Nais pa sana ni Gilo na mamalagi kahit isang araw pa subalit kailangan na niyang umuwi dahil nakarating na sa kanya ang balita na nakaburol na ang pinsan at mga kaibigan nito. He needed to be there.
Tiyak niya na mi-miss niya sina Mossi at Feliz.
Pumunta siya rito upang magbakasyon at upang magsaya sana. Pero isang malungkot na aksidente ang naganap na kumitil sa buhay ng mga kasamahan niya at ng kanyang pinsan.
Nais niyang ibaon sa pinakailalim ng bangin ang alaala na 'to. Pero alam ni Gilo, sa puso niya, na hindi niya matatalikuran ang lugar ng San Bernardino. Dito may mga alala na nabuo siya kasama sina Clea, Gabby, Jun at Ara. At hindi man kaaya-aya ang lahat ay nais ni Gilo na baonin ang masasaya lamang.
"Kahit patay na sila noong nakasama ko sila ay dagdag pa rin ang mga ginawa namin sa alaala ko," wika ni Gilo.
Nangiti sina Feliz at Mossi.
"Sige na Gilo, umuwi ka na at baka gabihin ka pa sa daan," sabi ni Mossi.
"Opo... at salamat po muli, Aling Mossi." Nakangiti na siya.
"Walang ano man, iho," sagot ni Mossi.
"At next summer dadalaw ako upang bisitahin kayo," sabi ni Gilo. Hindi na niya binanggit na nais din niya bisitahin ang lugar kung saan nangyari ang aksidente.
"Welcome ka always rito," panigurado ni Mossi. "Huwag kang mag-alala palagi namin silang ipagdadasal. Hindi kami makakalimot. Pangako."
"Maraming salamat po."
"Sige na, lakad na."
"Teka!" finally nagsalita si Feliz. "Iyong hilamos huwag mong ipagkalat." Naalala kasi ni Feliz ang kwento nito noong nasa loob ito ng van kasama sina Jun.
"Hindi. Promise." Natigil bigla si Gilo nang napansin niyang tumaas ang kamay ni Feliz abot sa mukha nito--- tapos naghilamos ito.
Kumabog ang dibdib ni Gilo.
"Ate Feliz, anong ginagawa mo?"
Binaba ni Feliz ang kamay niya habang nakaluwa ang mga mata na nakatitig kay Gilo.
Hindi na nakaimik si Gilo.
"Feliz, bakit anong nakita mo?" tanong ni Mossi na may pag-aalala.
Maingat na tinaas ni Feliz ang kamay niya na parang takot ito na ituro si Gilo. "Nakita ko si Gilo..."
"ANO?" bato ni Gilo, feeling niya nasusuka na siya.
"Si Gilo..."
"Ano nga Feliz?" naiinis na bato ni Mossi.
"Namumutla na ang mukha niya!" Dito na napahalakhak si Feliz. Habang napahawak ito sa tiyan niya.
Nakahinga si Gilo ng maluwag. Akala pa naman niya nakita nito na patay na siya.
"Nagbibiro lang ako, kayo naman masyado kayong seryoso," ani Feliz.
"Gilo, umalis ka na bago pa may maisip si Feliz na ibang kalokohan," sabi ni Mossi na hindi pa rin makuhang mangiti sa ginawa nito.
Nangiti si Gilo.
Tama nga siya babalik siya sa San Bernardino. Dahil marami pang mga alaala ang pwede niyang mabuo kasama ang mga bago niyang kaibigan at marami pa siyang makikilala rito.
At alam niyang kahit natuldukan na nang paglisan nina Ara at mga kaibigan nito ang mga alaala na mabubuo pa sana nila ay nangako siya na palagi niya silang ipagdadasal at hinding-hindi niya sila makakalimutan habang siya ay nabubuhay.
ANG WAKAS
BINABASA MO ANG
Hilamos, eye of death (completed)
HorrorNasubukan mo na bang maghilamos? Hindi ito ang hilamos na iniisip mo. Ito ang HILAMOS, isang paniniwala ng mga matatanda, mga kwento na pinagpasa pasa hanggang sa unti-unting nakalimutan na ng mga kabataan. Even you have never heard of it. Kahit...