Chapter 19

377 16 0
                                    

May dalang inis ang naramdaman ni Ara, she hated it when they changed plan. Dapat kung ano ang pinag-usapan ay iyon na. Dapat hindi sila naglunch sa labas.

"Ara, I think pwede pa tayo magsiesta, before tayo pupunta sa Arcello House," si Clea, habang katabi sila ni Ara sa likod ng van.

Hindi niya sinagot ito dahil sabay tumunog ang cellphone niya. Si Gilo.

Nagtatanong lang 'to kung sabay silang pupunta sa Arcello House.

"Ara, hindi ka ba excited ngayong gabi? tanong ni Clea.

Sinagot niya ang text ni Gilo. Nais din sana niya tanungin kung nakausap na nito si Mossi tungkol sa multo na nagpapakita sa kanya. Pero pinili niyang mamaya na lang niya ito tatanungin pag-uwi nila.

"Ara, si Gilo ba iyan?" tanong ni Clea.

Sino kaya iyong multo na nagpapakita sa akin?

"Hoy Ara!" si Jun.

"Ka text si Gilo," ani Clea.

"Anong sinasabi ninyo?" si Ara nang marinig niya ang pangalan ni Gilo.

Dito na siya pinagtawanan nila.

"What's funny?"

"Wala. Ano ba kasing pinag-usapan ninyo ni Gilo at mukhang seryosong-seryoso ka?" tanong ni Clea.

Bago pa siya makasagot ay sumingit na si Jun. "I think tungkol sa multo."

"Bakit mo naman iyan nasabi?" si Gabby, na siyang nagmamaneho ngayon.

"Diba specialty iyan ni Gilo?" nangingiti na wika ni Jun.

"Naghahanda na para mamaya?" pagkamangha ni Clea.

"Hindi multo ang pinag-usapan namin. Nagtanong lang siya kung babalik tayo. Siyempre nagtaka iyon kasi hindi naman tayo naglunch sa bahay. Kasi naman ayaw ninyo," balik ni Ara.

"Nakakatamad kasi magluto," reklamo ni Clea.

"Naku magluluto pa naman kami ni Jun mamaya, para dalhin natin sa Arcello House," si Gabby.

"Speaking of Arcello House. Ano sa kwento ang pinaniniwalaan ninyo?" bato ni Jun.

"I think she's sick," si Clea.

"I agree," si Gabby.

"Boring! Siyempre, sinapian iyon at ngayon nagmumulto na siya sa haunted house na 'yon."

Napayakap si Clea sa sarili na parang nanlalamig siya. Kung sana katabi lang niya si Gabby para mayakap siya nito para hindi na siya matakot.

"Pinatay niya ang buong pamilya niya. She's evil," seryoso ang boses ni Jun, habang ang mga mata nito ay hindi kumukurap na nakatitig sa direskyon nila sa likod.

"Ano ba Jun! Tinatakot mo sila," saway ni Gabby pero nagpipigil ito na matawa.

"I'm serious, guys," ani Jun, "kaya nga niya nakuhang patayin ang pamilya niya dahil hindi na niya ito nakilala."

"So bakit tayo pupunta doon?" tanong ni Clea.

"Adventure nga diba?" balik ni Jun. "Kaya nga kasama natin si Gilo na may paranormal talent. Nandito rin si Gabby at ako. Kaya relax ka lang. Takot lang ng multo na iyan, baka patayin ko siya ulit."

Nagtawanan sina Gabby at Jun.

"Stop laughing guys, baka marinig kayo," takot na bitiw ni Clea.

"Nasa Arcello House siya," paalala ni Gabby.

"I don't think so. I think she could be anywhere," Clea said.

"Like sa loob ngayon sa van?" tukso ni Jun.

Hilamos, eye of death (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon