Chapter 29

325 14 0
                                    

Tagatak na ang pawis ni Gilo noong marating niya ang pinto ng simbahan. Hindi niya ito pinansin, imbis ay dali-dali siyang tumapak sa loob na para bang umuulan sa labas. Ito ang iisipin mo dahil sa hitsura niya--- basa at magulo ang buhok.

Kung gaano ka gulo ang takbo ng utak niya ay kabaliktaran ito sa loob. Tahimik at mapayapa rito. Tanging dalawang tao lang ang nasa loob na nagdadasal.

Pinakalma niya muna ang sarili bago siya naupo sa may likuran.

Kailangan niya mag-ingat dahil alam niyang tumulak rin rito si Feliz sa loob ng simbahan. Kung ano man ang sadya nito ay wala na siyang pakialam. Nandito siya para sa tindera ng kandila.

Umaasa siya na nandito pa 'to sa paligid ng simbahan at papasok ito lalo pa't mas tumindi pa ang sikat ng araw.

Lumipas ang ilang minuto at hindi pa rin niya nakikita ang hinahanap niya. Nakaramdam na siya ng pagkabagot.

Nang tumindig ang babaeng ka linya nang inuupuan niya. 

Dumaan ito sa gilid niya, he didn't waste any time, dahil kundi darating ang tindera ay kailangan niya malaman kung saan ito nakatira. Magbabasakali siya na kilala nito ang tindera.

"Excuse me," he said, "nakita ba ninyo ang tindera ng kandila?"

"Ah... si Tina," sagot nito, "pag ganitong oras magpapalamig muna iyon bago uuwi. Malamang nasa likod 'yon ng simbahan. Nasa garden."

Agad siyang dumiretso sa garden ng simbahan. Umaasa na makikita niya rito si Tina.

Maliit lang ang garden, pero may iba't ibang bulaklak rito at may ilang puno na iniikutan ng bench na gawa sa bato.

Dito natanaw niya na nakaupo si Tina, katabi ang natirang makukulay na mga kandila nito na pinatong sa bench.

"Hello. Kayo po ba si Ate Tina?" tanong ni Gilo paglapit niya rito.

Ngumiti ito, tumambad rito ang isang nawawalang ngipin sa harap.

"Ako si Gilo. Hindi ko alam kung matatandaan mo ako, pero ako iyong bumili sa'yo ng mga kandila."

Hindi nagbago ang ekspresyon nito na parang hindi siya narinig. Kaya inulit niya nang mas malakas ang sinabi niya.

"Ikaw iyon!" Sabay turo ni Tina kay Gilo.

Hindi alam ni Gilo kung tunay na natatandaan siya nito o sinambit lang nito ang gusto niyang marinig. But it didn't matter, mas importante ay nahagilap niya 'to.

Hindi na siya nagpaalam na tatabi siya, pinili na niya na maupo sa tabi nito.

"Ate Tina bago po kayo umuwi, pwede bang mag-usap tayo," siya ang unang nagsalita.

Tumango ito habang nakangiti pa rin.

"Naniniwala po ba kayo na may patay na hindi nila alam na namatay sila?"

Sumeryoso ang mukha nito.

"May kaalaman kasi ako sa paranormal at may isang patay, kaluluwa o multo, ano mang gusto ninyong gamitin. What I'm trying to say is may nakilala akong patay na hanggang ngayon ay akala niya buhay pa siya." Natanaw ni Gilo ang pag-asim ng mukha nito pero wala siyang planong huminto. "Gusto kong malaman kung alam ninyo kung paano ko sasabihin sa kanya na patay na siya at paano ko siya mapapaalis sa mundo ng mga buhay."

"Hindi mo basta-basta napapaalis ang patay na ayaw umalis," tumaas ang boses ni Tina.

"Pero ginugulo niya ang pinsan ko."

Napaisip ng malalim ang tindera, ilang minuto ito nakatitig sa mga bulaklak sa harapan nila. Akala nga ni Gilo nakatulog ito na nakadilat ang mga mata.

Pero gumalaw 'to. "Kung ganun... kailangan na siyang umalis. Iho, tama lang na lumapit ka sa akin dahil kunti lang, mabibilang mo lang sa mga daliri mo ang naniniwala sa patay na namumuhay nang hindi niya alam na patay na siya. Isa ako sa mga naniniwala. Alam mo bakit?"

Napailing si Gilo.

"Dahil nangyari na'to sa akin noong ka edad kita," sagot nito.

Bumilog ang mga mata ni Gilo.

"May mga patay na namumuhay na kasama tayo..." Nahinto 'to at nakatitig na lang sa mga bulaklak.

"Ate Tina..." kinakabahan ang boses ni Gilo.

Biglang tumaas ang balikat ni Tina. "May sinabi ka, iho?"

"Paano ko mapapaalis ang patay?" direktang bato niya. Baka kasi matulala naman ang tindera, at makalimutan na nag-uusap pa sila ngayon.

Tinaas nito ang kanang kamay. "Ang mga bagay na'to ay hindi dapat minamadali. Kailangan mo muna makatitiyak na patay na ang tinutukoy mo. Hindi pwedeng duda mo lang iyan."

"Pero nakakatiyak ako na patay na siya," he stressed.

"Paano?"

"Noong una, dalawa lang kami nakakakita sa kanya, katagalan nagpapakita na siya sa pinsan ko na nakakatiyak na multo ang nagpapakita sa kanya. Tapos noong pumunta kami sa Arcello House, bumaba siyang habang tinawag ko ang mga multo sa mansyon na iyon. At ngayon alam ko na, na isa siya sa namatay sa aksidente."

"Iyong aksidente na may nahulog sa bangin na truck at van?"

"Opo, iyan nga."

Napakamot ng pisngi si Tina, habang malalim 'tong nag-iisip.

"Ano na po ang gagawin ko?"

"Kung nakakatiyak ka nga ay ang kailangan mong gawin ay dalhin mo siya sa lugar kung saan siya naaksidente."

"Doon sa daan at bangin?"

"Tama. Tulungan mo siyang manumbalik ang mga alala niya. Tapos huwag mong kalimutan magdasal para sa paghakbang niya sa kabilang buhay."

Ngumti si Gilo. Kung kanina ay para siyang napapaso sa init, ay ngayon gumaan na ang paghinga niya. Nakuha na niya ang sagot na kailangan niya.

"Sige iho, umalis ka na. Gawin mo na ang dapat mong gawin."

Malaki ang ngiti ni Tina. Dahil masaya siya na may natulungan siya ngayon, at may mga tao pang naniniwala sa mga patay na patuloy na namumuhay sa mundo ng mga buhay sa kadahilanang hindi pa nila alam na pumanaw na sila.

Ang pinagtataka lang niya kung bakit maraming patay ang narito sa San Bernardino. Hindi naman unang beses na may nahulog na sasakyan sa bangin. Pero bakit ngayon lang sila nagpagala-gala rito?

Napailing siya dahil wala siyang makalap na sagot.

Gaano ba sila kadami na sadyang hinanap pa siya ni Gilo ngayon. At kanina ay si Feliz.


Hilamos, eye of death (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon