Chapter 26

334 16 0
                                    

Kanina pa naririnig ni Mossi ang katok galing sa pinto niya, but she completely ignored it. Mas importante sa kanya matapos niya ang pagdadasal. Kailangan niya ito lalo na sa binunyag ni Gilo sa kanya.

Patay na si Feliz.

"Diyos na maawain, tulungan ninyo si Feliz na matanggap niyang patay na siya. Huwag ninyo siyang pabayaan na gumala sa mundo ng mga buhay. Sunduin na ninyo siya upang makapahinga na siya, gabayahan ninyo at higit sa lahat, patawarin ninyo siya sa lahat ng mga kakulangan at kalabisan niya. Mabuti pong tao si Feliz, alam kong maraming pagkataon na pinaiyak, pinag-alala at ginalit niya ako pero mas higit po ang binigay niyang kasiyahan sa buhay ko. Patawarin din ninyo ako kung may pagkukulang ako sa pag-gabay sa kanya noong lumalaki siya. Kung sana hindi naging huli ang lahat para sa amin, ganun pa man nagpapasalamat ako na nakapiling ko siya kahit ilang araw lang..."

"Aling Mossi..." tawag ni Feliz sa labas ng pinto, "alam kong gising ka."

Napalingon si Mossi sa direksyon ng boses nito.

"Alam kong hindi ka natutulog pagkatapos mo mag-almusal, maliban na lang kong masama ang pakiramdam mo. May sakit ka ba?"

Nangiti si Mossi. Unang beses niyang na feel na concern ito. Biglang bumagsak ang ekspresyon niya. Alam niya na babalik ang dating Felizia, sayang lang at hindi na sila magkakasama.

Dito na pumatak ang luha niya. Pinabayaan niyang mag-unahan sa pagpatak ang mga luha niya. Hanggang sa mabasa na ang pisngi niya subalit hindi pa rin siya nagpapahid ng mukha niya.

The last time she felt so much pain, ay iyong namatay ang mga magulang ni Feliz sa aksidente noong eight years old pa lang ito at noong nabalitaan niyang namatay si Feliz dahil nabaril ito.

Ngayon, pakiramdam niya ay parang ginapos ng kadena ang puso niya---mabigat at nahihirapan siyang huminga.

"Aling Mossi, buksan mo ang pinto. May sasabihin ako sa inyo, importante."

Tinapos na ni Mossi ang pagdarasal niya. Nagpahid ng luha at inayos ang sarili, tapos ay nagtungo na siya sa pinto.

"Feliz?" pilit niyang tinuwid ang boses niya, ayaw niyang mahalata nito na kagagaling lang niyang umiyak. "Ano iyong sasabihin mo?"

Pumasok si Feliz bago sinara ang pinto.

"Kagabi narinig ko naman iyong ingay," pauna ni Feliz.

Narinig din ito ni Mossi.

"Alam ko na kung ano iyon. Na confirm ko na kagabi."

"Diba iyong mga guest lang iyon?" Pero alam na ni Mossi na si Feliz iyon, tuwing gabi ay naglalakad ito sa taas na parang may hinahanap kaya nag-iingay ito. Alam na niya kung bakit ito ginagawa ni Feliz dahil hindi pa nito alam na patay na siya. Hinahanap nito ang sagot kung bakit siya bumalik rito sa bahay niya.

"Sina Ara iyon at kasamahan niya," may pagkairita sa boses ni Feliz. "Galing sila sa Arcello House, tapos natakot sila noong nakita nila ako na para bang nakakita sila ng multo."

Napalunok si Mossi.

"Tanging si Gilo lang ang hindi natakot sa akin kaya sabay kaming umuwi dito. Hindi rin ako nakatulog dahil nga ang ingay nila. Sumilip ako at nakita ko sila na parang naglalaro ng hide and seek."

"Uuwi na sila bukas kaya magiging tahimik na tayo rito," sabi ni Mossi kahit alam niyang hindi ito totoo.

"Iyong unang beses silang pumanik dito ay tiningnan ko ang labas ng kwarto ko pero wala akong nakita kaya pumunta ako sa kabilang kwarto iyong maraming cabinet dahil may ingay doon. Nakita ko doon si Ara! Naramdaman ko lang na may kakaiba sa kanya kaya..."

Hilamos, eye of death (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon