"Tao po," tawag ni Clea, sabay katok sa lumang pinto na nagkukulay grey na ang kahoy.
"Baka naman walang tao," si Gabby, habang palinga-linga ito sa paligid. "Sobrang tahimik naman dito. Are you sure guys, na dito tayo magstay?"
"Yes," sagot ni Clea.
"Sure ka?" maypag-alala na sa boses ni Ara dahil hindi siya nakatitiyak kung may other option sila dahil walang hotel rito at tanging ang mga local residence lang na nagbubukas ng mga kwarto para sa mga guest tulad nila.
"Nakita ko ito sa FB at maayos kung nakausap ang owner nito," saad ni Clea.
"Tao po," si Gabby this time he made his voice louder.
"Sssshh," si Jun. Sabay silang lumingon kay Jun sa may likuran, maingat na tinuro nito si Gilo na nasa kanang bahagi ng bahay habang nakaangat ang ulo nito sa second floor na parang may tinititigan sa may bintana.
Napaismid lang si Ara, ganyan talaga si Gilo, tuwing pumupunta ito sa lumang bahay ay parating nakikiramdam 'to palagi.
"Guys, pwede kumatok tayo muli?" Nais na lang ni Ara makaligo, simula kasi noong umalis sila yesterday morning ay hindi pa siya nakakaligo. Feeling niya ang dry na ng skin at hair niya. Hindi naman siya maarte, sa katunayan sporty siya at laging bilad sa araw. Kaya lang kailangan na niya i-shampoo ang mahaba niyang buhok.
"Tao po," muling tawag ni Clea. Mukhang naiinip na'to at napakapit sa braso ni Ara. "Ang tagal naman. Baka namatay na iyong nakausap ko sa FB."
Hinila ni Ara ang kamay niya rito. "Ano ba Clea?!"
Tumawa si Clea. "Joke lang! Ikaw talaga, everyday serious ka." Napailing siya, dahil sa tingin niya na kay Ara na lang lahat, matangakad, maganda, matalino at mabait pero masyadong serious. Nakangiti pa rin siya nang muling hinablot ang kamay ni Ara. "Baka nakatulog lang iyon, baka napuyat kakahintay sa atin."
Tumango si Ara. Pwedeng ganun nga dahil dapat gabi ang dating nila kaya lang may aksidente sa dinaanan nila kaya napako sila sa daan nang matagal.
"Wala pa rin?" usisa ni Gabby.
"Wala pa... ano meron doon?" nguso ni Clea.
"Wala naman..."
Biglang pumihit pabukas ang lumang pinto. Gumawa ito nang ingay na tumawag sa atensyon nina Gilo at Jun na lumapit na sa kasamahan nila. Dito bumungad sa kanila ang isang babae na nasa 50s, halos puti na ang buhok nito. Pero maayos pa ang tindig nito at may nakangiting mga mata. Ito ang mga mata na bumati sa kanila.
"Ikaw ba si Miss Clea Andunar? Iyong nagbayad ng reservation sa pera padala."
Humakbang si Clea at nangiti. "Ako nga po at ito iyong mga kasamahan ko na tinutukoy ko. Lima kami tulad nang pinag-usapan... excuse me po, ikaw ba iyong kausap ko?" Tiyak niya na hindi dahil mas bata iyon.
"Ah... si Janice ang kausap mo, ang pamangkin ko, wala kasi akong alam sa internet at computer na iyan at sa mga pera padala. Kaya siya ang nakikiusap para sa akin."
"Ganun po ba..." Natigil si Clea nang mapansin niya ang paghikab nito, narinig niyang nakihikab din si Jun at si Gabby. Sumunod na rin siya bago nagpatuloy, "hinintay po ba ninyo kami kagabi? Pasensiya na kayo at ngayon lang kami...may nangyari kasi sa daan."
"Naku walang ano man iyon. Hinintay ko nga kayo pero naging abala lang ako sa ibang bagay kaya ako matagal bago nakatulog."
"Hi po. Ako si Ara," singit niya. "That's Gabby, then Jun and my cousin Gilo." Sabay dilat ng mga mata nito kay Clea. "Pwede na po ba kaming tumuloy? We really like to rest."
"Oo naman, tuloy kayo." At pakipasok na ng mga gamit ninyo. Pasensiya na ako lang mag-isa kaya kung may kailangan kayo sa akin na ninyo sabihin."
"Okay, salamat po," sagot ni Ara. "Guys, let's go inside."
Isa-isa na silang pumasok sa loob ng two-story old house. Sa loob nito ay isang malaking sala, kulay pula ang mga upuan rito na bumagay sa makintab na kahoy na sahig nito na halatang palagi itong pinupunasan. Malalaki ang mga bintana rito na tinatakpan ng nakataling puting kurtina. May chandelier ito sa gitna at sa kanan ay isang mahabang staircase.
"Saan po ang kwarto namin?" si Ara.
"Dito sa baba. Ang mga guest namin palaging sa baba, malapit sa kusina para kung gusto ninyo magluto ay magagawa ninyo. May tatlong kwarto na available dito, sakto sa reservation ninyo. At sa likod ng kusina, may porch kaya pwede pa kayong doon kumain. May lamesa kaya anytime pwede kayo doon."
Nangiti sila, naiisip na nila na pwede silang mag hang-out doon. Tanging si Gabby lang ang mukhang hindi masaya. "Sayang naman, mas maganda sa second floor, mukhang mas mahangin doon," bulong nito kay Clea.
"Sabi nga sa baba palagi ang mga guest," sabay ismid ni Clea.
"Anong binubulong ninyo diyan, sali ako?" si Jun.
"Wala," sagot ni Gabby. "Pero makikitingin na lang tayo sa taas."
"Naku, iyan ang huwag ninyong gawin. Dapat magpaalam muna tayo. Pwede po ba pumunta kami sa taas?" tanong ni Clea.
"Wala kayong makikita roon. Mga kwarto lang ng mga may-ari at mga lumang gamit nila."
Nagkatitigan sina Gabby at Jun. Mukhang they have found a place to explore pero wala silang sinabi dahil tiyak na magagalit si Ara dito.
"May curfew rin rito 10 pm, kaya bumalik kayo bago mag 10 pm," paalala nito.
"Yes, wala pong problema," si Ara. "About po pala sa the rest of the payment, saan po kami magbabayad? Five days kami rito." She couldn't believe na napakawalang sense ng question nila dapat ito ang concern nila at hindi kung ano ang nasa taas.
"Sa akin na, at kung may tanong pa kayo ay huwag kayong mahiyang lumapit sa akin." Dumiretso ito sa pader na may nakabitay na mg susi at inabot ito sa kanila. "Kayo na mamili ng kwarto ninyo, pero iyong pinakamaliit ay iyon ang single bed lang."
Thank you po...ano pala..." si Ara nang matigil ito.
Sabay silang lahat na tumingala nang parang may kumalabog sa itaas, parang may nahulog rito na mabigat.
"Ano po iyon?" tanong ni Ara
"Titingan ko kung ano iyon mamaya."
"Iyon ata iyong sumilip kanina," sabi ni Gilo na ngayon lang nagsalita ngunit walang pumansin sa kanya at nakatingala pa rin silang lahat. Bumababa lang ang tingin nila nang wala ng ingay mula sa taas at nang magsalita si Ara.
"Like what I was about to say kanina... ano nga po pala ang pangalan ninyo? sabi ni Ara.
"Pasensiya nakalimutan ko magpakilala. Ako si Mossi Estacion. Aling Mossi dito."
BINABASA MO ANG
Hilamos, eye of death (completed)
HororNasubukan mo na bang maghilamos? Hindi ito ang hilamos na iniisip mo. Ito ang HILAMOS, isang paniniwala ng mga matatanda, mga kwento na pinagpasa pasa hanggang sa unti-unting nakalimutan na ng mga kabataan. Even you have never heard of it. Kahit...