"Mabuti at hindi mo nakalimutan," sabi ni Ara kay Gilo.
"Ikaw ang muntik makalimot."
"My bad... tagal mo kasi."
"Nag-usap pa kami ni Aling Mossi."
Sumeryoso ang mukha ni Ara.
"Gusto mo maupo muna tayo." He directed her to the kitchen's table.
Walang kagamitan rito na pagkain o pangluto kahit ang tubig ay hindi na pumapatak. Pero ang mga silya rito ay matibay pa, kailangan mo nga lang pagpagan dahil na occupy na'to ng alikabok.
Naupo silang dalawa.
"Ano kakausapin mo na si Louisa? Malalam ko na ba kung bakit siya nagpapakita sa akin?" direktang tanong ni Ara.
"Hindi siya."
"Ano? Paano mo iyan nasabi. I thought kakausapin mo siya?" may pagtatampo sa boses niya.
"Makinig ka Ara, kanina noong pumasok tayo sa loob ay pinakiramdaman ko ang bahay na'to. Ang kaluluwa ni Louisa ay narito lang. Hindi siya umaalis rito."
"Hindi. Kausapin mo siya. Kung ayaw mo ngayon ay mamaya kakausapin mo din naman siya. Ako na mismo ang magtatanong sa kanya. Wala na akong pakialam kung pagtatawanan nila ako at aakalaing baliw. I need some answer for my peace of mind."
Napailing si Gilo.
"Hindi mo ako mapipigilan."
Totoo ngang hindi niya ito kayang pigilan maliban na lang kung sasabihin niya ang mga nararamdaman niya ngayon.
"Ara, this might be hard to believe pero nandito si Louisa ngayon."
Napalingon si Ara sa likuran niya habang inilawan ang paligid.
"Ara, hindi mo siya makikita ngayon... hindi ko nga siya nakikita pero nararamdaman ko nandito siya."
"Saan?"
"Dito."
"Sa tabi natin?"
"Sa likod ko."
Agad inilawan ni Ara ang likod ni Gilo, malapit iyon sa lababo.
"Wala naman diyan."
"She's here and she has never left this house. Hanggang ngayon naghihintay siya na muli silang bumalik---ang pamilya niya."
"Anong ginawa niya rito?" bulong ni Ara
"Dito nagsimula ang lahat, ang knife na pinangsaksak niya, kinuha niya rito sa kusina, tapos noong mapatay niya na lahat sila ay bumalik siya rito para maghugas ng kamay. It was then she realized na pinatay niya ang buong pamilya niya. Kaya nagbigti siya."
Napalunok si Ara dahil parang alam na niya ang kasunod.
"Dito siya nagbigti," sabi ni Gilo.
Sabay silang tumingin sa taas. Sa taas ng mesa ay isang butas sa gitna, may nakalitaw rito na electric wire.
"Dati may ceiling fan diyan, doon siya nagpatiwakal. Marahil itong mesa ay hindi pa nakatapat sa ceiling fan kundi ang silya ang nakatapat, ito ang ginamit niya upang matali ang lubid sa taas."
Napayakap si Ara sa sarili. Sa mga pelikula lang niya nasasaksihan ang ganitong bagay pero ngayon totoong-totoo 'to.
"Anong kailangan niya sa atin?" tanong ni Ara.
"Wala."
"Kung ganun sino ang nagpapakita sa akin?"
"I don't know... wala akong maramdaman dito. Ara, sure ka ba na multo ang nakikita mo?"
BINABASA MO ANG
Hilamos, eye of death (completed)
HorrorNasubukan mo na bang maghilamos? Hindi ito ang hilamos na iniisip mo. Ito ang HILAMOS, isang paniniwala ng mga matatanda, mga kwento na pinagpasa pasa hanggang sa unti-unting nakalimutan na ng mga kabataan. Even you have never heard of it. Kahit...