Nagising si Gilo na hinahabol ang hininga. Nanaghinip na naman siya ng masama. Iyong aksidente na nadaanan nila noong papunta rito sa San Bernardino. Nakita na naman niya sa panaghinip ang mga mukha ng mga biktima sa aksidente.
Naliligo sila sa sarili nilang mga dugo, nakadilat pa ang mga mata nang iba at iyong mga katawan nila may ibang tumilapon at may nagkapatong-patong. Para lang silang mga manika na tinapon noong pinagsawaan na.
"Patay silang lahat," bulong ni Gilo bago napaupo sa kama.
Napakumo siya. Iyong isang babaeng biktim sa panaghinip niya parang nakita na niya ito---parang kilala niya ito.
"Sino siya?" Pilit niyang iniisip, kulang na lang pigain niya ang utak niya upang mabigkas niya ang pangalan nito. "Si..." Nasa dulo na'to ng dila niya. "Siya si..."
Napaigtad siya sa kama nang may kumatok sa pinto. Mahina at mabagal na parang ayaw nitong may makarinig na iba.
Nag-ayos muna siya bago binuksan ang pinto. Dito bumungad sa kanya si Ara.
Nagmadali itong pumasok kahit hindi niya ito inimbita sa loob ng kwarto niya. Feeling niya may kailangan ito sa kanya, malakas ang kutob niya, private conversation ito kaya sinara niya ang pintuan.
Tama nga siya dahil wala pa siyang sinasabi ay umupo na si Ara sa gilid ng kama niya. Kaya nilapitan niya ito at tinabihan.
"Gilo, can we talk? Kahit saglit lang," she said.
"About what?"
Sinipat muna nito ang orasan sa pader ng kwarto. "Gilo, kumain ka kaya muna."
Naalala ni Gilo, hindi pa nga pala siya nakakain ng dinner simula noong bumalik sila sa Ilog Tanawan. Dala ng pagod ay natulog siya pagdating nila, ngayon lang siya nagising na alas otso na ng gabi.
"Mamaya na... hindi ako gutom."
Tumango si Ara na parang masaya ito sa naging sagot nito. Napaatras siya sa kinauupuan ni Gilo hanggang nagdikit ang mga tuhod nila. Kailangan niya maramdaman na nandito ito sa tabi niya dahil sa unang beses ay natatakot siya.
"Gilo, kanina sa ilog may nakita ako," diretso niya.
He didn't say anything. Kahit pa may kutob na siya kung ano ang sasabihin nito.
"Iyong babae sa second floor na nakita ko noong pumunta kami sa taas ay nakita ko sa may ilog."
"Sure ka diyan?" He tried to calm his voice, ayaw niya na mag-panic ito. But he felt it was strange---Bakit nagpakita ang multo sa labas ng bahay na'to?
"Sure ako. Siya iyon," diniin ni Ara ang boses niya. "Natitigan ko siya."
"Galit ba siya? Umiiyak? Ano?"
"Wala. Blangko ang mga mata niya parang wala siyang nakikita pero nakatitig siya sa akin." Napayakap si Ara sa sarili, ngayon naniniwala na siya sa multo. Ang babae na 'yon ay multo.
"Kung makikita mo muli ang babae, makikilala mo ba'to?"
"Yes," she whispered.
"Nasa taas siya."
"Ano?" Napaurong si Ara sa kinauupuan nito. "Anong gusto mong gawin natin?"
"Iyong picture. do you remember? Nasa isang kwarto iyon, nasa gitna ng pader na nakaharap sa kama. Sa picture ay may katabi itong lalaki."
"I remember."
"Siya iyong asawa ng lalaking may-ari ng bahay."
Medyo gumaan ang dibdib ni Ara, at least, kilala ito ni Gilo. At mukhang sa pagkasabi nito ay hindi naman ito masama.
BINABASA MO ANG
Hilamos, eye of death (completed)
TerrorNasubukan mo na bang maghilamos? Hindi ito ang hilamos na iniisip mo. Ito ang HILAMOS, isang paniniwala ng mga matatanda, mga kwento na pinagpasa pasa hanggang sa unti-unting nakalimutan na ng mga kabataan. Even you have never heard of it. Kahit...