"Haaaaah" sigaw ni Gilo, nagising siya na tadtad ng pahis na parang nag marathon siya. Naupo siya sa kama niya habang hinahabol ang hininga niya. Nang kumalma siya ay mabilis siyang tumindig at hinubad ang pang-itaas bago pinahid ito sa katawan niya. Tapos nagpalit siya ng bagong t-shirt.
Naupo siya sa kama at napailing. It's best to to forget about his dream---no--- it's a nightmare. Kaya muli siyang tumindig at sumilip sa bintana niya, nakatapat iyon sa may garden ng bahay na tinutuluyan nila.
Inangat niya ang bintana at natanaw niya si Feliz. Nakatalikod ito, payat at katamtaman lang ang height, habang nakalugay ang mahabang buhok nito na bumabagsak sa may bewang. Mukhang abala nitong tinititigan ang mga bulaklak. Bago na estatwa ito at parang may kinakausap.
Tiyak ni Gilo na wala doon si Mossi. Kaya sino ang kinakausap nito?
"She's so weird," he whispered. Isasara na sana niya ang kurtina nang humarap si Feliz sa kanya subalit malayo ang titig ng mga mata nito. Pero feeling ni Gilo sa kanya ito nakakatitig kaya agad niyang sinara ang bintana.
Dito na niya napagpasyahan na lumabas ng kwarto upang makainom ng tubig. Pagkatapos ay naupo lang siya sa table counter sa kusina at maiging sinuri ang kabuohan ng kusina. It's a typical kitchen, may lumang refrigerator na natutuklap na ang grey na pinta nito, may gas range, oven at lababo.
Natapos na siyang uminom ng tubig at hinugasan niya ang baso nang biglang bumukas ang pinto mula sa porch, ito ang papuntang garden sa likod. Kaya napaigtad siya, dumulas ang baso sa kamay niya at bumagsak ito sa lababo, mabuti at plastic ito kaya hindi nabasag.
"Gilo, okay ka lang?" si Mossi.
"Kayo po pala Aling Mossi akala ko si..." he stopped. "Never mind." Tapos muli niyang hinugasan ang baso.
"Naglunch ka na ba?" tanong ni Mossi.
"Hindi pa. Siguro..." Biglang niyang naalala na hindi nga pala sila nakapamalengke, mga canned goods, biscuit at instant noodles lang nadala nila. "Hindi pala kami nakapamalengke."
"Ganun ba, mabuti pa kumain ka na lang muna sa ulam namin."
"Okay lang po ba?"
"Syempre naman. Bakit hindi?" Lumapit si Mossi sa mga kaldero. May kanin rito at tinolang isda. "Ito na pagsaluhan natin. Kumuha ka na ng plato mo."
Ginawa ito ni Gilo at hindi na nahiyang kumain. Medyo mainit pa ang tinolang isda kaya lang medyo kulang ito sa asin. Pero sapat lang iyon sa kanya dahil ang mahalaga ay nakahigop siya ng sabaw.
"Kayo po ba nagluto nito?"
"Hindi. Si Feliz."
Muntik na siyang mabilaukan. Kanina lamang ay palihim niya itong pinagmamasadan sa garden. He almost felt guilty na napadami ang kinuha niyang ulam nang hindi nagpapaalam sa nagluto nito.
"Okay lang ba sa kanya na kainin ko ito?" aniya.
Nangiti si Mossi. "Okay lang, culinary graduate iyan kaya masarap magluto. Medyo matabang ang sabaw ngayon dahil high blood ako."
Nakikita ni Gilo na proud ito sa mga sinabi niya. Dito niya napagtanto na matagal na rito si Mossi at matagal na nitong kakilala si Feliz.
"Kamusta na pala si Ate Feliz?" Hindi na niya napigilang hindi mag-usisa. "Napansin ko kasi na may mga sugat at pasa siya kaninang umaga."
Bumaba ang balikat ni Mossi, kaya napatigil sa pagsubo si Gilo, nagsisisi tuloy siya kung bakit niya ito tinanong. Dapat hindi na siya nakikialam sa pribadong buhay ng mga may-ari ng bahay.
"I'm sorry po, okay lang..."
"Hindi Gilo. Wala kang sinabing masama. Naala ko lang ang mga nangyari kay Feliz...pero nakaraan na iyon." She took a deep breath "Okay na siya ngayon. Iyong sugat at pasa, nakuha niya noong madilim at nadulas siya. At dahil nahulog siya sa kama."
BINABASA MO ANG
Hilamos, eye of death (completed)
HorrorNasubukan mo na bang maghilamos? Hindi ito ang hilamos na iniisip mo. Ito ang HILAMOS, isang paniniwala ng mga matatanda, mga kwento na pinagpasa pasa hanggang sa unti-unting nakalimutan na ng mga kabataan. Even you have never heard of it. Kahit...