Sa isang tahimik na daan at malayo sa downtown ng San Bernardino siya binababa ng truck. Gugustuhin man niyang ihatid siya nito sa bahay nila ay alam niyang hindi maari dahil hanggang dito na lang ang usapan nila.Napakamot siya ng ulo habang pinagmamasdan ang paligid niya. Nalilito kasi siya sa kinatatayuan niya. Noon rough road, ngayon cementado na. Ang tanging palatandaan niya lang ang malaking kahoy ng acacia tree.
Dahil noong bata pa siya ay tuwing pauwi na sila galing sa downtown ay alam na agad niya na papalapit na sila sa bahay nila dahil sa acacia tree. At sa likod nito may rough road na patungo sa bahay nila.
Matamis na ngiti ang umukit sa mukha ni Feliz.
Masaya siya na may naaalala pa siya sa lugar na pinagmulan niya. Kaya matulin niyang binaybay ang daan hanggang nakita niya ang acacia tree. Feeling niya siya lang ang nagbago pero hindi ang puno dahil kamukha pa rin ito noong huli niya itong nasilayan.
Nais pa sana niyang titigan ito pero sinakop na ng dilim ang buong paligid niya at hindi pa siya nangangalahati sa kanila. Wala pa siyang dalang flashlight dahil na rin sa inaasahan niya na hindi siya aabutin ng dilim. Pero dahil sa aksidente kanina kaya ginabi na siya ngayon.
Cellphone.
Nabunutan siya ng tinik nang maalala ito. Dinukot niya ito sa bulsa at nagsimulang maglakad. All she had to do is follow the road. That simple.
May tatlong minuto na siyang naglalakad, nagsimula na niyang maramdaman ang
malamig na hangin na bumabalot sa kapaligiran niya. Kung meron lang sana siyang pera mas pinili na niya na matulog sa isang inn pero dahil wala ay ito siya ngayon. Pwede din tumuloy siya sa mga paupahan ng mga magulang niya pero feeling niya sa sobrang tagal na niyang hindi nakauwi rito ay baka hindi sila maniwala na nakabalik na siya. Kaya kailangan niyang makauwi sa bahay na kinalakihan niya. Kaya kailangan niyang magtiis sa malamig na hangin. Iyon nga lang ay feeling niya baka bukas may sipon na siya.Mas binilisan na niya ang paglalakad, hindi alintana ang ilang maliit na butas at ang matutulis na bato. Ang mahalaga makarating na siya sa bahay.
PAK!
Ganun ka bigla.
Kung kanina nakatayo siya ngayon nakahiga na siya sa lupa. Kinapa niya ang kanyang ulo at sinigurado na hindi ito nabiyak.
Ilang beses ba ako mauuntog ngayon?
Umupo siya ng ilang minuto para pakalmahin ang sarili. Sigurado siyang nadulas siya. At kahit madilim alam niyang nakaupo siya sa isang putikan.
Cellphone.
Nabitawan niya ito kaya pilit niyang hinanap kung saan 'yon tumilapon. Dahil madilim napilitan siyang pagapang na kapkapin ito sa paligid.
Inisip na lang niya na parang humahawak siya ng clay sa halip na putik para hindi siya mandiri.
"Yes!"
Kahit paano gumaan ang loob niya. Nahawakan niya ito at mukhang hindi naman nabasag. Ang problema na babad ito sa tubig kaya ayaw nang bumukas.
"Lintik na buhay naman 'to!" Tapos, napasigaw siya dala ng inis. Sa isip niya, sobrang kamalasan na ang inabot niya ngayon. At hindi pa siya nakakarating sa bahay niya sa lagay na'to. Pero wala siyang choice kundi ang magpatuloy. Hindi siya pwedeng bumalik dahil tantiya niya mas malapit na ang bahay nila.
Tumayo siya at naglakad nang paika-ika.
Simple lang ang naisip niya sa lupa lang siya tatapak kasi malamang ito ang daan. Common sense namamatay ang damo pag palaging inaapakan. Pag hindi siya sigurado na lupa pa rin ang inaapakan niya ay kinakapa niya ito sa kanyang kamay.
Ilang minuto naging ganito ang kalagayan ni Feliz. Nang matanaw niya ang ilaw, sigurado na siya na narating na niya ang bahay nila.
Tinakbo na niya ito. Feeling niya sasabog ang dibdib niya dahil sa sobrang excited siya. Kay tagal niyang hindi nasilayan ang pinto ng bahay niya tapos ngayon ilang hakbang na lang ay abot kamay na niya ito.
Humihinggal man ay hindi niya ito pinansin sa halip isang malakas na katok ang mabilis niyang ginawa noong nasa harapan na siya ng pintuan.
A grey haired woman opened the door. Sabay umarko ang kilay nito.
Feliz recognized her immediately and she was about to smile when...
"Eeeeehhhhh!" sumigaw ito like she saw a monster.
Napatalon si Feliz. Anong meron? Sino? Saan? Lumingon agad siya sa kanyang likuran. Habang nakakamao ang mga kamay.
Empty. Dark. Cold. Nothing.
Humarap siya muli na nakagusot ang noo. "Aling Mossi. Ako. Ito si Feliz," she tried to explain.
Muling umarko ang kilay ni Aling Mossi, tinitigan siya mula ulo hanggang paa. "Ikaw si..."
"Si Feliz!"
Mabilis 'tong napailing. "Patay na si Feliz!"
Bumilog ang mga mata niya. "Hindi! Buhay ako! Ako ito!"
Hindi nakasagot si Aling Mossi parang hinihimay ang mga sinabi niya.
"Ako si Feliz! Buhay ako!" mas malakas ang boses niya.
"Feliz, ikaw ba talaga 'yan?"
She nodded violently.
Nakasimangot si Aling Mossi, sarkastiko itong tumawa. Before she slammed the door on her face.
Sa lakas nito muntik siyang mabingi at mapaluhod.
"Aling Mossi! No!!" sigaw niya. "Ako ito, si Feliz! Ang alaga mo noon!" Pilit niyang paliwanag. Paikot-ikot siya sa bahay, nagsisigaw like a mad woman. Subalit nanatiling close ang pinto. Tired and defeated naupo siya sa gilid malapit sa pinto. At hindi sadyang napaiyak siya.
Ang layo nang pinaggalingan ko para sa wala. Bwisit na buhay 'to!
She shook her head in disbelief. Pinunasan niya ang mga luha. Luha at putik ang bumungad sa palad niya. Dali-dali niyang kinuha ang compact powder na may salamin at tinigan ang sarili. Napatawa siya bigla, now it was clear to her why she wasn't recognized. Sa katunayan, walang tao ang mag-iisip na matino siya. She was covered with mud. In addition, nangangamoy siya dala ng pawis at mabahong putik.
Mukha siyang aswang na naghahanap ng mabibiktima. Hindi siya mukhang si Feliz.
BINABASA MO ANG
Hilamos, eye of death (completed)
HorrorNasubukan mo na bang maghilamos? Hindi ito ang hilamos na iniisip mo. Ito ang HILAMOS, isang paniniwala ng mga matatanda, mga kwento na pinagpasa pasa hanggang sa unti-unting nakalimutan na ng mga kabataan. Even you have never heard of it. Kahit...