Chapter 30

348 16 0
                                    

"Oh my Golly," sabi ni Clea.

Napatigil sila sa bungaran ng Museo ng San Bernardino. At tinuon ang atensyon sa babaeng nasa harapan nila.

"Look! Si Feliz 'yan!" Sabay turo kay Feliz na nasa labas ng bukas na gate ng museo kung saan sila dumaan pagpasok nila kanina.

"Yes, it's her. Sinusundan ba niya tayo?" tanong ni Gabby.

Nanigas ang buong katawan ni Ara, akala niya hindi na siya gagambalain pa ni Feliz. Bakit narito ito sa museo?

Nasaksihan niya ang pag galaw ni Feliz. At nagkatitigan silang dalawa.

Nanlilisik ang mga mata ni Feliz. Kaya napaatras si Ara sa gilid ni Jun dahil kundi ay feeling niya aatakihin siya nito na parang mabangis na hayop.

Napansin niya na humakbang ito papasok sa gate. Bago tumigil, at inangat ang kanang kamay sa mukha nito.

"Anong ginagawa niya?" si Jun.

"Mag transform?" nalilito na tanong ni Gabby.

"Whatever it is... I think it's not good," Ara stressed. "We need to go."

"Saan? Malapit siya sa gate," mabilis na bato ni Clea.

"Sa loob ng museo," ani Ara.

Matulin silang tumakbo sa loob. Nang makatiyak na lahat sila ay nasa loob na ay sinarado ni Ara ang pinto na parang siya ang may-ari ng museo.

"Anong ginagawa mo?" kinakabahan na tanong ni Gabby. "Illegal ata iyang ginawa mo, mapa trouble pa tayo niyan. Paano kung dumating ang caretaker dito?"

Hindi siya pinansin ni Ara, sa halip agad siyang sumilip sa bintana na nakaharap sa gate. Dito nakita niya na palapit na si Feliz, hindi ito nagmamadali mukhang alam nito na trap na sila sa loob ng museo.

"She's still following us," Ara said.

"Ano?!" si Clea. Nakisilip na rin ito sa tabi ni Ara bago napasigaw. "She's haunting us!"

"Kabaliwan!" galit na bato ni Jun.

"Kung hindi bakit siya nandito?" tanong ni Gabby.

Hinila ni Ara pababa ang kurtina, bago inabot niya ang kamay ni Clea. Tapos sabay silang lahat na napaatras habang nakatitig sa pinto.

Walang umimik.

Ni wala kang marinig na hininga nila. May takot na namuo sa kanila na kung ikaw ang una na mag-iingay ay ikaw ang aatakihin ni Feliz.

Ilang minuto pa ang lumipas.

"Wala na siguro siya," bulong ni Clea.

"Hindi nawawala ang multo," sabi ni Gabby.

"Kung multo siya diba dapat tatagus lang siya sa pintuan," naiinis na wika ni Jun, "kaya kahit saan tayo magtago ay mahahanap niya tayo."

Nagkatitigan silang lahat.

Walang gustong sumang-ayon sa sinabi ni Jun. Natatakot sila na kung tatango sila ay bigla tatagos sa pinto si Feliz.

Pero umiling si Ara. "No. Hindi siya tatagos kasi hindi niya alam na patay na siya."

"You have a point," si Gabby.

"Kung ganun safe tayo dito," sabi ni Jun.

Biglang may tumunog sa likod na parang may nagbukas ng pinto.

"Hindi nga siya lumalagos sa pintuan, pero maghahanap siya ng pinto at papasok dito," natatarantang wika ni Clea.

"Magtago tayo!" utos ni Ara.

Hilamos, eye of death (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon