Chapter 36

344 15 0
                                    

Tahimik na nag dinner si Gilo kasama sina Mossi at Feliz. Pinagsaluhan nila ang de latang corned beef,  tanging ito lang ang naihanda nila sa gabi na'to. Kahit nais nila umakto lang ng normal ay mahirap pa rin, nais na lang nila makakain at makatulog ng maaga.

Natigil sila sa pagkain nang pumasok sa kusina si Ara, kasunod nito si Clea.

Gustong batiin ito ni Gilo pero feeling niya may bumara sa lalamunan niya at walang mga salita ang lumabas rito. Ito ang unang beses na makita niya si Ara---ever since malaman niyang patay na'to. Hindi niya kayang ipaliwanag ang nararamdaman niya ngayon, marahil walang saktong salita ang makakapaliwanag nito.

"Gilo, mauna na lang kami ni Feliz sa taas," sabi ni Mossi.

"Okay lang po. Ako na ang bahala rito."

Na unang umupo si Clea sa tabi ni Gilo habang hindi inalis ni Ara ang pagkatitig kay Feliz. She still couldn't believe it---she's still here.

"Gilo, bakit pa siya hindi umaalis? Diba she's dead?"

Hindi siya sumagot.

"Does that mean, patuloy niya akong susundan?"

"No," he finally answered. "Bukas matatapos na ang lahat."

Nagdikit ang mga kilay ni Ara.

"I promise."

"Tapos I can finally rest in peace?"

Tumagos iyon sa puso ni Gilo, iba ang ibig sabihin ng mga salitang iyon para sa kanya. Totoo matatahimik na si Ara at huling araw na din nilang magkakasama. He'll never see her again.

Bumigat ang paghinga ni Gilo. Hindi niya alam kong kakayanin niya ang pinapagawa ni Tina sa kanya. Kaya ba niyang sabihin kay Ara na patay na'to? Paano kundi nito matanggap? Ano ang gagawin niya? Hahayaan niya ba na mamuhay ito kasama ang mga buhay?

"Gilo, what's wrong?" si Clea.

"Ha? Wala..."

"Huwag na nating kulitin si Gilo," sabi ni Ara, this time umupo na siya sa tabi ni Clea habang kaharap si Gilo.

"Maghuhugas lang ako ng mga kinainan namin," sabi ni Gilo. He just felt uncomfortable habang tinititigan siya ng dalawa na parang may hinihintay sila sa kanya.

"Isn't it weird na alam na nating lahat na patay na si Feliz yet we're still living with a dead girl," natatawang wika ni Clea.

"I know right... parang masasanay ka din na may kasamang patay," sabi ni Ara.

Narinig ito ni Gilo habang naghuhugas siya ng mga plato at baso.

Pwede kayang masanay ako na kasama ang mga patay? Nakasama ko na sila ng ilang araw. Kundi ko na lang kaya...

Napailing si Gilo. Iba ang sitwasyon ngayon dahil alam na niyang patay na sila.

"Nandito lang pala kayo."

Napalingon si Gilo.

Galing ang tinig na iyon kay Gabby. Bigla siyang kinabahan, naalala niya ang sinambit ni Feliz na baka alam na nito na patay na siya.

Tinitigan niya ito pero hindi siya pinansin nito, sa halip umupo ito sa tabi ni Clea.

"Bukas, dumaan ka muna sa amin," sabi ni Clea.

"Sure, sabay tayo magdinner."

"We just spent almost 24 hours together. Tapos mag-dinner naman kayo bukas. Hindi talaga kayo nagsasawa sa isa't isa," pansin ni Ara.

"Never," bitaw ni Gabby, "kami ni Clea hanggang sa huli. Pangako namin iyan. Diba?"

"Tama. Hanggang sa kamatayan," dugtong ni Clea.

Hilamos, eye of death (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon