"Kain ka lang, bawal mahiya," natatawang paalala ni Janice, ang pamangkin ni Aling Mossi na nakausap nila noong nag booked sila ng stay sa bahay ni Feliz.
Kahit hindi ito sabihin ni Janice ay talagang kakain si Gilo ng marami dahil kagabi ay hindi na siya nakapagdinner, dahil noong hinatid niya si Ara sa kwarto nito ay dumiretso na rin siya sa kwarto niya upang magpahinga dahil alam niya ngayong araw ay marami siyang dapat alamin.
"Tiya Mossi, mabuti at nakabalik ka na," si Janice.
Maagang nagsimba si Mossi bago namalengke ito. May bitbit na itong basket na puno ng mga isda, gulay at prutas.
"Hatiin mo na lang iyan, para sa'yo at sa amin," utos nito kay Janice noong inilapag ang mga pinamili sa mesa kung saan kumakain si Gilo.
"Ang dami naman nito. Ikaw ba namamalengke para kina Gilo?"
"Hindi. Si Gilo ang namalengke para sa kanila. Amin lang 'to."
Napaismid si Janice.
"Ay oo nga pala," natatawang wika ni Mossi. "Hindi ko pala nasabi sa'yo na bumalik na si Feliz."
"Ano? Kailan? Bakit hindi ko pa siya nakikita?"
"Three nights ago, halos magkasabay lang sila nina Gilo."
"Sure ka, Tiya?"
"Ano ba iyang tuno nang pananalita mo, Janice? Hindi ako nagbibiro. Tanungin mo pa si Gilo."
Uminom muna ng tubig si Gilo. "Tama iyan Ate Janice, nakita ko na si Ate Feliz."
Muling napaismid ito. "Akala ko ba patay na 'yon?"
Napasign of the cross si Mossi.
"Diba nabaril daw iyon?"
"Hindi. Ibang tao 'yon... mahabang kwento, kung gusto mo dumalaw ka sa bahay nang makita mo naman si Feliz." Tumalikod na si Mossi upang pumunta sa lababo.
"May balita po ba na nabaril si Ate Feliz?" usisa ni Gilo.
"Oo... na tsugi nga raw, biruin mo buhay pa pala." Napailing ito na parang nanghihinayang na buhay pa si Feliz.
Sa tingin ni Gilo hindi close ang dalawa dahil mukhang hindi ito masaya sa balita ni Mossi. Naisip ni Gilo na baka maldita si Feliz dahil lumaki ito na walang mga magulang na maagang namatay.
Nagdikit ang labi niya. Kailangan niya malaman kung paano namatay ang mga magulang ni Feliz at kung sino ang babae na nagpapakita kay Ara.
"Gilo, tapos ka na bang kumain?" tanong ni Janice.
"Tapos na, huhugasan ko na lang 'tong kinainan ko."
Nang hinayaan siya ni Janice ay pumunta siya sa lababo kung saan abala si Mossi sa paglilinis ng mga isda.
Chance na niya upang magtanong pero maririnig siya ni Janice. It was better if no one could hear them. Kaya maghihintay siya kung saan sila na lang dalawa.
Isang oras din nanatili si Gilo sa bahay ni Janice noong nakapagdesisyon si Mossi na bumalik na sa bahay nila Feliz.
Sumakay sila ng tricycle. Binabaybay na nila ang daan pauwi nang may makita si Gilo na isang familiar na figura. Ito iyong matandang babae na nakausap niya sa park noong sinundo niya si Feliz sa simbahan.
Nang madaanan na nila ito ay agad niya itong nilingon.
"Ate..." sigaw niya.
"Sino ba iyan?" tanong ni Mossi.
"Iyong babaeng tindera."
"Ah si Tina, tindera ng kandila sa labas ng simbahan. Pauwi na din iyan sa kanila, talagang naglalakad lang iyan."
BINABASA MO ANG
Hilamos, eye of death (completed)
HorrorNasubukan mo na bang maghilamos? Hindi ito ang hilamos na iniisip mo. Ito ang HILAMOS, isang paniniwala ng mga matatanda, mga kwento na pinagpasa pasa hanggang sa unti-unting nakalimutan na ng mga kabataan. Even you have never heard of it. Kahit...