Chapter 34

331 15 0
                                    

Nakita ni Gilo ang sarili niya na nakatayo sa labas ng convenience store malapit sa gas station. Dito kasi ang usapan nila ni Ara na daanan siya.

Kung siya lang mas nanaisin niyang mag drive ng sarili niyang sasakyan dahil ni minsan hindi naman siya naging close sa mga kaibigan nito. Pero nakiusap si Ara na sumabay na kaya pinagbigyan na niya ito.

Naisip niya hindi na siguro masama sumakay siya kasama silang lahat. Una makakatipid siya sa gas at nandiyan naman si Ara kaya hindi siya mapipilitan na makipag-usap sa mga kaibigan nito. Na alam niyang tingin sa kanya ay weird.

Kaya nagulat siya noong imbitahan siya ni Ara, at ang sabi pa nito si Jun pa mismo nag suggest na sumama siya. Nalaman niya kung bakit dahil kailangan siya ng grupo dahil bibisita sila sa isang haunted house sa San Bernardino.

Natanaw ni Gilo ang pagdating ng van, pagbukas ng pinto ay sumalubong ang ngiti ni Ara.

"Gilo, sumakay ka na," tawag nito.

Masaya si Gilo na makita ang ngiti nito. Kahit paano gumaan ang loob niya, nakakangiti na'to at sa tingin niya ang bakasyon na'to ang makakatulong kay Ara para magmove on sa ex-boyfriend.

Kailangan maging happy lang kami sa vacation na'to.

Habang tumakbo ang van, ay expected na ni Gilo na hindi siya makakasabay sa usapan nila dahil hindi naman niya lubusan na kilala ang mga kaibigan ni Ara. Maliban sa schoolmates sila.

Kaya tahimik siyang nakaupo sa pinakalikod na bahagi ng van habang nagkwekwentuhan sila sa mga lugar na pupuntahan nila sa San Bernardino, kasama na ang mga plano nila after graduation since last school year na nila this year.

Napaisip si Gilo na mabuti pa sila may mga plano sa buhay. Siya alam na niya na magtatrabaho siya sa construction business ng family niya dahil nag-iisa siyang anak at siya lang ang inaasahan ng Papa niya na ituloy ang business nila.

Napabuntong hininga si Gilo habang pinagmamasdan ang ganda ng kapaligiran na dinadaanan nila.

Kung kanina tanging mga nagkukumpulan na mga sasakyan ang nasa labas, ay ngayon tanging mga luntian ang mahahagip ng mga mata mo. Mula sa rice field, mga puno ng manga, bayabas, niyog at iba pa. Pati na ang patag na parang tubig na kulay berde dahil natatakpan ito ng mga damo.

Sa sobrang payapa ng view ay nakatulog si Gilo nang may isang oras. Noong nagising siya ay pakiramdam niya naiihi siya.

"Excuse me guys, pwede bang mag CR ako?" tanong niya.

"Mag si-Cr si Gilo," sabi ni Ara.

"May bababa naman?" naiiritang wika ni Jun na siyang nagmamaneho.

Namula ang pisngi ni Gilo, mabuti na lang at walang nakasaksi nito dahil nag-iisa siya sa pinakalikod ng van.

"Mamaya na," sabi ni Jun. "Pigilan mo na muna."

"Pero hindi pwede baka magkasakit pa ako," sagot ni Gilo.

"Fine, pero dalian mo," bilin ni Jun.

Hindi na kumibo si Gilo, sa halip ay nagbanyo na siya sa likod ng puno. Nang makabalik siya ay nagsasalita pa rin si Jun, pero minabuti niya na hindi ito pansinin at nilibang niya ang sarili sa view sa labas.

Paakyat na sila habang binabaybay ang daan, sa kanan ay malawak ang bundok na matatanaw mo samantalang sa kaliwa ay malalim na bangin ang naghihintay sa'yo.

"Jun, slow down," reklamo ni Clea, "nasusuka ako."

Pero hindi ito pinansin ni Jun, nag-eenjoy ito sa paakyat na daan, bago bumaba at dumaan sa zigzag na daan.

Hilamos, eye of death (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon