Chapter 21

340 15 0
                                    

Ang katok sa pinto ang gumising kay Gilo sa isang masamang panaghinip. Simula noon dumating siya San Bernardino ay hindi na siya tinantanan ng panaghinip na'to.

But this time his dream was eerily different.

Nakita niya si Feliz.

"Gilo," tawag ni Ara sa labas ng pinto. "Kakain na kami."

Napatitig siya sa may orasan sa pader. Alas kwatro pa ng hapon.

"Tinapay lang kakainin ko, mamaya na lang sa van," balik niya.

Napasapo si Gilo sa buhok niya, pinagpapawisan siya, hindi na siya nagtaka dahil ito ang nangyayari sa kanya tuwing napapanaghinipan niya ang aksidente.

Nalilito siya.

Bakit nakita niya si Feliz rito? Dahil ba kausap niya ito kanina at naalala niya noong nakita niya ito sa news.

Kinilabutan si Gilo.

Naalala niya ang panaghinip niya. Ang mga patay na nagkalat sa daan, tiyak niya lahat sila patay. Ang babae na tumilapon nang malayo, nakatalikod ito habang naka ekis ang mga paa, at tanging isang kamay lang nito ang makikita mo. Hindi mo malaman kung nadaganan lang ng katawan nito ang isang kamay o naputol ito. Tapos ang mukha nakasideview na halos umikot na'to sa likod habang nakadilat ang mga mata.

Si Feliz iyon.

Nakakasiguro siya dito. He couldn't be wrong. Siya iyon.

Ang hindi lang alam ni Gilo kung kaya familiar si Feliz noong una niya itong nakita ay dahil sa panaghinip niya o dahil sa nakita niya sa news ito dati.

"Kasama si Ate Feliz sa aksidente."

Pilit niyang inalala kung naikwento na ba ni Mossi kung kailan ito dumating dahil sa pagkakaalam niya ay matagal ito nawala sa San Bernardino. But he couldn't remember anything. He tried to think harder until his brain burned like wildfire.

Napatayo si Gilo.

"It was her!" he was so sure of it.

Na estatwa si Gilo sa maliit na kwarto na parang hindi siya makahinga.

"She's dead!"

Bumaba si Mossi, una niyang napansin ang mga kaibigan ni Gilo na nakaupo sa sala. Ipinagtanong niya kung nasaan ito at noong malaman niyang nasa kwarto nito ay dali-dali siyang nagtungo rito.

Dapat malaman nito na ang multo na nag-iingay dito sa bahay ay hindi si Louisa. Kundi ang mga kaibigan ni Gilo mismo. Nagsisisi tuloy si Mossi kung bakit iniwan niya ang mga kaibigan ni Gilo na hindi napagsabihan na bawal na silang pumanik sa second floor.

Naisip niya na kay Gilo na lang niya ito ipapaabot.

Aktong kakatok na si Mossi nang biglang bumukas ang pinto.

Bumungad sa kanya si Gilo. Naghahabol ito ng hininga habang ang pawis sa noo nito kasing laki ng monggo.

"Gilo, okay ka lang?"

Napalunok si Gilo. Ang huli niyang inaasahan ay makita si Mossi.

"Sina Ara po?"

"Nasa sala, naku hindi ka nila iniwan. O bakit mukhang nag-aalala pa rin iyang mukha mo? Gusto mo ba tingnan sila? Halika samahan kita."

Sabay silang naglakad patungo sa sala. Dito naabutan nila na nagtatawan sina Gabby at Jun, samantalang nag-uusap sina Ara at Clea.

"Gilo, tapos na kaming kumain," si Ara. "Iyong tinapay, nasa ibabaw ng mesa lang."

"Thank you," balik ni Gilo. "Kukunin ko na lang."

"So let's go!" excited ang boses ni Jun parang pupunta ito sa amusement park.

Hilamos, eye of death (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon