"Ara," pabulong na tawag ni Gilo noong pumasok siya sa bahay na tinutuluyan nila.
Walang sumagot.
Sa katunayan, tahimik ang buong paligid. Aakalain ni Gilo na walang tao ngayon kundi lang sa pinto na naiwang bukas pagdating niya. Naisip ni Gilo na narito na si Feliz, mukhang nagmamadali kaya hindi nito na isara ang pinto.
Nasaan ka na? Nasaan na kayo?
Kailangan na niya silang makita bago siya maunahan ni Feliz.
Inulit niya ang pagtawag ng pangalan niya, this time mas malakas pero wala pa ring tumugon.
Dito na niya naisip magtungo sa kwarto nito. Noong tinulak niya pabukas ang pinto ay tumambad sa kanya ang dalawang magkahiwalay na kama. Nakatupi ang kumot na nakapatong sa taas ng unan. Tapos ang bintana ay nakasara kaya maliban sa ilaw na nagmumula sa bukas na pinto ay medyo madilim sa loob.
Naisip niya na baka nagtatago sina Ara at Clea sa kwarto nila ngayon. Kaya hinalughog niya ang bawat sulok na maaring pagtaguan nila. Tapos dumiretso siya sa banyo.
Subalit wala sila rito.
Nagsimula na siyang kabahan. Kung may time pa lang siya baka dumaan siya sa kusina at uminom ng tubig pero nagmamadali siya.
He couldn't afford to waste time.
Kaya binalak niyang puntahan ang second floor. Alam niya ang bilin ni Mossi na huwag pumanik dito pero hindi ito ang oras na sundin ito.
Then he heard a noise--- nagmula sa kwarto niya. Katabi lang ito ng kwarto nina Ara at Clea.
Pinagpawisan si Gilo, hindi niya alam kung dahil pa rin ito sa pagtakbo niya o dahil kinakabahan siya.
Maingat niyang pinihit ang doorknob ng kwarto niya. Nang muntik na siyang mapasigaw nang biglang sumalubong si Ara sa kanya.
"It's okay, ako lang 'to," si Ara, may nginig sa boses nito.
"Ikaw lang ba?"
Bago siya sumagot ay ni lock niya ang pinto. "No, si Clea nasa ilalim ng kama." Sabay turo sa ilalim ng kama, pero hindi natanaw ni Gilo si Clea dahil parang sinadyang hilain pababa ang bedsheet. Nevertheless, he's glad they're both safe and together.
"Wait," he said. "Nasaan sina Gabby at Jun?"
"I don't know...basta kinatok nila ang pinto ng kwarto namin...ang sabi nila magtago kami dahil nandito si Feliz. Kaya naisipan namin na dito kami sa kwarto mo dahil feeling ko lang mas safe kami dito."
He agreed that they're safer here. Pero kailangan niyang mahanap ang dalawa pa nilang kasamahan.
"Hahanapin ko sila," sabi ni Gilo.
"Huwag ka ng lumabas. Dito ka na lang. Kaya na nilang dalawa ang sarili nila."
Gusto niyang sumang-ayon rito pero dahil sa natuklasan niya kanina ay kailangan niyang malayo ang dalawa kay Feliz. Dahil paano kung makita sila ni Feliz? Gagamitan na naman sila nito ng hilamos at kung ano naman ang sasabihin nito.
Hindi siya naniniwala sa hilamos. Dahil ilang paranormal books about tradition, culture at history na ang nabasa niya ay hindi pa siya nakakabasa ng hilamos, isang sinaunang paniniwala na kung gusto mo malaman kung patay ang isang tao ay maghilamos ka pero walang tubig na gamit.
"Isang kalokohan," he said loudly.
"Ang ano?"
"Later mag-usap tayo... basta dito lang kayo."
"Mag-ingat ka..." Nahinto si Ara bago napatitig sa may pintuan.
May kumakatok rito.
Sumenyas si Gilo na manahimik sila. Hindi niya tiyak kung sino ang nasa labas at wala rin siyang balak na magtanong kung sino ito. Kaya pinili nilang makiramdam sa labas.
BINABASA MO ANG
Hilamos, eye of death (completed)
HorrorNasubukan mo na bang maghilamos? Hindi ito ang hilamos na iniisip mo. Ito ang HILAMOS, isang paniniwala ng mga matatanda, mga kwento na pinagpasa pasa hanggang sa unti-unting nakalimutan na ng mga kabataan. Even you have never heard of it. Kahit...