Salamat po sa binigay ninyong oras para basahin ang aking sinulat na kwento. Ang inyong nabasa ay galing lang sa imahinasyon ko, kung may nangyari man sa tunay na buhay na magkahwig sa aking sinulat ay hindi ko ito sinasadya.
Isa rin sa pinagkuhanan ko ng inspirasyon ay ang paniniwala namin sa probinsiya noong kabataan ko. Ayon sa mga kwento ng mga matatanda sa amin, kung may nakita kang hindi sa mundo natin (espiritu, kaluluawa...) at gusto mong makita ito ng katabi mo ay sabihin mo sa kanya na maghilamos. Kung nagawa niya ito ay makikita niya rin ang nakikita mo.
Tinawag ito na hilamos dahil para kang naghihilamos, iyon nga lang walang tubig at isang beses mo lang itataas at ibababa ang kamay sa mukha mo.
Sa aking sinulat ay iniba ko lang nang kunti ang paniniwala para bumagay sa nais kong kwento.
Pahabol ko lang, patuloy kong babasahin ang aking sinulat para ma tama ko ang mali na spelling or grammar. Kaya huwag masyadong harsh kung may nakita kayong mali.
Muli maraming salamat po at hanggang sa muli.
----M.M---
BINABASA MO ANG
Hilamos, eye of death (completed)
HorrorNasubukan mo na bang maghilamos? Hindi ito ang hilamos na iniisip mo. Ito ang HILAMOS, isang paniniwala ng mga matatanda, mga kwento na pinagpasa pasa hanggang sa unti-unting nakalimutan na ng mga kabataan. Even you have never heard of it. Kahit...