Chapter 11

413 20 0
                                    

Nagluluto na si Gilo sa magiging hapunan nila, napagdesisyonan na niya na siya na ang gagawa nito dahil hindi pa rin nakabalik sina Ara at mga kaibigan nito mula sa cave trip nila.

Para sa gabi na'to, naghanda siya ng sinigang na manok, naisip niyang masarap humigop ng mainit na sabaw ngayong gabi.

He actually waited for a while before he started to cook, dahil nais niyang paunahin magluto sina Mossi o Feliz pero noong may isang oras na siyang naghihintay at hindi pa rin sila bumababa sa taas ay nagluto na siya.

Hinihintay na lang niyang kumulo ang manok kaya naupo muna siya sa counter table at naghiwa ng mga gulay.

Bigla siyang natigil nang may kumalabog sa taas, the same sound, noong una silang pumasok sa bahay na'to. Naisip niya si Feliz, baka may ginagawa lang ito sa taas kaya hindi pa nakakababa. Kaya hindi niya ito pinansin. Nagpatuloy lang siya sa pagchop ng mga gulay.

Maya-maya pa nakarinig siya ng mga footsteps na naglalakad sa itaas, mahina lang ito pero dahil luma ang bahay mas maluwag na ang sahig kaya lahat nang gumagalaw sa taas ay maririnig mo sa baba.

He ignored it again. He had visited old homes before, familiar siya sa mga ganitong bagay.

Napatingin siya sa niluluto niya at may lumalabas na usok rito kaya nilagay na niya ang mga gulay. Tapos bumalik siyang umupo at naghintay na naman, this time, inabot niya ang cellphone at naglaro ng games.

May ingay na naman na nahagip ng tenga niya, ito ay parang bumababa sa hagdan, naisip niya baka sina Mossi o si Feliz lang 'to. Baka magluluto na sila.

Tumigil ang tunog... bago muling may ingay na naglalakad, nasa baba na ang mga footsteps, papaunta ito sa direksyon niya.

"Aling Mossi..." he stopped. Walang tao sa harapan niya, tumigil din ang tunog ng mga footsteps. Unang beses niyang kilabutan, naramdaman niyang tumayo ang balahibo niya sa kamay.

Napalunok si Gilo.

Nilapag niya ang kanyang cellphone at naupo siyang nang tuwid at diretso na tumitig sa direskyon kung saan nagmumula ang ingay kanina.

Hindi ito ang first time na nakaranas siya nang ganitong bagay, kaya nga siya nasa paranormal club sa college. Ang hindi lang niya inaasahan ay makakaramdam siya nang ganito dito sa bahay. Hindi pa nga sila pumupunta sa haunted house ay may nararamdaman na siya. He thought that's strange unless na lang may kakaiba sa bahay na'to.

Muling may ingay na narinig si Gilo, but this time, ang niluluto niya, umuusok na'to.

Napamura siya.

Mukhang na overcooked pa yata niya ang mga gulay. Kaya agad niyang tinimplahan at ilang segundo pa ay pinatay na niya ang apoy.

Sabay nang pagtakip niya ay napaigtad siya. Biglang bumukas ang pinto sa likod ng kusina.

"Gilo?" si Mossi

"Aling Mossi, ikaw pala. Magandang gabi sa'yo." Pilit siyang ngumiti.

"Mabuti at nagluto ka na para makakain agad ang mga kasamahan mo pagdating nila."

"Opo, kayo po?"

"Hindi na ako magluluto. Galing ako sa downtown, sa pamangkin ko, at nagdala ako ng makakain namin ni Feliz. Baka gusto mo ng fresh lumpia at pancit?"

"Okay lang Aling Mossi, sapat na'tong niluto ko para sa amin."

Nilapag ni Mossi ang dalang pagkain sa table counter. "Wala pa ba mga kasamahan mo?"

"Wala pa nga. Tanghali na din sila nakaalis kaya expected ko na, na gabi na sila makakabalik."

Tumango si Mossi. "Bukas sumama ka na. Malinaw at malamig ang ilog dito kaya dapat hindi mo ito ma miss."

"Opo." Talagang sasama siya dahil tiyak niya sasama na ang loob ni Ara paghindi siya sumama.  "Ilang oras..."

May ingay na naman na nagmumula sa taas, at first he through he's the only one who could hear it, dahil hindi gumalaw si Mossi. Pero umangat ang ulo nito.

"Si Feliz, gising na ata," sabi ni Mossi.

"I think kanina pa siya gising," aniya. Hindi na niya idenetalye ang mga narinig niya kanina.

"Ganun ba? Bababa na iyon ngayon upang kumain." Kumuha na ito ng plato at naghanda. "Ikaw Gilo, doon na kaya kayo sa mesa kumain, dito lang kami ni Feliz. Kaya maglagay ka na ng mga plato doon."

"Mamaya na lang siguro pagdating nila," sagot ni Gilo.

"Ikaw---"

Isang malakas na kalabog ang nagmula sa itaas, sabay silang napatingala. May sumunod pang tunog, mas mahina ito, tapos biglang tumahimik.

"Ano iyon?" tanong ni Gilo. "Okay lang ba si Ate Feliz?"

"Okay lang... nag-aayos siguro sa bahay niya." She felt weird saying the last two words, dahil sa tagal nang nawala si Feliz rito ay feeling niya bisita lang ito ngayon.

"Aling Mossi. Bakit?"

"Wala. Hindi lang ako nasanay na may kasama sa bahay na'to.  Maliban sa mga guest na tulad mo."

"I see," he said, " hindi ka ba natatakot mag-isa? Paano kung walang nag booked dito. Ikaw lang po."

"Masasanay ka din." She smiled gently.

"Actually po, ako din gusto ko din ako lang mag-isa, only child kasi din, pero hindi din ako titira sa ganito ka laki na bahay. Ilan ba ang kwarto rito?"

"Apat sa baba, iyong dalawa ay dating isang kwarto lang iyan, guest room, pinahati ko lang sa dalawa para magamit ng mga guest. Tapos iyon dalawa housekeeper's room na pina renovate ko lang para maging guest room din."

"Sa taas po?"

"Kunti lang naman, dating kwarto lang ng mga magulang ni Feliz."

Hindi na niya pinilit kung ilan. "Si Ate Feliz, one and only child ba siya?"

"Oo, tulad mo," may lungkot sa boses nito.

"May nangyari po ba rito sa bahay na'to?" Ito ang naisip niya dahil sa boses nito at dahil na rin sa kakaibang naramdaman niya rito.

"Bakit mo iyan nasabi?"

"Wala naman po."

Nangiti ito. "Mabuti naman kung ganun, paano maiwan muna kita, mukhang walang plano bumaba si Feliz. Tawagin ko na lang muna."

Hindi siya naniniwala na walang nangyari rito na kakaiba, iba ang hinala niya at hindi pa siya nagkakamali. Simula pa lang noong dumating sila sa bahay na'to ay may kakaiba na rito. Naalala niya noong una niyang masilayan si Feliz sa bintana, may kakaibang lungkot ang mga mata nito, parang palaging blangko ito. Ang kutob niya may kaugnayan rito ang mga magulang ni Feliz. Ano kaya nangyari sa mga magulang nito sa bahay na'to? Hindi kaya dito sila namatay? Paano sila namatay?

Mukhang hindi lang pala ang Arcello ang haunted house. Feeling ni Gilo kasali na ang lumang bahay na tinitirhan nila ngayon.

The only way to confirm this, ay kung makakita siya ng multo rito. Maingat na umangat ang mga mata niya sa second floor. Feeling niya, sa taas niya ito makikita.








Hilamos, eye of death (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon