Napaubo si Gilo, dala ng mga lupa na may kasamang maliliit na mga bato na pumasok sa bibig niya. Tapos napalunok siya nang maramdaman niyang namamasa ang labi niya, dito na tikman niya ang sarili niyang dugo.
Nangiti si Gilo. If he could still taste his own blood. Ibig sabihin---buhay pa siya!
Sinimulan niyang umakyat pabalik sa taas nang biglang may malakas na tunog ang bumalot sa buong bangin.
Napapikit si Gilo.
Alam niyang mula ang ingay sa van na tuluyan nang bumagsak sa ibaba. Ayaw niyang tumingin rito dahil natatakot siya kung ano ang makikita niya. Feeling niya sapat na iyong mga panaghinip niya, kung totoo ang posisyon ng mga bangkay noong nakita niya ay hindi na mahalaga para sa kanya. Nais niyang maalala sila ng buhay---tulad ng sinambit ni Ara.
Pero nanghina siya, dumulas ang isa niyang kamay, mabuti na lang at mabilis siyang napakapit sa nakausling bato. He reminded himself na wala doon sila Ara at mga kaibigan nito sa loob ng van. Ang kasama niya kanina ay mga patay na. Kaya hindi sila pwedeng masaktan o pwedeng mamatay muli.
Ngayon alam na ni Gilo kung gaano ka tindi ang aksidente noong mahulog sila sa bangin. Pero alam ni Gilo na mas grabe pa rito ang nangyari dahil kasama ng van na nahulog ang isang truck na may kargang gulay.
Hiniling ni Gilo na sana hinimatay na sila bago pa tumama ang sasakyan sa pinakababa ng bangin, dahil hindi niya makuhang isipin ang sakit at takot na naranasan nila.
"Hiling ko na sana matahimik na kayong lahat," bulong niya.
Umakyat na si Gilo pataas, gamit ang mga bato ay unti-unti siyang umangat hanggang nasa kalsada na siya.
Agad siyang bumagsak sa kalsada nang maramdaman niyang kumikirot ang katawan niya, at parang nawalan siya ng lakas.
"Gilo, okay ka lang?"
Sumingkit ang mga mata ni Gilo, may narinig siyang boses kaya agad siyang napaigtad dahil naisip niya si Ara.
"Okay ka lang?
"Ate Feliz?"
"Sinundan kita rito, nag-alala kasi ako."
Ngumiti si Gilo na may halong tuwa at lungkot.
"Okay ka lang?" ulit ni Feliz.
Hindi siya nakasagot.
"Gilo, matatahimik na sila. Alam na nila ang nangyari sa kanila. Makakatawid na sila sa kabilang buhay."
"Hindi ko plano na ihulog ang van. Hindi sa ganitong paraan ko gustong ipaalam. Sa tingin mo Ate, galit sila sa akin?"
Nangiti si Feliz. "Alam nila na hindi mo kagustuhan na ihulog ang van kaya hindi sila galit sa 'yo."
"Si Jun..."
"Pilyo talaga ang batang iyan."
"Ginusto niya akong patayin dahil sa hilamos..."
"Mamaya ka na magpaliwanag," sabi ni Feliz. "Umuwi na tayo at gamutin natin ang sugat mo."
"Pero nahulog ko ang van mo. Wala tayong masasakyan." Sa isip niya, hindi niya kayang maglakad ng malayo. At wala pang dumadaan na sasakyan mula kanina.
"Sa tingin mo lumipad ako rito. Hindi ako multo." Napailing si Feliz. "Siyempre sumakay ako. Doon." Sabay turo ni Feliz sa tricycle.
Gilo smiled. Naalala niya ang tricycle dahil minsan na niyang na drive ito habang sakay si Feliz.
"Halika na."
"Teka." Sumeryoso ang mukha ni Gilo. Sa himpapawid nakita niya sina Ara, Clea at Gabby habang kumakaway sa kanya. "Umaalis na sila."
BINABASA MO ANG
Hilamos, eye of death (completed)
TerrorNasubukan mo na bang maghilamos? Hindi ito ang hilamos na iniisip mo. Ito ang HILAMOS, isang paniniwala ng mga matatanda, mga kwento na pinagpasa pasa hanggang sa unti-unting nakalimutan na ng mga kabataan. Even you have never heard of it. Kahit...