Chapter 14

373 19 0
                                    

Nakakatiyak si Gilo dito nagmula ang ingay na narinig niya. Inilawan niya ito subalit walang tao o kakaiba sa kawarto na'to. Ordinaryong kwarto lang 'to...

Para makatiyak ay muli niyang inilawan ang buong kwarto gamit ang flashlight ng cellphone niya, bawat sulok ng kwarto ay dinaanan ng ilaw nang napako siya sa may picture na naka display sa centro ng pader na nakaharap sa king size bed.

Dito na siya lumapit at tinitigan ito.

Napaurong siya, ang lalaki ay kamukhang-kamukha ni Feliz. Ang babae naman sa picture ay may hawig din lalo na ang labi at hugis ng mukha.

Mga magulang ito ni Ate Feliz. Hindi ako pwede magkamali.

Napalunok siya. "Hindi kaya sila ang kanina na naramdaman ko sa may sala?" Bumilis ang tibok ng puso niya. Alam niya na hindi mga tao ang nakasama niya kanina lamang. "Sila."

Pinakiramdam niya ang buong kwarto kung narito sila sa loob, kung kasama niya ito. He shut his eyes and concentrated.

Una niyang naramdaman ang malamig na hangin, hindi kasing lamig nang sa sala pero sapat iyon para ginawin siya.

"Walang narito," sabi niya. "Pero bakit sila nag-iingay? Alam kaya ni Ate Feliz o Aling Mossi na nagmumulto sila rito sa bahay?" Huminga siya ng malalim. Nakapagdesisyon siya na bukas na bukas din kakausapin niya ang mga 'to. Aalamin niya ang totoo.

Paalis na siya nang muling may marinig siyang ingay, this time nanggaling iyong sa labas ng kwarto. Agad siyang napasugod.


"Aaaaahhh!" sigaw ni Clea.

Naabutan nila si Ara na nakatitig sa kanila habang nakatutok ang ilaw ng cellphone nito sa mukha.

"What?" bato ni Ara. "Bakit para kayong nakakita ng multo?

"My gosh, Ara, akala namin napano ka na!" si Clea. "Kaya nga kami napatakbo rito."

Dito na tumawa si Jun.

"Anong nakakatawa?" tanong ni Gabby.

"Remember I told you guys, plano kung takutin si Ara, siya pala ang tatakot sa atin." Sabay ngiwi nito at sapo sa ulo.

"Anong pinagsasabi mo?" nalilito na tanong ni Ara. "Jun, kaya ka ba nawala kanina dahil nagtago ka? Para sana... the nerve mo. Hindi mo ba naisip na this is not the time para sa mga ganyan. Guest lang tayo dito sa bahay na'to. Kunting respeto naman sa mga nakatira rito."

Tanging ngiti lang ang naging ganti ni Jun dito.

"Mabuti pa bumaba na lang tayo," saad ni Ara, while completely ignoring Jun na nakangiti pa rin. "In the first place, dapat hindi tayo pumanik rito."

"Fine, umalis na tayo," si Clea.

"Okay, pero natakot ka talaga," wika ni Gabby sabay sundot kay Clea.

"Kasi naman... akala ko multo... si Ara lang pala."

Muling tumawa ang tatlo maliban kay Ara na hindi pa rin humuhupa ang inis nito. Sanay na siya sa mga kalokohan nila pero dahil malapit na sila mag-graduate sa college ay dapat mas mature na din sila lalo pa't hindi nila bahay ang tinutuluyan nila ngayon.

Isa-isa niyang hinagod sa tingin ang tatlo bago siya na estatwa.

Si Gabby ang unang nakapansin sa kanya. "Ara, huwag ka nang magalit. Umalis na nga tayo."

"Hoy Ara," natatawang wika ni Clea.

Nanatiling nakapako sa tinatayuan niya si Ara na parang tumigas siya.

Hilamos, eye of death (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon