Chapter 24

333 15 0
                                    

"Ate Feliz?" Hindi makapaniwala si Gilo na siya ang tinutukoy nila Ara at Jun na multo. Tama nga hinala niya. Tama ang panaghinip niya. Dito nakita niya itong patay sa bangin--- si Feliz iyon.

"Ako nga," balik nito habang nakaharang ang kalahating buhok nito sa mukha. "Pwede ba huwag mong ilawan ang mukha ko. Nasisilaw ako."

Kaya agad binaba ni Gilo ang flashlight.

"Bakit ka narito?" tanong ni Gilo.

"Anong klaseng tanong iyan?" naiiritang balik nito. "Apo ako ng may-ari ng mansyon na'to. Sa katunayan, ako na ang may-ari ngayon. Isa akong Arcello. Kaya pupunta ako rito kung kailan ko gusto.

Nanunyo ang lalamunan ni Gilo.

"Kayo pumunta kayo rito dahil naghahanap kayo ng multo."

Mabagal na tumango si Gilo. Mas takot siya sa galit na boses nito dahil noon pa man ay nakakakita at nakakapag-usap na siya ng multo.

"Umalis na tayo rito. Pero kung gusto mo matulog rito at maghanap ng multo, bahala ka."

"Hindi sasama ako sa'yo Ate."

Sabay silang lumabas sa bahay, bumagsak ang mukha ni Gilo dahil wala na sina Ara at mga kaibigan nito. Hindi niya aakalain na aalis sila nang hindi siya kasama, especially with Ara with them.

"Pero ginawa na nila ito dati..." bulong niya na may pagtatampo sa boses.

"Mukhang maglalakad na tayo pauwi," si Feliz.

"Okay lang dahil naglakad din naman ako patungo rito."

"Mukhang okay lang din ito sa mga kasamahan mo dahil iniwan ka na nila."

May namuong galit sa puso ni Gilo. Sumama siya para kay Ara, pero mukhang hindi pa rin siya mahalaga rito kahit pa magpinsan sila, mas mahalaga pa rito ang mga kaibigan nito. Kaya nga naputol ang closeness nila noong High School dahil nakatagpo ito ng mga kaibigan na ang tingin sa kanya ay weird.

"Halika na maglakad na tayo."

Hindi na nagprotesta si Gilo at tahimik na iniilawan ang daan na binabaybay nila. Nasa isip pa rin niya ang pang-iiwan nila.

"Hindi mo sila kailangan," sabi ni Feliz.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Ginagamit ka lang nila. Minsan na rin akong ginamit ng taong minahal ko. Ako ang nagtrabaho at siya naman ang gumastos sa kita ko."

Naramdaman ni Gilo ang galit sa bawat letra na binitawan nito. Kaya pinili niyang manahimik.

"Kaya mas mabuti pa na mag-isa ka. Ganun din naman, pagnamatay ka ay mag-isa ka rin naman sa kabaong mo hanggang sa libingan."

Hindi sumagot si Gilo. Kinilabutan siya sa mga sinabi nito dahil totoo ito.

"Ako mamatay akong mag-isa."

Umarko ang mga kilay ni Gilo. Hindi pa nito alam na patay na siya. Hindi pa nito alam na multo na siya ngayon.

"Bakit ganyan ang mukha mo?"

"Nothing."

"You're a bad liar. I can tell when people are lying. Alam mo kung bakit? Dahil nakasama ko na ang lahat ng klaseng kriminal at lahat sila mga sinungaling. Alam mo kung bakit? Dahil kailangan. Tulad mo ngayon, kailangan mo magsinungaling dahil may tinatago ka sa akin."

Hindi niya alam kung ano ang tinutukoy na kriminal nito. May koneksyon ba'to sa pagkamatay niya? Kung meron, ibig sabihin na mali ang panaghinip niya. Hindi ito namatay sa aksidente kundi may kaugnayan ito sa isang kriminal. Naisip niya na baka binibigyan lang siya ng clue ng panaghinip niya na patay na'to at nadikit lang ang aksidente na nasaksihan niya sa daan dahil tumatak ito sa isipan niya.

"We all lie," she said. "Ang ayaw ko lang iyong may nililihim ang tao tungkol sa akin."

"Ate, hindi ko alam ang sinasabi mo."

Dito huminto si Feliz.

Sa oras na'to, sa gabi na malamig habang napapaligiran sila ng mga puno na tanging saksi sa pag-uusap nila ay nakaramdam ng takot si Gilo.

"Akala kasi nila Ara at Jun ay multo ka." Sinabi niya ito pero hindi ang kaalaman niya na patay na'to.

"Ako multo? Joke ba 'yan? Kaya ba sila..." Napailing si Feliz. Siya pa talaga ang ginawang multo.

"Nagtawag kasi kami ng multo kanina at may nakausap naman kami..."

"Nasa paranormal ka?"

"Ganun na nga."

"Sa tingin mo magaling ka?"

Nagulat si Gilo sa tanong. Siya ang vice president sa Paranormal club nila at isa siya sa pinakamagaling sa grupo. Hindi sa nagmamayabang siya pero feeling niya nasa top 3 ang paranormal skills niya.

"Nakausap mo si Louisa?"

Tumango si Gilo.

"Sino pa?"

Nais niyang sabihin---siya. Pero pinigil niya ang sarili.

Nagsimula nang maglakad muli si Feliz, nagpaiwan si Gilo ng ilang pulgada sa likod nito. Hindi siya makapaniwala na patay na'to. Hinagod niya ng tingin mula ulo hanggang paa ang likod nito. Mukha itong buhay.

Nalilito siya kung bakit ganito. Pero naalala niya na may mga patay na hindi nila alam na namatay sila kaya patuloy silang nabubuhay sa mundo.

Kaya pala blangko minsan ang mga mata nito, kaya pala bigla na lang ito sumusulpot, at kaya pala bumaba ito noong tinawag niya ang mga kaluluwa sa Arcello House.

"Hanggang hindi alam ni Ate Feliz na patay na siya ay patuloy siyang makikisalamuha sa buhay," wika ni Gilo.

Lumingon si Feliz kay Gilo.

Akala mo paranormal expert ka while marami kang hindi alam.

Nangiti si Feliz na parang nanunuya.

Hindi ito pinansin ni Gilo. Napagtanto niya na isa siyang multo na puno ng galit ang puso. Suspetsya niya may kinalaman rito ang sinabi nito tungkol sa mga kriminal. Kaya alam niya na mahihirapan siyang ipaintindi rito na patay na siya.

"Ang flashlight," biglang wika ni Feliz, "naiwan ko 'to."

"Wala ka namang dala kanina."

"Kaya nga naiwan ko 'to sa second floor sa sala. Na ubos ang battery. Mabuti at narinig ko kayo kaya napababa ako nang hindi ito dala."

Duda si Gilo sa mga sinabi nito dahil naalala niya ang kwento ni Jun. Nagpakita ito sa kanya at walang multo ang nagdadala ng flashlight.

"Balikan na lang natin next time."

She smiled again, this time much nicer and sweeter like she's a friend.

He felt bad for her. Nais niya itong yakapin. Sayang ito. Sa ganda nito marami pa sanang lalaki ang mapapaibig nito. Marami pa itong magagawa sa San Bernardino pero huli na ang lahat sa kanya. 

Pero hindi siya aalis sa San Bernardino hanggang hindi nalalaman ni Feliz na patay na siya.

She has to know she's dead.

Naisip niya na bukas na bukas din habang namamasyal at namimili ang mga kasamahan niya sa downtown. Siya naman ay kakausapin niya si Mossi. Alam niyang magiging mabigat rito ang katotohanan pero kailangan. Minsan ang katotohanan ay masakit pero makakatulong ito kay Feliz.

Tanging si Mossi lang sa isip niya ang makakapagsabi ng totoo. Sa kanya lang din maniniwala si Feliz. 

Ipinagdadasal lang niya na magiging okay din ang lahat.







Hilamos, eye of death (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon