Chapter 28

328 14 0
                                    

"Bakit?" tumaas ang kilay ni Feliz noong matanaw niya ang naging ekspresyon nila noong dumating siya sa kinatatayuan nila sa harap ng simbahan, sa ilalim ng malaking puno.

Hindi sila nakasagot. 

Kung pwede lang kumaripas ng takbo ay ginawa na nila. Pero hindi sila nakagalaw, mas umaapaw ang takot na gumapang sa buo nilang katawan.

Hindi sila makapaniwala na kaharap nila ang isang patay.

The dead girl they're just talking about was now right in front of them.

Si Gilo ang unang gumalaw, hindi niya inaasahan makita rito si Feliz. Lalo pa't hindi pa niya nakakausap ang babaeng tindera ng mga kandila. Hindi pa niya alam kung ano ang gagawin niya rito sa ngayon. Alam niya kung sasabihin niya rito ang katotohanan ay hindi ito maniniwala. Kaya kailangan niyang malaman ang dapat gawin upang maniwala ito.

"Ate Feliz, ikaw pala, magsisimba ka ba?" casual na tanong niya.

Hindi ito sumagot, sa halip hinagod nito ng titig ang mga kasamahan ni Gilo. This was the first time, she was seeing them up close and personal.

Binababa niya ang mga mata sa paa ni Ara, the last time nakita niya ito doon sa kwarto ay umangat ang mga paa nito na parang may kakayahan din itong iba tulad ni Gilo. Pero nakapako ang mga paa nito sa lupa, walang kakaiba rito.

Pero malakas pa rin ang kutob niya---she's different.

Ilang beses na niya itong sinundan upang malawan ang sekreto na tinatago nito pero mailap pa rin ang sagot na hinahanap niya.

Napaubo si Ara, hindi siya comfortable kung paano siya titigan ni Feliz na para bang siya ang kriminal na pumatay rito. At hanggang ngayon ay hindi niya alam kung ano ang nagawa niya kung bakit siya ang target nito.

"Feliz... ako si Ara," sabi niya. She didn't mean to introduce herself, but she's starting to get very uncomfortable. "Nagkita na tayo, remember?"

Pinadilatan siya ni Gilo.

Alam niya ang ibig sabihin noon, huwag siyang magpadalos-dalos sa mga pananalita niya lalo pa ang kaharap nila ay isang patay na hindi pa alam na patay na siya.

"Ito ang mga kaibigan ko sina Clea, my bestfriend, her boyfriend si Gabby and lastly that's Jun," she continued.

"Alam ko ikaw si Ara."

Nagkakatitigan sila matapos itong sambitin ni Feliz, the way she said it, na parang matagal na silang magkakilala.

"Ako si Jun, nagkita na rin tayo sa mansyon, remember me too?"

"No, I don't remember you."

Napanguso si Jun, pero pinigilan siya ni Gabby sa kung ano man ang susunod na sasabihin niya. Hudyat na rin ito para kay Gilo na muling magsalita.

"Ate Feliz, mauna na kami, may bibisitahin pa kami," sabi ni Gilo.

"Maiwan ka, gusto kitang makausap," pabagsak na wika ni Feliz.

"Hindi pwede, kasama namin si Gilo," si Ara.

"Tama si Ara," ani Gilo.

"Anong ginagawa mo sa kwarto na maraming cabinet noong pangalawang gabi ninyo?" bato ni Feliz kay Ara na parang hindi narinig ang mga sinambit niya.

"Aalis na kami," paalala ni Clea, sabay abot sa kamay ni Ara.

"Anong ginawa mo doon?" muling bato ni Feliz kay Ara.

"It's okay Clea," sabi ni Ara, noong maramdaman niyang hinila siya nito palayo. "Alam kong dapat hindi kami pumanik. Mali iyon na nag-usisa kami sa taas kaya we apologize. At noong gabi na nakita mo ako ay hinahanap ko si Jun...but I also end up seeing you."

Dumiretso ang titig ni Feliz, nababasa niya ang mga mata nito, hindi ito nagsisinungaling.

"Na una ako sa loob ng kwarto, pumasok ako doon kasi may ingay akong narinig. Tapos nakita kitang pumasok," si Feliz.

"Hindi kita nakita sa loob, kundi sa labas na..." Naalala nga ni Ara na may parang naramdaman siyang kakaiba sa oras na iyon na parang may kasama siya sa loob. Ngayon alam na niya na si Feliz ito.

Nagusot ang noo ni Feliz. Naalala niya nang may naramdam siyang kasama sa loob kaya napagapang siya sa ilalim ng kama bago nagkubli sa likod ng cabinet.

Dito nakita niya si Ara.

Simula noong hindi na siya nawaglit sa isipan niya, parang may kakaiba kasi rito. At dahil siya lang ang nakita niya ay siya rin lang ang sinundan niya. Pero ngayon, napagdugtong na niya na all those times kasama ni Ara sa second floor ang mga kaibigan niya.

"Sila iyong nasa sala, hindi iyon si Ara lang," she whispered to herself.

"Ate Feliz, mauna na kami," pagputol ni Gilo.

This time, hindi sila pinigilan ni Feliz. Sa pakiwari niya nasagot na ni Ara ang tanong niya. Hindi na nga niya kailangan si Gilo.

Naisipan niyang magtungo sa likod ng simabahan sa may garden.

"My gosh!" sabi ni Clea. "Did we just talk to a ghost!?"

"Ganun na nga," si Gabby." But I feel bad for her, hindi pa niya alam na patay na siya. She acted so normal, so alive."

"I know right?! Pero nakakatakot pa rin isipin na may mga patay palang nakikisalamuha sa mga buhay," ani Clea, bago napayakap ito sa sarili niya.

"At hindi talaga natin malalaman kundi sinabi ni Gilo," si Gabby.

"Kailangan sa kanya ilubong na sa hukay, para hindi na bumangong at mamuhay kasama ng mga buhay," may galit sa boses ni Jun.

"Kaya kailangan na niyang malaman... kailangan ko bumalik sa simbahan," sabi ni Gilo.

"Pero kakain pa tayo ng lunch," sabi ni Clea.

"Mauna na kayo, magkita na lang tayo sa museo," sagot ni Gilo. "She has to know the truth today. Kaya I need to go back..."

Bago umalis si Gilo ay tinitigan niya muna si Ara, kanina pa ito tahimik, nababasa niya ito tulad ng isang libro, gumugulo sa isipan nito ang naging pag-uusap nila ni Feliz kanina.

Kaya hinila niya si Ara palayo sa mga kaibigan nito.

"Ara, magiging okay din ang lahat."

"I know... pero bakit parang may alam siya sa akin?"

"You're overthinking."

She shook her head. Alam niyang tama siya. There was something abouth that moment when they first saw each other. Hindi lang niya malaman kung ano. Pero naalala niya simula noong nakita niya ito sa kwarto ay sinundan na siya nito.

"Gilo, may hinahanap siya sa akin."

"Paano mo iyan nasabi?"

"Basta... alamo mo iyon, hard to explain but you just know, ganyan ang feeling ko. Kaya nga sinusundan niya ako."

"Kung ano man iyan ay matatapos iyan ngayong araw. Kaya maghintay ka lang."

Hindi na siya nagtagal at umalis na siya. Babalik siya sa simbahan dahil kailagan niya makausap ang tindera ng mga kandila.

May 200 hundred meters din ang layo nang inabot nila sa paglalakad kaya naisip niya kung maglalakad siya ay matatagalan siyang makabalik sa simbahan.

Kaya tumakbo na siya.






Hilamos, eye of death (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon