Chapter 22

382 15 2
                                    

Alas singko na ng hapon noong makarating si Gilo sa Arcello House. Dito ay sinalubong siya ni Ara bago sama-sama silang lahat na nakatayo sa labas ng bahay habang pinagmamasdan ito.

Ang buong bahay ay naka gate na bakal at may taas na 10 feet. Ang pintuan ng gate ay close pero hindi naka lock na parang welcome ang sino mang nais pumasok sa loob.

Sa gitna ng buong property ay ang Arcello House, isang mansyon na niluma na ng panahon.

May tatlong palapag ang bahay, may malawak na mga bintana at mataas ang entrance door nito. Gawa sa cemento ang buong buhay, European inspired house ito na may mga intricate na mga design ang haligi nito. Naiwan pa rin ang ganda nito kahit may mantsa na ang mga pader dito.

Ang bakuran naman nito ay sinasakop ng mga damo na kasing haba hanggang tuhod, samantala sa likod ay isang swimming pool na may pinaghalong itim at berde na tubig na napuno mula sa ulan. Dito nakalutang ang mga dahon na nahulog mula sa matatandang puno na tanging saksi sa naging kwento ng mansyon.

"Wow!" si Jun. "I didn't expect na mansion ito."

"Right, kasi tinawag na Arcello House at hindi naman Arcello Mansion," Gabby agreed.

"I think that's the point...para malula ang mga tao na unang beses na makapunta rito," saad ni Ara.

"I think mas scary ito pag-gabi," may concern sa boses ni Clea, bago napakapit sa braso ni Gabby na tinapik ang balikat nito para i-comfort siya.

Inaamin ni Gilo, hindi niya inaasahan na mansyon ito tulad ng sinambit ni Jun. Kaya may kaba sa dibdib niya pero mas nangingibabaw ang excitement niya. Ito ang dahilan kung bakit siya sinama sa San Bernardino.

Hinayaan muna nila lumipas ang oras hanggang maghalo na ang itim at puti, hanggang magkulay abo na ang buong paligid.

Dito sabay na silang pumasok.

Tinulak ni Gabby pabukas ang pinto, at na una sa loob bago sumunod silang lahat.

Sa loob ng bahay ay may malawak na receiving area. Walang sofa o mesa rito, tangging makintab na sahig na kulay pula ang sumalubong sa kanila.

"Una nating gawin ay let's explore the whole House," si Jun. "Tapos pag alas otso na ay tatawagin na ni Gilo ang kaluluwa na narito.

"Bakit kailangan otso kung pwede namang seven sa gabi?" tanong ni Clea.

"So we can have two hours to explore the place. Isa pa ang aga pa ng seven," naiinis na sagot ni Jun.

"Ang usapan natin, aalis tayo before 12 am," paalala ni Ara.

"I know," balik ni Jun. "Unless isa sa atin sapian."

Bumuka ang labi ni Clea na parang kakawala ang buong panga nito. Dito na tumawa sina Jun at Gabby.

"Joke lang iyon," sabi ni Gabby.

"Well, hindi nakakatawa, paano kung mangyari iyon?" bato ni Clea.

"Kung mangyari iyon, iwanan natin ang nasapian dito kasi baka patayin tayo tulad noong kwento sa bahay na'to. Ayaw ko pang mamatay," seryosong wika ni Jun.

"Walang maiiwan," tumaas ang boses ni Ara. "Pwede ba tigilan na natin ang mga kwento na iyan. For all we know, hindi naman talaga siya sinapian.

"Tama," Clea agreed.

"Fine," si Jun. "So ano na? Sabay tayo lahat na mag-explore or hindi?"

"Kami ni Gabby at Ara together," si Clea, sabay abot sa kamay ng boyfriend at Ara.

Sasang-ayon na sana si Ara nang matanaw niya si Gilo na kanina pa tahimik. Ngunit bigla itong nagtaas ng kilay noong marinig ang mga binitawan ni Clea. Dito niya naalala na kailangan nilang makausap ang kaluluwa ni Louisa.

Hilamos, eye of death (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon