik ito ay umiiling-iling ito. Sabi nito may nagbanggaan sa unahan at sa kasamaang palad ay may dalawang sasakyan ang nahulog sa bangin.
Nanginig si Feliz, kabisado niya ang bangin rito, hindi ito ganun ka lalim pero mabato rito kaya tiyak niyang seryoso ang lagay ng mga nakasakay. Out of curiosity gusto sana niyang lumabas
para makiusisa pero may pumipigil sa kanya. At kung ano o sino ay nagpapasalamat siya dito
kasi baka manumbalik naman ang mga alaala na nangyari sa kanya noong bata pa siya.Napahawak siya sa may dibdib nang makaramdam siya ng pagsikip nito. Pinikit niya ang mga mata at huminga ng malalim.
Narinig niya ang boses ng driver at kasamahan nito na parang kinakausap siya. Pero hindi siya
umimik. Sa halip, pilit niyang winawaksi sa isipan ang aksidenteng naganap.She forced herself to sleep. Sa tingin niya ito lang ang paraan to distract herself.
Hindi niya masabi kung nakatulog ba siya o nakapikit lang. Ang naalala lang niya ay dinilat niya ang mga mata nang muling umandar ang makina ng truck.
Napatitig siya sa labas ng truck, nag-aagaw na ang dilim at liwanag. Nang mapadaan sila kung saan sinasabi na naganap ang aksidente ay mabilis niyang pinikit ang kanyang mga mata. Ayaw niyang masaksihan ang naging trahedya.
Iniisip na lang niya na sana makarating siyang ligtas sa tahanan niya.
BINABASA MO ANG
Hilamos, eye of death (completed)
HorrorNasubukan mo na bang maghilamos? Hindi ito ang hilamos na iniisip mo. Ito ang HILAMOS, isang paniniwala ng mga matatanda, mga kwento na pinagpasa pasa hanggang sa unti-unting nakalimutan na ng mga kabataan. Even you have never heard of it. Kahit...