Nagpakita na ang haring araw, bumabati sa lahat ng isang magandang umaga. Kasabay nito ang sariwa at malamig na hangin na bumalot sa San Bernardino.
"Lamig!" sigaw ni Ara. Bago ito lumapit sa puti na van na sinakyan nilang magkaibigan. "Guys, tulog pa ba kayo?" Sabay bukas sa van.
"Ara, anong oras na ba?" si Clea, kababata at best friend niya.
"It's time to wake up, mamimiss ninyo ang sunshine. "
"We have a whole day for that," si Gabby, ang boyfriend ni Clea. Humihikab pa'to sabay tulog muli. Pero pinalo ito ni Clea sa may pwetan. "Fine, gising na ako." Tapos tinapunan niya ng tingin si Jun na nasa likuran na mahimbing pang natutulog, sadyang malalim kung matulog ito tulad nang abutan sila ng bagyo sa gitna ng dagat ay tulog pa rin ito. Kaya niyugyog ito ng malakas ni Gabby hanggang sa ito'y magising.
"Ayon!" turo ni Ara. "May eatery doon! Mukhang kanina pa sila bukas kaya perfect sa atin doon magbreakfast."
"Okay, mag prepare muna tayo," sabi ni Clea.
Matapos ang ilang minuto ay handa na sila matapos makapagmumog at makapag-ayos sa sarili.
"Let's go! Gutom na ako," deklara ni Jun noong nagising 'to na parang nabuhay ang buong kalamnan nito noong narinig na kakain na sila. Sabay himas sa tiyan.
"Basta pagkain talaga," natatawang wika ni Gabby, "ikaw pa rin ang number 1."
Nagtawanan sila, walang pakialam kung may makarinig. Masyadong maganda ang araw para maging seryoso.
"Number 1 sa tulog at kain," proud na wika ni Jun.
"Hindi maganda ang palaging natutulog dahil pagpatay ka na, matutulog ka din sa walang hanggan. Kaya habang buhay ka pa, mas maigi na iyong gising ka."
Ang boses ay nanggaling sa unahang bahagi ng van.
Bigla silang natahimik.
Dito lumitaw si Gilo. May bitbit itong plastic.
Sabay umismid ang mga mukha nila na parang bad news si Gilo. Maliban kay Ara na sinalubong ito ng ngiti.
"Gilo, kanina ka pa ba gising?" tanong ni Ara. "Hindi kita napansin."
Maigi siyang tinitigan nito bago lumapit sa kinatatayuan nila.
"Ito may limang boiled egg, anim na tinapay, pitong lumpia at apat na pakete ng Milo. Mag-almusal na kayo." Sabay abot nito kay Ara.
Tinanggap ito ni Ara, nangingiti ito ngunit hindi ang iba.
"Wala tayong hot water para sa Milo. Malamig ang tubig natin," protesta ni Clea.
"Oo nga," Gabby agreed. "And I thought, doon tayo sa eatery kakain. Nang makaupo naman tayo ng maayos."
"True, at kailangan ko din magbanyo," saad ni Jun.
"Iyan ang banyo natin." Sabay turo ni Gilo sa paligid nila na nababalot ng mga bagong tubong damo.
Sabay na naiiritang tumawa sina Gabby at Jun. Hindi nila alam kung seryoso ba si Gilo o nagbibiro.
"Ikaw lang kung gusto mo," bato ni Clea na halatang na bwisit. "Babae ako at hindi ako uupo sa damuhan."
Napabuntong hininga si Ara, dahil sira na ang magandang umaga nila. Kanina lamang ay masaya sila. Excited siya sa sunrise at sa pagkain. Kahit nakangiti pa rin ang haring araw ay feeling niya natatakpan na'to ng mga itim na ulap.
Padabog siyang pumasok sa van. Dito na siya tinawag ni Clea na ngayo'y feeling guilty na dahil ang bakasyon na'to ay para kay Ara na kagagaling lang sa isang break-up after two years sila ng boyfriend nito. Bakasyon na rin dahil graduating na sila sa college ngayong pasukan.
"Guys, okay na, dito na tayo sa van kumain," si Clea sabay hila kay Gabby. Sumunod na rin si Jun pero pinanlisikan ng mata muna nito si Gilo.
Pero pagkita ni Jun na handa na ang almusal nila. Saglit niyang nakalimutan na naiinis siya kay Gilo.
"See this is not that bad," sabi ni Clea while smiling. "Just think na para tayong nagpipicnic. Diba ang sarap nun? Kasing sarap ng food na'to!"
Hindi na napigilan ni Ara na mangiti. Bestfriend talaga niya si Clea, she really knew how to make her smile. Kahit sa anong sitwasyon at kondisyon.
"Let's eat!" deklara ni Clea.
"Wait... Gilo pala?" tanong ni Gabby.
"Tapos na'yon kumain," panigurado ni Ara. Alam niya dahil kilalang-kilala niya ang pinsan niyang si Gilo.
Magkapatid ang mga ama nila, magka-edad sila at sabay silang lumaki, at madalas silang naglalaro kasama ang mga kapatid ni Ara. Dahil mag-isang anak si Gilo ay para na din nila itong kapatid. Pero noong nag High School sila medyo lumayo si Ara dito dahil nagsimula itong maging weird. Nagsimula ito noong sumali ito sa isang Paranormal Club sa school. Marami na'tong weird na mga sinasabi tulad ng mga may nakikita at nakakausap itong multo. Naging target ito ng mga bully at dahil ayaw ni Ara maging target din siya ay kusa na siyang lumayo rito. Pag-graduate nila ng High School ay sa ibang University din sila nag-aral, kung hindi pa na kick out si Gilo sa kanyang school ay hindi pa sila magkakasama sa university ngayon. Kaya behind si Gilo ng isang semester unlike kay Ara na graduating na this year.
Muli silang naging close magpinsan pero hindi kasing close noon. Ganun pa rin naman si Gilo, maypagka weird pa rin pero mas tahimik na'to. Miyembro pa rin ito ng Paranormal Club sa school. Sa katunayan, ito ang dahilan kung bakit kasama siya sa bakasyon na'to.
Brokenhearted kasi si Ara at she wanted to take a vacation, at sa suggestion ni Clea naisipan nila pumunta sa San Bernardino sa Mountain Province dahil dito malamig at presko ang simoy ng hangin, at maganda ang view ng mga bundok. Kasama sa itinerary nila ang pagbisita sa cave at maligo sa ilog. Ngunit ang pinakahighlight ng trip na'to ang pagpunta nila sa kilalang haunted house sa San Bernardino na tinawag na Arcello House. Dito na papasok si Gilo, kaya kahit hindi siya feel ng mga friends ni Ara ay they invited him dahil kailangan nila siya. Ito ang gagawin nilang taga tawag sa mga multo sa loob ng haunted house.
BINABASA MO ANG
Hilamos, eye of death (completed)
HorrorNasubukan mo na bang maghilamos? Hindi ito ang hilamos na iniisip mo. Ito ang HILAMOS, isang paniniwala ng mga matatanda, mga kwento na pinagpasa pasa hanggang sa unti-unting nakalimutan na ng mga kabataan. Even you have never heard of it. Kahit...