Chapter 8

476 18 0
                                    

Tanaw na nila ang cave, matapos maglakbay ng dalawa't kalahating oras sa kagubatan ng San Bernardino. Pinasok na nila ang cave na tinawag na Magsupong Cave, pinangalan ito sa nakadiskobre nito noong 70s. Sa bunganga ng cave, pababa ito ng ilang metro hanggang marating mo ang isang patag bago ka muling papasok sa ilalim na bahagi kung saan naghihintay ang stalagmite at stalactite na may iba't ibang porma pero ang pinakakilala sa lahat ang cathedral formation nito dahil para kang nakatitig sa tunay na cathedral.

Kumikinang ito na parang nababalot ng mga diamente, habang nakapaligid ang mga maliliit na stalagmite na parang binabantayan ito.

Samantalang parang ulap na nagbabago ng mga anyo ang mga stalactite na mukhang nakasilip sa kanila.

"Wow!" Sabay silang lahat. Feeling nila nasa langit sila, malamig at payapa rito maliban sa tunog ng tubig na pumapatak mula sa itaas na bahagi ng cave.

"It's really worth it," masayang wika ni Clea, unlike kay Ara na athletic ay siya naman hindi, kaya na excite siya nang nakayanan niya ang pagtungo rito lalo pa't tinutukso siya ni Gabby na baka kailangan niya itong buhatin. Nilingon niya si Gabby at inabot ang kamay nito. Naghawak sila ng kamay at sabay muling pinagmasdan ang pambihirang ganda ng cave.

"May nakita ako na ganito ka ganda na cathedral pwede doon tayo magpakasal," bulong ni Gabby dito.

"Talaga," maya halong kilig ang boses ni Clea, "pero mag-graduate muna tayo tapos maghanap ng work para makapag-ipon tayo."

"Siyempre, diba pinangako na natin iyan sa isa't isa?"

Hindi na siya sumagot. Dahil alam na ni Gabby ang sagot dahil ito na naging pangako nila sa isa't isa na sila hanggang sa wakas. Mag High School sweetheart sila at hanggang ngayon malakas pa rin ang relasyon nila.

Sumandal siya sa balikat ng boyfriend, sapat na maramdaman niyang kasama niya ito sa lahat ng oras lalo na sa mga ganitong pambihirang pagkakataon.

Napaismid si Ara nang mahagip ng mga mata niya ang bestfriend at boyfriend nito. May naramdaman siyang kirot, naalala niya bigla ang ex boyfriend, ganito din sila noon ka sweet, hindi man sila kasing tagal ng dalawa ay naging masaya naman sila noong naging sila. Sayang lang at naghiwalay sila noong magtaksil ito sa dating girlfriend nito.

Natutunan niya na hindi dahil masaya kayo ay magiging kayo, may mga tukso na sadyang makapangyarihan at mahirap labanan. At hindi lahat deserve magkaroon ng second chance. Nagpapasalamat siya na tapos na ang chapter na iyon ng buhay niya at kailangan na niya mag move on.

She's hoping after this vacation, matuldukan na niya ang sakit na dinulot nito sa puso niya. Simula ngayon gagawa siya ng mga bagong memories kasama ang mga kaibigan niya. Because life is too short for her to be miserable.

Muli siyang tumitig sa mukhang cathedral na stalagmite at nagbigkas ng maikling dasal para sa kanyang kapayapaan at sa mga kaibigan.

"Tingnan ninyo si Ara, kahit nasa loob tayo ng cave ay serious pa rin," nangingiting wika ni Jun.

"Hindi ka pa nasanay diyan," sabi ni Clea. "Mabuti pa magpa picture na tayo, basta walang flash, okay?"

"Ara," tawag ni Gabby, "magpicture- picture na tayo."

Sinimulan na nila ang magpapicture sa cave. May individual shots, tapos group shots, mabuti na lang dala nila ang camera tripod ni Gabby kaya may picture silang magkasama lahat.

Nakailang shots din sila bago nagrefresh sa dala nilang tubig.

"Bababa pa ba tayo? tanong ni Clea.

"Siyempre, sayang naman pinunta natin dito," ani Jun.

"No, gagabihin na tayo sa kagubatan, kaya dapat bumalik na tayo. We'll rest for a while tapos lalakad na tayo."

"Tama si Gabby," si Ara, "kung kanina umaga tayo umalis ay may more time tayo kaya lang nakatulog tayo kaya after lunch na nakapunta rito."

"Mas maganda nga maglakad sa gabi, adventure pa 'yan," ani Jun, "isa pa alam naman natin ang daan palabas kaya hindi tayo maliligaw."

"Kung gusto mo ikaw lang, magpaiwan ka dito kung gusto mo pa mag-explore sa ibang bahagi ng cave at gabi na umuwi," sabi ni Ara. Hindi na niya pinansin ang sagot nito, sa halip kay Clea niya binaling ang atensyon niya. "Bukas maaga tayo."

"Yes! At buong araw tayo magswimming sa ilog, doon tayo kakain at pwede pa mag siesta. Tama ba? excited ang boses ni Clea.

"Yes," pagsang-ayon ni Ara. "Tapos on our third day doon tayo sa Arcello House. Let's stick with our itinerary."

"Third at fourth," singgit ni Jun habang kumikinang ang mga mata ito.

"One day lang tayo doon, kasasabi ko lang na stick tayo sa itinerary natin," naiiritang wika ni Ara, "diba napag-usapan na natin 'to. Sa fourth day, pupunta tayo sa downtown ng San Bernardino, mamasyal tayo doon, there are old churches to visit, museo nila, at mamimili tayo ng mga pasalubong. Dahil sa fifth day iyan na ang alis natin."

"Yes, at idea mo ito Jun na buong araw tayo sa Arcello House hanggang gabi. Wala ng point na bumalik tayo the next day. Ma bo-bored na ang mga multo sa mga pagmumukha natin," wika nang nakangiting si Clea.

"Gusto ko makita ang mukha ng isang bored na multo," biro ni Jun.

Nag-echo sa loob ng cave ang tawanan nila---maliban kay Ara. Hindi kasama sa nais niya ang pumunta sa Arcello House pero idea ng mga kaibigan niya ito. At first tutol siya rito, hindi sa takot siya pero hindi siya naniniwala sa mga multo at naiisip pa lang niya na naggo-ghosting sila ay natatawa na siya. Pero pinagbigyan niya sila dahil nagsuggest sila na isama ang pinsan niyang si Gilo. She thought it's also a wonderful opportunity for them to get close to Gilo.Pero so far hindi pa ito nangyayari dahil nainis na sila kay Gilo noong bumili ito ng breakfast nila sa eatery. Sa halip na doon sila kakain sa mismong eatery ay they end up eating inside their van.

At ngayon naman ay hindi sumama si Gilo.

Kinatok niya ito nang makailang beses pero hindi bumukas ang pinto nito. Naabutan siya ni Mossi at sinabi nito na lumabas ito ng kwarto dahil tinawag nila ito upang sumabay magbreakfast sa kanila, at pagkatapos ay natulog na'to. Kaya huwag na lang muna daw ito istorbuhin.

Pero hindi siya naniniwala na tulog ito, kilala niya ang pinsan niya, mababaw lang ito matulog, ang duda niya sadyang ayaw nitong sumama sa grupo nila ngayon.

"Bukas kailangan kasama na natin si Gilo sa ilog," sabi niya sa sarili niya nang malakas.

"Kung gusto niya," sago ni Clea na inakala na kinakausap sila ni Ara.

"Who cares? Basta ang importante ay hindi lang siya mawawala sa Arcello House dahil paano natin makakausap ang mga multo," natatawang saad ni Jun.

"Sana hindi ka sapian bukas," biro ni Clea.

"Ano naman kung sapian ako?" bato ni Jun.

"Sa bagay, baka bumait at maging tahimik ka," balik ni Clea.

Muling nagtawanan sila maliban pa rin kay Ara. Iniisip niya pa rin si Gilo, nabanggit ni Mossi na nagbreakfast ito sabay nila. Sinong nila ang tinutukoy nito? At bakit kumain muli si Gilo ng breakfast? Inakala niya na tapos na itong kumain?

Maliban na lang kundi pa naka breakfast si Gilo.

Napabuntong hininga siya, masyado na naman siyang nag-iisip sa halip na mag-enjoy lang.

"Guys, sa labas na tayo ng cave magpahinga nang makalanghap naman tayo ng fresh air," wika ni Ara.

"Okay basta magpahinga muna tayo ha?" si Clea.

Lumabas na sila cave kahit na gusto pa ni Jun mag-explore sa loob ay hindi na'to nagprotesta at sumunod nang tahimik.

Huli umalis sa cave si Ara, sinulyapan niya muna sa huling beses ang cathedral like formation ng stalagmite. Nangiti siya, kailangan niya iyon, just a reminder na dapat happy memories lang ang baunin niya ngayon.

Hilamos, eye of death (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon